Chapter 21

206 15 2
                                        

A/N: Hi guys! I just want to say na baka hindi aabot ng 30 chapters to since sobrang bilis ng pangyayari. Thank you, Rayies!

LUCAS POV

Isang suntok ang tumama sa pisngi ko. Agad kong tiningnan nang masama si, Storm at akmang gaganti na nang awatin kami ng tatlo na nagtataka sa mga kinikilos namin.

Agad kong pinahid ang dugo sa gilid ng labi ko habang hindi parin inaalis ang masamang tingin sa kaniya at ganun din siya sa'kin.

"Ano bang problema niyong dalawa?!" Pasigaw na tanong ni, Nathan habang palipat lipat ang tingin samin. Kahit ang dalawa ay ganun din.

"Bakit hindi niyo tanungin 'yang kaibigan niyo?!" Balik na sigaw ni Storm at akmang susugurin ulit ako ng suntukin siya, Ashter na ikinatumba nito.

"Mga putangina naman oh! bakit hindi niyo nalang pag usapan ng mahinhin ang problema niyo hah?!" Halata ang galit sa muka ni, Ashter. Minsan lang ito magalit ngunit nakakatakot.

Parehas kaming hindi nakasagot at nagbatuhan lang nang masasamang tingin sa isat isa.

"Pag-usapan niyo 'yan." maikling saad ni, Theron at tumalikod samin. Sumunod naman ang dalawa at dahil hila hila kami ng dalawa ay napasunod rin kami.

Parehas kaming nakaupo habang magkaharap habang ang tatlo naman ay nasa likod namin. Walang nagsalita at hinayaan ang katahimikan na lumamon samin.

Isa Isa kong tiningnan ang kaibigan ko. Nang dumako ang tingin ko kay, Storm ay puro galit at pagkadismaya ang nakita ko sa mga mata niya. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa'kin ngunit binalewala kolang Iyun.

Alam ko rin na sa mga oras na 'to ay haharapin ko na ang Isa sa mga problemang ayokong harapin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Si, Yesha, Stelie, o ang mga kaibigan ko? alam kong pipili ako sa mga oras na ito at ayokong pumili. Lahat sila mahalaga sa'kin.

"Anong problema?" Umupo si, Theron sa isang upuan at kaharap niya kaming dalawa. Napayuko naman ako ng marinig ko ang galit na tawa ni, Storm.

"Problema? bakit hindi niyo tanungin yan?!"

"kumalma ka nga!" galit na saway ni Ashter sa kaniya na nasa likod lang nito.

"Paano ako kakalma hah?! yang gagong 'yan ilang beses na nating pinagsabihan ngunit sumubo parin! pinalipat na't lahat lahat si Yesha nang apartment nalandi parin niya." dinuro pa ako nito. Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko lang. Tatanggapin ko lahat ng masasamang ibabato nila ngunit wala na silang magagawa. Gago na kung gago pero hindi ko siya hihiwalayan.

Matatalim ang mga matang tumingin sa'kin ang tatlo at dismayadong tumingin rin sa'kin na inaasahan ko naman. Sino bang hindi?

"Napakagago mo, Lucas! Isa kang malandi." galit na saad ulit ni, Storm.

"Malandi nga." segunda ni, Ashter.

"Tangina, ang landi!" sinamaan ko naman ng tingin si, Nathan.

"Gago na malandi pa." syempre hindi magpapahuli si, Theron.

"You cheated." bumuga siya ng marahas na hangin at umiling iling sa'kin. "I'm so disappointed to you, Lucas."

"I know.." pabulong kong sagot kay Theron.

"We don't tolerate, cheating." nagsusumamo akong tumingin sa kaniya, " You need to choose between them. Stelie or Yesha. If you not, kami mismo ang magsasabi sa dalawa, at mawawalan kana ng kaibigan." Putangina alam kona mangyayari to.

Napalunok ako ng laway at problemadong napahilamos ng muka. Hindi ko alam ang iisipin ko. Ilang buwan narin ba? Apat na buwan na. Apat na buwan ko nang niloloko ang dalawang babaeng nagpapasaya sa'kin.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now