YESHA'S FLASHBACK
Maaga akong nagising at agad na naligo. Hinanda korin ang mga gamit ko at dinoble check ko pa dahil baka may nakalimutan ako o di kaya at may nadalang hindi importante. Nang matapos ako ay umupo ako sa kama ko at nag isip kung paano ako makakatakas sa puder nila.
Ilang oras pa ang hinintay ko nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Tumayo ako ng sumilip sa bintana at tama nga ang hinala ko. Nandito na sila. Lumabas ang mag-ama sa kotse at kita ko ang kislap sa mata nang lalaking kinamumuhian ko.
Napakuyom ako ng kamao ng makita kong sinalubong pa ito ni daddy at nakipag kamay. Napakalawak ng ngiti nito na animo'y nanalo sa loto ng sampung beses. Gusto ko siyang sugurin at sumbatan ngunit anong panlaban ko? wala. Sasaktan lang nila ako.
Hindi ako lumingon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana. Maya maya ay narinig kona ang yabag at alam kong si Tita Arina ito dahil sa pabango nitong sobrang tapang.
"Nandtito na sila. Lumabas kana." Hindi ako nagsalita at basta nalang kinuha ang maleta ko at lumabas sa silid ko. Nakasalubong kopa si Andrea na ang lawak ng ngiti at ngingisi ngisi akong nilampasan. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan.
"Where's my checkbook?" rinig kong tanong ng matanda at agad namang inabot ng bodyguard nito ang hinahanap.
Halata ang saya sa muka ni daddy ng makitang sinusulatan ito ng matanda. Hindi naman ako tanga para malaman kung ano 'yun. Nang matapos ang matanda ay dalawang kamay pa niya ang tumanggap dito at hinalikan pa niya.
Sakto namang nag angat ng tingin si daddy at agad nito akong pinababa. Agad naman akong nilapitan ni, Andreous at kinuha ang maleta ko at siya ang nagdala. Ngumiti pa siya sa'kin ng sobrang tamis ngunit inirapan kona lamang.
"Wag mo akong ipahiya sa mag-ama, Yesha. Naiintindihan mo?" bulong ni daddy pagkalapit ko sa kaniya na tinanguan ko lang. Nakakatamad magsalita.
"Oh siya, bueno at aalis na kami. Kapag nagkaproblema ay kayo agad ang sasabihan ko." binigyan pa ako ni daddy ng isang nagbababalang tingin. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatianod kay Andreous.
Nang nasa sasakyan kami ay pinagigitnaan nila akong mag ama. Nakaramdam naman ako ng takot ng hawakan ni Andreous ang kamay ko at bahagyang pinisil. Agad naman akong pumiksi at binawi ang kamay ko na hinayaan naman niya at nagkibit balikat lang.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako at nagising nalang sa Isang magandang kwarto. Kumpleto ang gamit nito ng tingnan ko. Nandito rin ang maleta ko at hindi nila pinakialaman na ipinagpapasalamat ko naman. Nang tingnan ko ang banyo ay kumpleto rin ito at may malaking bathtub pa. Maganda ang kwarto at masasabi kong mayaman ang nakatira dito.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Andreous na nakangisi na naman sakin. Inirapan kolang siya at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib.
"Gustong gusto kita, Yesha." nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagbanggit ng ng pangalan ko. Para siyang nahihibang na hindi ko maintindihan.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
Storie d'amoreLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...