YESHA POV
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang halik ni, Lucas. Nung hinatid niya ako ay parang wala siyang naaalala kaya ay umakto ako ng normal kahit bumabalik 'yon sa isipan ko.
Hinawakan ko ang labi ko at basta nalang akong napangiti. Ang lambot ng labi niya at mabango, kahit amoy alak siya noon ay nandoon parin ang natural na amoy ng hininga niya na nakakaadik. Napailing nalang ako at hindi na inisip yon. Hindi niya maalala kaya wala ring saysay kung kiligin ako o ano.
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa harap ng salamin. Linggo ngayon at inaya ako ni, Lucas na lumabas. Susunduin naman niya kaya walang problema sa pamasahe dahil may kotse naman siya. Habang naghihintay sa kaniya ay inabala ko muna ang sarili ko sa cellphone. Nag fe-facebook ako ng biglang may nag pop up na message sa messenger. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nakaramdam ng takot.
From: Andrea Madrigal
Hindi ka makakatakas sa kaniya, my dear. Hahanapin ka namin kahit saang lupalop kapa magtago.
Agad kong blinock ang account niya at nag log out narin. Hindi pwede! Ilang beses ko nang blinock ang account niya pero gawa parin siya ng gawa ng bagong account.
Agad akong napapikit ng bumalik sa ala ala ko ang nangyari kung bakit naglayas ako. Not now, please... huminga ako ng malalim at inabala ang sarili ko sa pag isip ng mga positibong bagay. Kailangan kong kumalma dahil baka umatake ang sakit ko.
Bigla ko namang naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko at parang nahihirapan akong huminga. Agad akong tumayo at kinuha ang gamot ko gamit ang nanginginig kong kamay sa bag na nasa harapan ko lang. Naluluha narin ako. Ayokong magpanic, ayokong magwala, ayoko...
Agad ko 'yong ininom at kumalma."Yesha?" Agad akong napalingon sa boses na 'yon at parang biglang kumalma ang nararamdaman ko.
Ngumiti ako at tumayo. Nakita ko naman siyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Na conscious naman ako tiningnan ang sarili ko. Okay naman ang suot ko, Highwaist na maong ang suot ko at white croptop na tinernohan ko ng white shoes. Ganito lang ako manamit at hindi katulad ng iba na sunod sa uso.
"Hi.." ngumiti ako sa kaniya at lumapit, "ayos kalang?" agad naman siyang tumikhim tumango. Ito lagi ang napapansin ko sa kaniya, madalas siyang tulala kapag nakatingin sa'kin. I don't know but I feel proud.
"Yes, I'm okay. Let's go?"
----
Una naming pinuntahan ay ang park kung saan maraming bata ang naglalaro ng habulan at iba pa, mayroon ding pinapasyal ang mga alaga nilang aso, mga magpamilya na masayang naglalaro at kumakain. Kailan ko kaya mararanasan 'yan? ngumiti ako ng mapait. Mayroon ding mga magkasintahan na ang sweet.
Napatingin naman ako kay, Lucas na nakatingin rin pala sa'kin. Bigla nalang kumabog nang malakas ang dibdib ko at bumigat ang paghinga. Nakahawak siya sa bewang ko mula pa kanina kahit na sinusubukan kong tanggalin 'to.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Napalunok rin ito habang nakatingin sa'kin, hindi sa labi ko pala.
"Did I kiss you?"
Para naman akong may ginawang kasalanan at biglang nag iwas ng tingin. Ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi at alam kong namumula na ako.
Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari nung gabing 'yon.
"Ano bang sinasabi mo? Tara na nga."
Kahit na kinakabahan ay hinila ko siya sa nagbebenta ng street foods. Kumuha ako ng plastic cup at nilagyan 'to at binigyan sa kaniya bago ako kumuha ng akin.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomantizmLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...