Chapter 8

122 18 4
                                    

YESHA POV

Nakangiti ako dahil good mood ako. Bakit ba? hindi ko rin alam kung bakit good mood ako basta ang alam ko lang paggising nakangiti ako at masaya.

Tiningnan ko ang kwarto ni, Lucas tulog pa kaya siya? nagkibit balikat nalang ako at tumungo sa kusina at gawin ang routine ko. ang ipagluto siya.
Napangiti ulit ako habang naalala ang kahapon. Ang saya kausap ng mga kaibigan niya lalong lalo na si Ashter at Nathan na bibong bibo ipaglandakan ang mga kahihiyan nila. Kahit Yung dalawang seryoso kahapon ay natawa nalang din at nakisali sa kwentuhan namin.

Pero si, Lucas kahapon ang sama ng timpla ng muka niya. Parang nakakain siya ng ampalayang hilaw. Natawa naman ako at umiling. Kailan ko rin kaya makikita ang mga kaibigan ko? simula ng umalis ako samin ay wala na akong balita sa kanila dahil nag iba na ako ng number at deactivated lahat ng social media accounts ko. Try ko kayang buksan ulit at makibalita? Namimiss ko rin naman sila at paniguradong nag aalala sila sa'kin. Ike-kwento ko rin kung gaano si, Lucas tapos crush ko siya. Paniguradong asar ang abot ko pero ayos lang, basta kay, Lucas ako asarin.

"Good morning!" Masiglang bati ko ng makita kong papasok siya sa kusina. Bahagya pa siyang napatalon kaya natawa ako.

"Good morning, you startled me!" gulat niyang sagot sa'kin. "you're happy, huh?" napansin niya sigurong maliwanag ang muka ko kaya napailing iling siya.

"Yes! happy ako, pake mo? hmp!" kunwaring binatukan ko siya, "Kumain kana, may trabaho kapa diba?" pinagsadukan ko siya ng fried rice at nilagyan ng dalawang hotdog ang plato niya.

Nakatanga lang siyang nakatingin sa'kin habang magana akong kumakain. Ni hindi pa siya nakakakain dahil nakatingin lang siya sa'kin, ni hindi rin kumurap. Tiningnan ko lang din siya pero ganun parin, puno ng pagtataka ang muka niya. Ganun ba ako kasaya para matulala siya? O baka naman nagagandahan sa'kin? charot!

Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya pero nabigo ako kaya pinisil ko ang ilong niya.

"What the—"

"Sige magmura ka ipapakain ko sayo yung buong hotdog!" nakita ko namang kumurap siya.

"Bakit ba namimisil ka ng ilong?" naiinis na tanong niya.

Aba't? Batukan ko 'to, pigilan niyo ko! aba tatanong tanong siya eh hindi ba niya alam na nakatulala siya sa kagandahan ko? Kung hindi pa ako pinanganak hindi siya makakakita ng goddess na katulad ko. Well thanks to my parents, ginawa nila ako.

"Kanina kapa nakatulala sa'kin. Ganun naba ako kaganda?" I said ang wink at him.

"N-nagulat lang ako.." bahagya namang namula ang muka niya at leeg kaya nag alala ako.

"Sa ano? okay ka lang? namumula ka." agad akong tumayo at dinampi ang likod ng palad ko sa noo at leeg niya. Bahagya pa siyang napaigtad sa ginawa ko.

"Nagulat lang ako sa inasta mo, tsaka I'm okay." ngumiti lang ako sa kaniya at bumalik sa upuan ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kumain kana diyan, wag mo na akong pansinin. Good mood lang."

Ngumiti naman siya at kumain na rin  habang panaka nakang nakatingin sa'kin kaya pinandilatan ko siya ng mata. Eto rin minsan ang napapansin ko sa kaniya. Muka siyang natatakot kapag sinasamaan ko siya ng tingin.

Nagiging komportable na rin ako at minsan ay pinagtri-tripan kona siya. Wala na ang ilang at hindi na rin ako nahihiya sa kaniya.

--------

"Gaga ka! nag alala kami sa 'yo bruha ka!" Natawa nalang ako at ngumuso.

Kausap ko ang isa sa kaibigan ko. At gaya nga ng inaasahan ko ay sermon ang abot ko sa kanila dahil ni hindi daw ako nagpaalam sa kanila. Na guilty naman ako kaya nag sorry ako sa kaniya. Mamaya ko nalang tatawagan ang iba dahil busy daw.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now