Chapter 39

193 9 0
                                        

LUCAS POV

"DON'T hug my mama or else." agad akong napabitaw ng yakap kay, Yesha ng may magsalita sa likuran ko.

Agad akong napangiti at nilapitan siya. Kinakabahan akong nag squat sa harap niya at hinaplos ang mukha nitong kamukhang kamukha ko. He's my carbon copy. Walang duda, anak ko nga.

"Calsey anak.." agad na lumapit sa'min si, Yesha. "H-he is your-"

"My father." parehas kaming nagulat sa sinabi ng anak ko. "I know, mama. I asked Tito Storm but he said he's just your friend pero kamukha kopo siya. You said po na you look like your mother right, mama? And I look like him. My father." napangiti ako at agad siyang niyakap.

"You knew.." masayang ani ko at nakangiti siyang tiningnan na walang emosyon ang mukhang nakatingin sa'kin na agad kong kinakaba.

"Yes, I know." malamig na saad nito.

"Calsey, come here kay, mama." agad naman itong umalis sa harap ko at pumunta kay, Yesha na ngayon ay nakaupo sa sofa. "He's your, father. Diba you want na makilala mo siya? Andiyan na siya."

Napangiti akong napatingin kay, Yesha na kinakausap ang anak namin. anak namin.. ang sarap sabihin ng katagang 'yon. Hindi ko alam kung deserve ko ba 'to. Sobrang bait niya. Kahit na sinaktan ko siya ay pinatawad niya parin ako kaya babawi ako sa kanila. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko pero gagawin ko ang lahat mapatawad lang nila ako.

"Bakit ngayon kalang?" malamig na tanong ng anak ko na nagpakaba sa'kin. Kahit kailan ay hindi ako kinabahan, sila lang ang tanging nakakagawa nito sa'kin. " You know, kaya naming mabuhay ng wala ka?" nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng sabihin niya 'yun. Malamig parin ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, para akong naputulan ng dila.

"C-calsey.. don't talk to your fathers like that.." malambing na saad ni, Yesha at nilapitan ito. "Diba, I already explained to you kung bakit hindi natin siya kasama? And diba gusto mong makilala ang papa mo? Excited kapa nga diba nung nagtatanong ka tungkol sa kaniya."

"A-anak.. Calsey.." ramdam kong may tumulong mainit na butil galing sa mga mata ko, umiiyak ako. Tangina. Paano ko nagawang saktan ang babaeng puro pagmamahal lang ang binigay sa'kin? Kung alam ko lang na magkakaanak kami ay hindi kona siya hinayaang umalis ng araw na 'yun.

"Lucas, ang mabuti pa ay bigyan mo muna ng oras ang anak niyo. Mukhang nabigla sa mga pangyayari." napatingin ako sa likuran ko at nakitang nakatayo ang tatlo kong kaibigan at si Tito Sandro. Parehas silang may malungkot na ngiti sa mga labi.

Napabuntong hininga naman ako at sinulyapan ang anak kong tumakbo palapit kay, Storm at nagpakarga. Masakit sa dibdib ko na makita na sobrang closes nilang dalawa. Pero dibale na, gagawin ko naman ang lahat mapatawad lang nila akong mag-ina. Pati si Tito Sandro at Storm ay hihingian ko ng tawad at magpapasalamat narin. Hindi ko alam kung may mukha ba akong ihaharap kay Storm ngayon. Puro kabutihan ang ipinakita niya sa'kin nung magkaibigan pa kami.

Simula ngayon ay itatama ko ang mga mali ko. At sisimulan ko 'yon ngayon.

Simula ng araw na 'yon ay halos araw-araw na akong pumupunta sa kanila. Isang linggo narin ang nakalipas at masasabi kong sobrang hirap. Kay, Yesha naman ay sobrang naiilang parin siya sa'kin at ramdam ko ang gusto niyang lumayo kapag kasama niya ako. Isang beses nga ay sinubukan ko siyang yakapin ngunit nauwi lang kami sa iyakan at sumbatan. Sobrang sakit dahil nakita ko siyang umiyak ng dahil sa'kin. Puro panunumbat at puro mga tanong ang mga binabato niya sa'kin na hindi ko naman masagot sagot dahil inuunahan ako ng kaba. Kay Storm naman ay medyo ayos na kami, medyo ilag rin siya sa'kin at palaging nakabantay kapag nandito ako sa bahay nila. Naiintindihan ko naman ang kaso lang ay mas strikto pa siya kay Tito Sandro na mabait sa'kin ngunit pagdating sa mga pinapagawa niya ay sobrang strikto niya. Katulad nalang ng, pinagluto niya ako sa kahoy kahit may gas stove naman sa bahay nila, pagsibak ng kahoy na dapat ay pantay pantay, pinaglilinis niya ako ng buong bahay na ginagawa ko naman, kahit sa pagluluto nila ng almusal, tanghalian, at panghapunan ay ako ang nagluluto. Hindi rin ako sumasabay sa kanila dahil bigla bigla nalang umaalis ang anak ko, ang anak kong halatang ayaw sakin. Sinubukan ko siyang kausapin pero masamang tingin lang ang binibigay sa'kin katulad ngayon.

"I said, leave me alone." masama ang tingin niya sa'kin na para bang ayaw niya na akong makita.

"I-i just want t-to---"

"I don't care. If I said get out, get out. I don't need you. Why are you here?!" parang pinunit ang puso ko ng sigawan niya ako. Pilit akong ngumiti at tumayo at dahan dahang tumalikod.

"Babawi si papa, gagawin ni papa ang lahat." tumikhim ako para maalis ang bara sa lalamunan ko.

"Kahit wag na. I don't need a father like you. Sapat na sa'kin si papalo and Tito Storm. Kung ikaw lang naman ang magiging ama ko ay wag na." doon na tumulo ang luhang kanina kopa pinipigilan. Hanggang ang iyak ko ay nauwi sa hikbi. Humarap ako sa kaniya at lumuhod sa harapan niya.

"Anong g-gusto mo? g-gagawin ni p-papa.." niyakap ko siya ngunit pumiksi ito at tinulak ako.
"P-patawarin mo ako anak, p-patawad.. patawad.." paulit ulit kong binigkas ang salitang iyon.

"I don't like you. Hindi kita ama." seryosong saad niya at tumayo.

"H-hindi titigil si papa.. g-gagawin ko lahat para mapalapit ka sa'kin. G-gagawin ni papa ang lahat bumalik lang kayo sa'kin." determenadong saad ko.

"Really? Oh c'mon. Me and mama don't need you. We don't need a cheater like you. Sinaktan mo si mama! You're a cheater!" nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Umiiyak siya at galit na nakatingin sa 'kin. "Mama is always crying because of you.. its hurt..its really hurts seeing her crying. My mama, she is the best. She is my precious gem and I don't want someone to broke her. Because her tears is my weakness.  And I don't like nor want you because you're the reason of this. You are the reason behind her tears."

Napasalampak ako sa sahig at umiiyak na nakatingin sa anak kong umiiyak rin ngayon. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa'min sila, Yesha. Puno ng luha ang mga mata nito at halatang nagulat sa inasta ng anak namin.

"We don't need you. I don't need a father like you. Mas gugustuhin kopang lumaking walang ama!" Nakayuko ako at tinatanggap ang mga masasakit na salitang binibitawan ng anak ko.

Lumapit samin si, Yesha at hinawakan sa kamay ang anak namin. Tiningnan naman ako nito na tila ba humihingi ng paumanhin. Nginitian kolang siya ng tipid at tumango.

"Anak, saan mo nalaman ang bagay na 'yan?" mahinahong tanong ni, Yesha sa anak naming nakayuko.

"I heard you talking to papalo po, that time is I'm always asking about my father but when I heard those things that he did to you. I know to my self that I will never forgive him. He hurt you, mama." naiiyak naman akong tumingin sa kanila at lumapit kahit na nangingig ang mga tuhod ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ng anak ko at hinalikan ito sa noo. Napangiti pa ako nang hindi siya umiwas.

"Look son, I know mali ang ginawa ni papa. Pero hayaan mo akong bumawi at itama ang mga maling nagawa ko sa inyo. Mahal na mahal ko kayo ng mama mo." senserong saad ko.

"What if lokohin mo rin si mama ulit?" naluluhang saad nito na agad ko naman siyang inalo.

"I will never do that, okay? I love your mama and I love you too okay? don't worry, I will do everything to earn your trust. Babawi si papa.. pwede ba anak? pwede bang bumawi si papa?" naluluhang tanong ko at nagbabakasakali.

"Don't expect that this will be easy for you. Kung si mama pinagbigyan ka agad ako hindi." masaya akong tumango at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you anak, mahal ka ni papa.." naramdaman kong tila nabasa ang dibdib ko at nang silipin ko ang anak ko ay nakita kong pigil pigil ang hikbi nito.

"P-please don't hurt my m-mama again.." para naman akong sinaksak ng ilang libong beses ng marinig ang hagulgul niya at paulit ulit na sinasabi ang mga katagang iyon na nakapgpadurog sa'kin. Kahit si, Yesha ay naiiyak na nakatingin sa'min.

"I love you.." I mouth at her and she smiled at me..

"I will never hurt your mama again, I will take care of you two. Kayo na ang buhay ko ngayon. Mamahalin ko kayo hanggang sa huling hininga ko." hinila ko palapit sa'min si, Yesha at niyakap ko silang dalawa ng mahigpit at pinaghahalikan sa noo.

Nagpapasalamat ako sa panginoon na kahit sobrang laki ng kasalanan ko ay pinatawad parin ako ng mag-ina ko. Alam kong kailangan kolang kunin ang tiwala nila, at hinding hindi ako susuko hanggang sa makuha ko ito.

At ipinapangako kong mamahalin ko sila habang buhay....






Okieeeee joke lang marupok din pala pati ang anak. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now