YESHA'S POV
HINDI ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin inaasahan na makikita ako siya agad. Wala pa kaming isang araw dito! ilang oras palang kung bibilangin tapos nagkita na kami?!
Malamig kolang siyang tiningnan habang siya ay nagsusumamong nakatingin sa'kin bagamat halata parin ang gulat sa mga mukha nito. Sinong hindi magugulat? ilang taon naba kaming hindi nagkita?
Napailing nalang ako at hindi nagpaapekto sa tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin sa 'kin na hindi maintindihan. Halatang gusto rin niya akong lapitan pero pinipigilan lang niya. Aba! dapat lang ano! sa lahat ng sakit na ibinagay at pinaramdam niya sa'kin dapat wala na siyang mukhang ihaharap sa'kin eh.
Tumikhim siya at sinubukang magsalita ngunit tinaasan kolang siya ng kilay. Si Kuya Nathan naman ay nakatingin lang samin at tila gustong umalis ngunit hindi naman niya ginagawa dahil alam kong makiki-tsismis ito.
Tinalikuran ko nalang sila at agad na tumawid sa kalsada. Mabuti nalang at walang sasakyan. Tinawag pa niya ako ngunit hindi ako lumingon. Halata ang lungkot at pagsusumamo sa boses niya pero hindi ako nagpaapekto. Masasaktan kalang, Yessa.
Napasapo ako sa dibdib ko pagkapasok ko sa kwarto ni papa. Hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog. Tangina bakit ganito parin ang epekto niya sa'kin? dapat akong magalit sa kaniya! at saka may pamilya na siya panigurado at baka may anak na.
Sa isiping iyon ay kumurot ang dibdib ko. Hindi ko maiwasang isipin at sabihin na ang swerte naman ng anak nila dahil kumpleto sila samantalang ang anak ko ay nangungulila sa ama.
Pero kaya ko namang palakihin ang anak ko ng mag-isa. Kaya kong kumayod at magbanat ng buto para sa kaniya. Kahit hindi ako makakain basta busog lang ang anak ko ay ayos na. Siya na ang buhay ko ngayon at sila papa. Sila ang pamilya ko at dapat sa kanila ako nakafocus. Hindi ko kailangang isipin ang gagong Lucas na 'yon! walang hiya talaga siya!
"Mama, are you mad?" agad akong napatingin sa anak kong nagkukusot ng mata at halatang kakagising lang. Mabuti nalang at sumakto ang dating ko dahil paniguradong hahanapin at hahanapin ako nito.
"No, baby. Are you hungry na? let's eat our lunch na." masayang saad ko at inihanda ang mga pagkain na binili ko kanina.
Habang kumakain kami ay napaisip ako kung bakit hindi na niya tinatanong ang tungkol sa tatay niya. Hindi naman sa ayaw ko, pabor pa nga sa'kin yun dahil hindi na ako mangangapa ng sagot.
"Can I ask, baby?" tiningnan naman ako nito at tumango.
"Why are you not asking about your, papa?" nag-aalangang tanong ko.
"Nothing, mama. I just realized that, maybe someday makakasama natin siya." napalunok ako at hindi nakasagot.
Imposible anak, napaka imposible.
"But if hindi na, you're here naman mama, sobra kapa nga po, eh, because you're the best!" natawa ako at pinugpug ng halik ang mukha niya na ikinahagikhik nito.
"Mama, will never leave you. I'm always here by your side." saad ko at uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako na hindi.
"Mama, what if hanap ka po ng bagong papa?" naibuga ko ang tubig na iniinom ko at hindi makapaniwalang napatingin sa anak kong inosenteng nakatingin sa'kin.
"W-what..?" Is my son's serious?
"Para dalawa kaming mag-aalaga sayo. I don't want to see you na napapagod po." he kissed my cheek kahit na may ketchup ang nguso niya.
"Gusto mo?" tanong ko na ikinatango niya, "but anak, okay na sa'kin na Ikaw lang ang mag-alaga kay mama. Sapat kana kay mama, sobra pa."
"Same tayo mama. Kahit wala akong papa, love po kita ng sobra!"
![](https://img.wattpad.com/cover/352650624-288-k347254.jpg)
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomansaLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...