YESHA'S POV
"Y-yessa.." nanginginig ang boses na saad ni Kuya Storm sa'kin.
"Bakit, Kuya? nakaalis naba si, papa?" excited kong tanong dahil ngayon lang ulit kami magkikita. Isang buwan narin kasi ang huling kita namin at namimiss na namin siya ni, Calsey.
"Hindi.." narinig kong bumuga siya ng hangin sa kabilang linya. "Yessa, wag kang mabibigla.." agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko at tila parang sumikip iyon, may naramdaman akong kirot sa hindi ko malamang dahilan..
"Kuya, anong nangyari?" hindi ito sumagot kaya mas lalo akong kinain nang kaba. "Kuya, pinapakaba mo ako! Anong nangyari? akala koba nakaalis na si papa?" pasigaw kong saad sa kaniya.
"N-naaksedente ang p-papa mo.. naaksedente si, Tito. Comatose ang lagay niya ngayon at baka.. b-baka hindi na raw magising.." unti unti akong napahagulhol ng iyak. "Kailangan mong umuwi, Yessa.. kailangan ka ni Tito."
Agad kong binaba ang tawag at umiyak ng umiyak. Kausap kopa siya kanina dahil aabangan namin siya at susunduin sa airport pero ano 'to? Hindi ko kakayanin kung mawala si papa, sila nalang ang pamilya ko at mababawasan pa? Ano bang kasalanan ko at nangyayari sa'kin ang lahat ng ito?!
Wala bang katapusan ang sakit na nararamdaman ko? Dahil, putangina! pagod na pagod na ako..
IYAK ako ng iyak habang nag-eimpake ng gamit ko. Napagpasyahan kong umuwi agad para may kasama si papa sa hospital. Tanong din ng tanong si, Calsey kung bakit wala pa daw ang papalo niya kaya ang sabi ko ay kami ang pupunta at sayang saya naman siya. Hindi ko pwedeng sabihin na nadisgrasya si papa dahil paniguradong susumpungin siya ng sakit niya. Bawal ang iyak ng iyak sa anak ko dahil basta basta nalang siyang nahihimatay at ayokong mangyari yun kaya iniiwasan ko ang mga bagay na napapaiyak sa kaniya. Pero tinuturuan ko naman siya ng tamang asal at pinagsasabihan kapag mali ang ginagawa niya.
Pagkatapos kong mag-impake ay agad kong nilabas iyon sa bahay at nilagay sa compartment ng kotse ko. Nakapagbook narin ako ng ticket kanina at buti nalang ay makakaalis kami agad agad ngayon. Ang restaurant ko naman ay iniwan ko muna kay, Gracie na kasama ko rin dito sa Paris. Oo sumunod ang dalawa kong kaibigan sa'kin.
"Mag-iingat kayo ah?" ngumiti ako sa dalawa na bakas ang pag-aalala sa mga mukha.
"Oo, naman. Babalik kami dito kapag ayos na ang lahat. Kayo rin, mag-iingat kayo rito. Gracie, ikaw muna ang bahala sa restaurant ko ah? Reycarl, Ikaw din muna ang bahala sa bahay ah? Salamat talaga sa inyo."
"Ano kaba?! Walang problema sa'min 'yun! At saka babalik naman kayo rito. And kayang kaya namin ni, Gracie 'to!" natawa ako sa kanilang dalawa.
"Pero paano kapag nagkita kayo?" napabuntong hininga ako at tiningnan ang anak ko na nakatingin lang saming tatlo.
"Edi magkita kami. At saka, wala siyang karapatan sa'min. Masaya na siguro 'yun o baka may pamilya narin kaya okay lang. At kaya ko namang palakihin ang anak ko." binulong ko ang huling salita dahil baka marinig ng anak ko.
"Good luck! and ikaw inaanak, iingatan mo ang mama mo, ah?" Saad ni, Gracie at niyakap ang anak ko.
"Yes, po, tita ninang!"
Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad kaming umalis dahil baka malate kami sa flight namin.
"Mama, is papalo okay?" hinaplos ko ang mukha ng anak ko.
"Yes, anak. Papalo is okay. Tayo ang pupunta sa kaniya because busy ang papalo mo ngayon." ngumiti naman siya at halatang nae-excite.
"So, we are going to Philippines? I'm excited mama! they said philippines is beautiful country. Is that true mama?" natawa ako sa kaniya.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
