YESHA POV
Pagkatapos ng tagpong 'yon ay hindi ko na siya nakita. Hindi na rin siya dumadalaw sa apartment ko o kahit sa kompanya ni, Kuya Storm. Nagtataka narin si Kuya Storm kung bakit hindi daw siya dumadalaw, naninibago daw siya. Dahil kung noon ay halos araw araw at walang playa itong dumadalaw sa'kin.
Dalawang linggo narin ang nakakaraan ngunit wala parin siya. Pabor naman sakin yun dahil alam kong iiwasan ko lang din siya kapag nagkita kami. Hindi parin kasi ako nakaka move on sa nangyaring halikan.
Nagpagulong gulong ako sa kama ko at hindi alam ang gagawin para mawala sa isip ko ang nangyari.
"Bwisit! Bakit kasi hinalikan ko siya pabalik? punyawa!" Napagdesiyonan ko nalang na tawagan si, Reycarl para hindi ako ma bored. Alas otso na din ng gabi at tapos na akong maghapunan.
Nakatatlong ring pa bago niya masagot ang tawag ko. Kakagising lang ng bruha dahil humihikab pa at mas naging singkit ang singkit niyang mata.
"Natutulog, gaga ka!" napangiwi pa ako sa lakas ng boses niya, "anong kailangan mo at ako na naman ang pinili mong istorbohin? alam mo bang ang ganda ng panaginip ko ah? may gwapong lalaki daw na naka sex—"
"Gaga! I need your advice, bruha ka! tangina naman ng panaginip mo, nakikipagsex ka!" nakangiwi kong sabi ngunit inirapan niya lang ako.
"Okay, ano ba 'yon? pakibilis tatawagan ko bebe ko."
"Kadiri." Hindi na bago sa'kin na paiba iba ang boyfriend niya, hindi naman niya 'yon sineseryoso.
"So eto nga, " huminga muna ng malalim, "K-kasi.. nag kiss kami." gusto kong sapukin ang sarili ko.
Napaangat naman ang kilay niya..
"and?"
"Ganito kasi, nung gabing umuwi siya mag three months na siguro bago ako lumipat dito sa bago kong apartmen—"
"WHAT?! LUMIPAT KANA?!" Agad ko naman siyang pinatahimik.
"Oo, so eto na nga wag ka munang sumabat ah? umuwi kasi siyang lasing tapos nagising ako. Iinom sana ako tubig ng makita ko siyang nakaupo at malalim ang iniisip kaya nilapitan ko, tapos basta may pinagusapan kami hanggang sa hinalikan niya ako." nanlaki naman ang mata niya at tumili.
"Masarap?" inirapan ko naman siya ngunit tumango rin na ikinatili niya. Totoo namang masarap siyang humalik.
"Tapos akala ko hindi niya naalala kaya nung inaya niya akong mamasyal nagulat nalang ako ng itanong niya yun sa'kin tapos hinalikan niya ako ulit. Tapos pag-uwi namin nandun yung pinaka malala..naglaplapan na ata kami sa lagay na 'yun eh."
Napanganga naman siya hindi dahil sa kwento ko kundi sa huling word na sinabi ko. Kilala niya akong hindi nagsasalita ng ganiyan kaya ang gaga nakatulala.
"Putangina as in? Buti naman hindi na turn off sayo kasi dika marunong humalik."
"Marunong na ako no! sinabayan ko nga yu—" agad kong tinakpan yung bibig ko. "Basta I need your advice."
"Gusto mo siya?" tumango ako.
"single siya?"
"oo, kaso hidni ko alam kung gusto ba niya ako. Sinabi din sa'kin ng kaibigan niya na masasaktan lang ako kapag tinuloy ko ang nararamdaman ko sa kaniya.."
Iyon din ang iniisip ko kung bakit sinabi 'yon ni, Kuya Storm. Hindi naman niya siguro sasabihin 'yun ng walang rason diba? at kung may rason man ano 'yon? bakit kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko? kung ito lang din naman ang makapagpapasaya sa'kin.
"Wala bang gusto sayo ang kaibigan niya?" umiling ako. Paano magkakagusto sa'kin si, Kuya Storm eh may natitipuhan 'yon at masasabi kong sobrang ganda nung babae.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...