YESHA'S POV
Seven years later...
"Mama, I want to go to Philippines!" Napabuntong hininga nalang ako habang pinapakinggan ang anak kong kulit ng kulit sa'kin. Gusto niyang pumunta kami sa pilipinas dahil sa namiss niya daw si, Tito niyang Storm! at ito namang lalaking 'to kulit din ng kulit sa'kin.
"But, mam--"
"Please, mama.. I also miss my two Lolo's.." maluha luha niyang saad sa'kin. Naawa naman ako sa kaniya kung kaya at niyakap ko ito.
"Dadalaw naman sila satin, eh, and diba may work dito si mama?" tumango naman siya at niyakap din ako.
"Yes, mama, sorry po. I just miss playing with them po.. and want ko din po makita ang Philippines mama."
"Soon, anak. soon..okay?" tumango naman siya at umalis sa pagkakayakap sa'kin.
Tinapos ko muna ang pagtutupi sa mga damit namin bago ko napagpasyahang magluto para sa tanghalian namin.
Simula ng manganak ako ay mas naging matured na ako, maraming nanliligaw sa'kin at tanggap nila ang anak ko, pero ako mismo ang umaayaw dahil mas importante ang anak ko. Hindi narin ako nagkaroon pa ng karelasyon pa dahil sa busy ako sa trabaho at sa anak ko. Sobrang hirap sa simula dahil nangangapa pa ako pero dahil sa mga taong nandito sa tabi ko, katulad nila papa ay hindi ako masiyadong nahirapan dahil nandito sila na umaalalay sa'kin. Tumagal din sila Kuya Storm at Tito Simon dito ng halos isang taon dahil gusto nila akong tulungan na sobrang ipinagpapasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila ay baka kung saan ako pupulutin.
Si Lucas ay hindi kona masiyadong iniisip at ang desisyon kong hindi ipakilala si, Casey ay pinaninindigan ko. Ayoko lang maramdaman ng anak ko ang sakit na nararamdaman ko. Bilang ina ay lahat gagawin ko maprotektahan lang ang anak ko.
Wala narin akong plano na bumalik pa ng pilipinas dahil maganda ang trabaho ko ngayon dito. Isa akong chef sa sarili kong restaurant na pinag-ipunan ko nang ilang taon. Kulang panga ang pera pero tinulungan ako ni papa, dinagdagan niya ang pera na hindi korin sana tatanggapin pero dahil iniisip ko ang anak ko ay tinanggap ko narin. Kahit sabihing ako ang may-ari ay gusto ko paring tumulong sa mga tauhan ko. Sinasama korin palagi si, Calsey na gustong gusto naman niya kapag wala siyang pasok sa school. Maingat naman ako sa kusina kapag kasama siya.
Pagkatapos kong magluto ng tanghalian namin ay tinawag ko naman siya na agad namang pumunta sa kusina. Natatawa pa ako dahil siya ang nagsandok ng kanin na inaalalayan ko. Calsey is very sweet to me especially pagdating sa pagkain.
"Eat more vegetables mama, for a healthy life!" Masiglang saad nito.
"Mama will eat more vegetables, and dapat Ikaw rin." sinandukan korin siya at nagsimula na kaming kumain.
Napapatingin ako sa bawat galaw nang anak ko. Gayang gaya niya ang galaw ng ama niya, kahit ang mukha niya ay kay, Lucas rin. Paano konga ba kakalimutan ang taong 'yun kung kamukhang kamukha siya ng bata?
"Mama, can I ask po?" parang nag-aalangang tanong niya.
"Yes, baby, what is it?" malambing kong tanong at pinunasan ang gilid ng labi nito.
"May papa po ba ako mama?" tila naestatwa ako sa tanong ng anak ko. "'Yung mga classmates kopo kasi may papa sila, ako po mama. May papa poba ako?" napalunok ako at hindi alam ang sasabihin. Tila nablangko ang utak ko at iniisip na dapat asahan kona ang tanong niya.
Palaki ng palaki si, Calsey at nagkakaisip narin. May alam na siya sa mga bagay bagay at alam kong malalaman niya ang tungkol dito. Pero anong sasabihin ko? Na nabuo lang siya dahil ginawa akong panakip butas ng ama niyang walang hiya? na niloko ako ng ama niya? Hindi ko alam ang sasabihin. Tanong palang iyan kung may papa ba siya, paano pa kaya kapag tinanong niya kung sino? masasagot koba ng maayos?
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
