YESHA'S POV
"Pa, ayoko." madiing saad ko sa kaniya. Nag-usap kaming apat at gusto nilang ipagpatuloy ang pagbubuntis ko sa ibang bansa.
"Pero, anak mas maganda kung doon ka muna. Pinaghahanap ka ng kapatid ng mama mo at yang Arman na iyan. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Oo at nandito kami pero paano kapag natyempuhan ka?" natahimik ako sa tinuran ni, papa.
"P-pero ayaw kitang iwan dito papa.." 'yun ang pumipigil sa 'kin kahit guatuhin kong umalis dito at sundin sila. "Ngayon lang tayo nagkasama tapos lalayo na naman? pa, ayoko.. dito lang ako sa inyo." niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit sila Tito Simon at Kuya Storm ay nakisali rin. Oo ganito yang mga yan. Ayaw ng lamangan pag dating sa paglalambing sa'kin.
"Sinong nagsabi na maiiwan ang papa mo?" napaangat ako ng tingin kay, tito. "Sasama sayo ang papa mo, kami muna ang bahala dito." akmang aangal pa si papa ng pinandilatan siya nito ng mata.
"P-pero paano ang kaso ni, Yenna? gusto kong makasama ang anak ko pero.."
"Kami ang bahala dito ni, Storm. Pwede ka namang gumawa ng paraan habang nasa ibang bansa kayo, diba? marami kang koneksyon." tumango naman si papa.
"Mag-iingat kayo dito. Halang ang kaluluwa ng, Arman na 'yon."
"Tsk! Tito Sandro, hindi gagana ang halang niyang kaluluwa sa'min ni papa. You know me, Tito Sandro." ngumiti ng makahulugan si, Kuya Storm kay papa.
"Mag-impake na kayo, mamayang gabi ang alis niyo."
-----
"Dalawin mo ako, ah?" natatawang niyakap ako ni Kuya Storm at hinalikan ang sintido ko.
"Yes, buntis. Dadalawin ka namin ni papa kapag may oras kami. Don't worry, pagdalaw namin may lansones kaming dala."
"Sabi mo 'yan ah?" tumango naman siya.
"Sige na, ang sama na nang tingin ni Tito sa'kin, eh, akala ata aagawin kita sa kaniya. Tsk! isip bata papa mo." natawa naman ako at niyakap siya ulit bago pumunta kay Tito Simon na nakasimangot rin.
"Anong muka yan, Tito?" natatawa kong tanong sa kaniya ngunit natigilan ako ng maluha luha ang matang tiningnan niya ako.
"Mamimiss ka ni Tito, Yessa.. mag-iingat kayo ng papa mo ah?" tumango ako at niyakap siya. "aalis na ang baby girl ni Tito.."
"Dadalaw naman po kayo ni, Kuya Storm diba? Basta mag iingat din po kayo dito ah? mamimiss kopo kayo." niyakap niya ako ng mahigpit bago maluha luhang nilapitan si papa.
"Mahal na mahal ka talaga ng Tito at pinsan mo. Kita mo umiyak si Tito Simon mo." tumawa pa si mama na tila nakakita ng isang nakakasawang bagay.
Ngumuso ako sa kaniya, "Si papa talaga."
"Naku, anak! kung alam mo lang uhugin 'yang Tito Simon mo dati!" Napailing nalang ako at natatawa kay papa.
Habang nasa eroplano kami ay tila naman naiwan ang isip ko doon. Iniisip ko kung paano na ngayon si Lucas. Pero agad ring pumapasok sa isip ko na hindi ko kailangang mag-alala sa kaniya dahil may babae na siyang mahal at magpapakasal na sila.
Sana ay sa pagbalik ko, ayos na ako. Sana hindi kona siya mahal. Sana hindi ako masasaktan dahil mas kailangan ako ng anak ko.
"Anak, ayos kalang ba diyan?" tanong ni papa sa'kin.
"Opo, papa. Inaantok lang ako."
Pinahilig naman niya ako sa balikat niya at hinayaang makatulog ng mahimbing.
Nakarating kami ng ligtas sa Paris. Oo, sa Paris naisipan ni papa na ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. Mayroon din kasi siyang pinapatayong negosyo dito kung kaya ay mas maganda talagang nandito nalang kami.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
