YESHA'S POV
"Si, Arman Madrigal ang pumatay sa papa ko."
Tila napantig naman ang tenga ko sa narinig ko sa kaniya. Si daddy ang pumatay sa papa niya?
"Natahimik ka, huli na kayo Yesha. Ang kapal din nang muka mong manggamit nang tao. Ano kailangan morin ba nang pera katulad nang sa ama mo?" nakangisi niyang tanong sa'kin.
Umiiyak naman akong umiling sa kaniya.
"Kung pera ang habol ko sayo Lucas ay bakit ako magtitiis nang ilang buwan sayo kung merong lalaking handang ibigay lahat nang gusto ko?" natigilan naman siya, "kung pera ang habol ko sayo ay bakit pilit akong nagbibigay nang pera sayo noon? bakit ako naghahanap nang trabaho kung pwede naman kitang per—
"Dahil plano niyo ito nang magaling at kriminal mong ama! Ang pikotin kami ni mama."
"Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo dahil wala akong alam. Kung may alam ka ay pwes lahat 'yun ay mga walang katotohanan lang. Kaya wag lang magsalita na parang ako ang may kasalanan Lucas dahil wala kang alam. Wala."
Naglakad ako palabas nang ngunit agad ring tumigil at hinarap siya.
"Tinatapos kona kung ano man ang meron satin ngayon," kita ko ang gulat sa mga mata nito.
"Kung iniisip mong may kasalanan ako ay pasensya na, pero sana inisip morin ang kasalanan mo, Lucas. Pinagmuka mo akong tanga sa loob nang ilang buwan nating magkarelasyon.
Isa kang manloloko, Lucas.. at darating ang araw na hihingi ka sa'kin nang tawad."
Umiiyak akong umalis at hindi na nilingon pa ito. Hindi ko rin namalayan na sinundan pala ako ni, Kuya Nathan.
Iyak ako nang iyak sa balikat ni Kuya Storm habang yakap yakap niya ako at inaalo. Para akong bata at paulit ulit na sinasabing wala akong kasalanan sa sinasabi ni, Lucas ngunit hindi naman ito nagsasalita. Alam kong naniniwala siya kay, Lucas at wala akong magagawa roon.
Ilang minuto o oras ang lumipas at tumahan narin ako. Nahihiya akong napatingin sa kaniya dahil nabasa ang damit niya.
"You know." nagtatakang tiningnan ko siya. "Na may girlfriend siya.." tumango ako at wala nang luha na mailuha ang mata ko.
"Kanina lang.. I was planning to surprise him and I was waiting for him for almost one hour. Na bored ako at pinasok ko lahat na kwarto kahit alam ko namang pinagbabawal niya yun. Ngayon alam kona kung bakit. Iyak ako nang iyak nang malaman na magpapakasal na sila sa oras na bumalik ang babae. Paano na ako? paano kapag may mabuo, Kuya Nathan?" Natigilan naman siya at gulat na napatingin sa'kin. Napamura rin siya at naaawa akong tiningnan.
"Shit! ang gago talaga." akmang hahawakan ako ni, Kuya Nathan nang may makita akong tatlong pamilyar na tao.
"H-hindi.." agad akong napakapit kay Kuya Nathan at nagmamakaawa siyang tiningnan, "w-wag mo akong ibibigay k-kuya..nagmamakaawa ako.." nanginginig narin ang boses at katawan ko.
"Siya yung daddy mo hindi ba?" gusto kong tumango ngunit umiling nalang ako.
" Ilayo mo ako sa kanila parang awa mona Kuya Nathan." napatingin ulit ako sa tatlong tao na 'yon na palinga linga at alam kong ako ang hinahanap nila. "ayokong b-bumalik sa puder nila.."
"Yesha!" natatakot na nilingon ko si, Tita Arina na galit na galit ang mukang nakatingin sa'kin kasama si, Andrea at Daddy Arman. "Ang tagal ka naming hinanap, nandito kalang pala." akmang hahawakan niya ako nang bigla akong ilagay sa likod ni Kuya Nathan.
"Ibigay mo siya samin. Kami ang family niya." maarteng saad naman ni Andrea na malagkit ang tingin sa lalaking kasama ko.
"A-ayokong sumama sa inyo.." kulang nalang ay yakapin ko si, Kuya Nathan na mahigpit rin ang hawak sa kamay ko.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
