Chapter 45

214 5 0
                                        

LUCAS POV

NANDIDILIM ang paningin ko habang awat awat ako ng tatlo habang hawak naman ni Storm ang anak kong umiiyak. Mabuti nalang at nasaktohan kong nandito rin ang apat sa restaurant kaya pinabantayan ko muna ang anak ko at sinundan si, Yessa dahil delekado at ito nga ang naabutan ko. Muntik na siyang magahasa sa C.R ng lalaking hindi ko kilala. Kahit si Storm ay hindi kilala ang lalaki. Mabuti narin at naawat ako kanina dahil kung hindi ay baka napatayo kona ito. Nanginginig narin ako at sinisisi ang sarili kung bakit hinayaan ko si, Yessa na umalis mag-isa.

"Akin nga siya! Akin si, Yesha! Papakasalan niya ako!" Sigaw ng lalaki sa loob ng kulungan at nagwawala habang sinisigaw ang pangalan ng nobya ko. "Ikaw! Ikaw gago ka! Matitikman kona sana siya kaso umepal ka!" Akmang susugurin ko siya ng awatin ako ng tatlo at humarang narin ang mga pulis. Kahit na nasa loob na siya ng kulungan ay handa akong pasukin siya sa loob.

"Sino kaba?! Papatayin kitang hayop ka! Hinding hindi ko palalagpasin ang ginawa mo sa nobya ko!" Sigaw ko.

"Akin nga siya! Ako ang papakasalan ni, Yesha!" Tumawa pa siya ng demonyo at maya maya ay tila baliw na sinasambit ang pangalan ni, Yesha.

"Dude, let's go. Kailangan mong puntahan si, Yessa sa hospital at kailangan nating magpahinga ng anak mo." Agad ko namang kinuha ang anak ko at niyakap ito. Maagang maga ang mga mata nito at namumula ang ilong.

"P-papa si mama p-po.." umiiyak na saad ng anak ko kaya pinatahan ko naman siya. Maya maya ay nakatulog ito habang buhat ko kaya dumeretso kami sa hospital.

Pagkarating namin sa hospital ay naabutan namin si, Tito Sandro na nakaupo at may kausap sa cellphone nito.  Seryoso ang mukha nito at halatang galit na galit.

"Nandito na pala kayo, aalis muna ako at may aasukasuhin lang. Kayo muna ang bahala kay, Yessa." Hinalikan muna nito si, Yessa sa noo at ang anak ko bago umalis.

"Alis narin muna kami, dude. May kailangan din akong gawin, eh." Tumango ako at nagpasalamat sa kanila. Maya maya ay umalis narin ang tatlo kaya kami nalang ng anak ko ang natira. Natutulog ito sa sofa.

Ilang oras pa ang lumipat at inabala ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkausap sa abogado. Sasampahan ko nang malaking kaso ang lalaking 'yon at hinding hindi ko hahayaang makalaya.

"Lucas.." napatigil ako sa pagsubo ng kanin ng makitang gising na si Yessa. Agad ko naman siyang linapitan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalangan tanong ko sa kaniya. "Sobra akong nag-alala sayo kanina. Akala ko kung napaano kana. Mabuti nalang at naabutan kita doon." saad ko at niyakap siya.

"Ayos na ako, pasensya kana at pinag-alala pa kita."  napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang kamay niya.

"Natural lang na mag-alala ako. Boyfriend mo ako, Yessa. Tangina lang ng lalaking 'yun!" Galit na saad ko. Bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari. Muntik nang mahalay ang nobya ko.

Napansin kong nanginig siya bigla at puno ng takot ang mga mata nito. Agad ko naman siyang niyakap.

"S-si Andreous..." natigilan ako ng marinig ang pangalang 'yon. Nabanggit sa'kin ni, Yessa ang pangalang iyon.

"Siya ba?" galit na tanong ko. Malaman kolang na siya ang lalaking nasa kulungan ay doble doble ang kasong ipapatong ko sa kaniya.

"N-natatakot ako, Lucas.." humigpit ang yakap nito sa'kin. at nagsimula naring umiyak. Hindi kona rin pa kailangang kumpirmahin kung ang lalaking iyon ba si, Andreous o hindi dahil sa reaksyon palang ni, Yessa ay alam mona talagang iyon ang lalaking 'yon.

"I'm here, baby hindi kita papabayaan." pagpapatahan ko sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"Muntik na n-niya akong g-gagasain, Lucas...." parang may bumara sa lalamunan ko ng marinig ang mga sumbong sa'kin ni, Yessa. Para ring nandidilim ang mata ko. Kung hindi pa pala dumating ang mga kaibigan ko ay baka hindi ko napuntahan kaagad si, Yessa. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.






To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now