Prologue

249 52 8
                                    

Lucas Lavalle

"Lucas, malilipat ako sa ibang branch." Napalingon ako ng magsalita si, Stelie.

"Malilipat?" Tumango siya "t-teka?malayo ba? Bakit ka naman nilipat?" Takang Tanong ko bago siya lapitan at halikan sa noo. Mahal na mahal ko talaga 'tong babaeng to. Ipapangako ko talaga na siya ang ihaharap ko sa altar.

"Yan din ang hindi ko alam eh," sagot niya at yumakap sa bewang ko.

"Saan kaba ililipat?" Saglit siyang natigilan ngunit agad ring nakabawi. Bakit parang may mali? Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at inalis yun sa isipan ko. Hindi naman siya magsisinungaling diba? Mahigit isang taon na rin kami.

"Hindi kopa alam eh, pero sasabihin naman ng boss ko mamaya. Wag kang mag-alala okay? sasabihan naman kita. Pangako." Napangiti naman ako at agad siyang niyakap ng mahigpit. Iisipin ko palang na mawawalay siya sa'kin parang namimiss ko agad siya.

"Basta wag kang maghanap ng bago doon ah?" Parang bata kong saad na siya namang ikinahalakhak niya kaya napangiti ako. "Mahal na mahal kita, Stelie Rose. Ikaw lang  ang gusto kong dalhin sa altar, Ikaw lang ang babaeng pinapangarap ko, Ikaw lang ang nais ko, Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay at maging ina ng magiging anak natin. Sayo ko nakikita ang kinabukasan ko Stelie Rose. Ikaw ang nakikita kong babae sa future ko. Yung tipong pagdating ko galing trabaho sasalubungin mo ako kasama ang nga anak natin. Gusto ko ikaw lang Stelie. Kaya wag mo akong ipagpapalit ah? Kasi ako hinding hindi kita ipagpapalit. Mahal na mahal kita, Stelie Rose. Ikaw lang wala ng iba." Kita ko naman ang pagpula ng mga pisnge niya kaya agad ko itong hinalikan.

"Mahal na mahal din kita, Lucas Ikaw lang din."

Stelie Rose Uy

Hindi ko gustong magsinungaling ngunit kailangan talaga para sa kakambal ko. Tumawag siya sa'kin at iyak siya ng iyak, hindi ko maiwasang mag alala lalo na at iyak siya nang iyak.

Sinabi ko sa kay Lola at Lolo na nilipat ako ng ibang branch at malayo layo ito kaya hindi ako nakabisita sa kanila. Nagpaalam narin ako sa boyfriend kong si, Lucas. Kinabahan pa nga ako dahil baka mahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Basta mag iingat ka doon apo, ah?" Ngumiti naman ako kay Lola at niyakap siya ganun rin si Lolo at isa isa silang hinalikan sa nga noo nila.

" Opo, kayo rin po dito. Wag kayong mag alala at dadalaw rin ako pag nagkataon."

Nagyakapan pa muna kami hanggang sa umalis na ako ng Bahay dala ang iba kong gamit. Magkikita pa pala kami ni Lucas. Sa condo niya ako matutulog ngayong gabi. Mamimiss ko talaga ang boyfriend kong ito.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Napangiti ako ng mabasa ko ang text niya. Susunduin daw ako kaya pumayag ako at naghintay. Wala pang sampung minuto ay nandito agad siya. Nagmadali na naman siguro ito.

"Hi Love!" Bati niya at agad akong hinalikan sa pinge. "Let's go, doon nalang tayo mag dinner sa condo. Nalapagluto naman na ako." Natawa naman ako ng mahina.

"Okay, love hindi naman halata na pinaghandaan mo no?" Natawa nalang din siya bago ako sinoutan ng helmet.

"Ingat sa pag angkas, love." Napangiti nalang ako ulit. Palagi nalang niya akong pinapakilig sa mga banat niya. Mas lalo akong nahuhulog.

Nakarating kami ng ligtas at agad naman kaming pumasok sa condo niya.

"Sandali lang ah, maghahanda ako ng pagkain natin. Pahinga ka muna saglit diyan." Sabi niya ngunit umiling lang ako at tumayo bago lumakad papuntang kusina.

"Tutulungan na kita." Nakangiti kong sabi sa kaniya na agad naman niyang ikinangiti.

"Kapag nagka oras ako dadalawin kita doon ah?" Tumango naman ako at inilagay ang dalawang plato sa lamesa, "bakit kapa Kasi nilipat ng branch? Bakit kasi ikaw pa, ang dami dami niyo tapos ikaw pa ang napili." Nakabusangot niyang sabi. Hindi ko tuloy maiwasang makonsensiya, wala siyang alam na nagsisinungaling lang ako. Nag resign narin ako sa trabaho ko, ayaw pa nga nila dahil malaking kawalan daw ako ngunit nakasalalay ang kakambal ko eh. At yun din ang ikinatatakot ko kung sakaling magkasama kami.. hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kuwento nila Lola na kapag magkasama daw kami, palaging may napapahamak kaya mag pinili nila kaming paghiwalayin.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now