I know that sobrang bilis ng pangyayari sa story ko and I know too that you are not satisfied. Ito lang po talaga ang nakayanan ko at pasensya na po! I'll try po na magsulat ng special chapter kapag hindi na busy.
YESSA'S POV
"PUTANGINA NAMAN! LUCAS!" Sigaw ko kasabay ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin at bumungad sa'kin ang ang nagmamadali at ang nag-aalalang si Lucas. Halata ring naglalaba siya dahil puno ng bula ang katawan niya.
"Yes, baby? Manganganak kana ba?" aligagang tanong nito at agad na lumapit sa'kin.
" 'Di kapa tapos?" tanong ko sa kaniya na ikinahinga niya ng maluwag. Kabuwanan kona ngayon at kahit anong petsa ay manganganak raw ako sabi ng ob-gyne ko. We've been married for almost ten months at ang loko ay agad akong binuntis dahil narin daw sa kahilingan ng panganay namin. Nabatukan kopa siya ng malaman kong sinadya talaga. Kaya pala halos wala akong pahinga sa gabi o araw dahil sabik din siyang magkaanak ako.
"Malapit na, bakit? may kailangan ka, baby?" malambing na tanong nito at hinalikan ako sa pisngi.
"Cuddle..." nakanguso kong saad na ikinatawa naman nito. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang amoy niya. Marami akong pinaglihian ngunit mas gusto ko parin ang amoy niya at mga yakap. Oo, nagiging malambing ako sa kaniya at halos ayaw kong bumitaw sa kaniya.
" Come here, let me hug my beautiful wife." niyakap ako nito at hinalikan sa noo, ilong, pisngi at labi na ikinahagikhik ko naman hanggang ang halik niya ay napunta sa leeg ko. Ganito rin ang gusto ko sa kaniya, sobrang lambing kagaya ng anak naming si, Calsey.
"I love you, baby hubby.." ngumuso nguso pa ako at nanghihingi ng halik sa kaniya.
Ilang minuto pa kaming naglalambingan na tila ba ay walang katapusan at nakatulog narin ang katabi ko ng maramdaman kong biglang humilab ang tiyan ko. Pamilyar sa'kin ang pakiramdam na 'yon. Hanggang ang hilab na iyon ay nauwi sa kaunting kirot. Tinapik ko si Lucas ngunit tulog mantika ito at halatang pagod rin. Mas lumala ang sakit ko at hindi kona napigilan pang hampasin ito ng malakas na ikinabalikwas nito ng bangon.
"Why, baby? Are you okay?" kahit na bitin sa tulog ay hindi niya ako nagawang sigawan at ni hindi manlang siya nagalit sa'kin sa sobrang selan ko.
Ngumiwi ako at naluluhang napatingin sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng tiyan ko. Nakita ko naman na natataranta siya kung ano ba ang nangyayari sa'kin. Gusto kong natawa ngunit nangingiwi ako dahil sa sakit.
"M-masakit ang t-tiyan ko..m-manganganak na ako!" sigaw ko sa kaniya at halos gusto ko siyang batukan ng matulala pa ito sa'kin at pagkatapos nun ay dumukwang siya para tingnan ang tiyan ko.
"Tangina! Lucas ang sakit!" sigaw ko na nakapagpatalon sa kaniya at parang tila siya ay nagising narin ng tuluyan. Maingat niya akong binuhat kahit na nangingig siya.
"I-its okay, b-baby.. you can do this.." inayos niya ako ng upo sa passenger seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Hindi na kailangan pang kunin ang gamit ng bata dahil nandito naman na iyon sa loob ng kotse nito. Para daw handa agad kapag nagkataon.
"Ang sakit, Lucas .." umiiyak kong saad sa kaniya at kasabay nun ay may naramdaman akong umagos sa pagkababae ko at nang tiningnan ko iyon ay panubigan ko pala.
"Umihi ka?" parang tangang tanong nito kahit na halata ang kaba sa kaniya ay pinipilit niyang kumalma.
"Gago! pumutok na ang panubigan ko! malapit ng lumabas si, baby!" napamura ulit ako ng mas lalo itong sumakit.
"Hold on, baby, malapit na tayo.." wala siyang pakialam kahit na nagmumura na ako sa kaniya. Sanay na siya dahil sa pagbubuntis ko. Kahit ako ay nagulat doon ngunit natatawa nalang siya kapag gano'n ngunit sa sitwasyon namin ngayon ay para siyang natatae.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomantizmLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
