Chapter 25

103 9 0
                                    

LUCAS POV

MAAGA akong nagising dahil alam kong pagod si, Yesha at balak ko siyang lutuan. Sigurado rin akong mahihirapan siyang maglakad dahil sa nangyari samin. Napangiti naman ako nang maalala ang tagpong iyon. Nagpaubaya siya at walang reklamo.

Tiningnan ko naman siyang mahimbing na natutulog at yakap yakap ang unan na ginamit ko. Nahirapan nga akong umalis sa kama dahil ang higpit nang yakap niya sa'kin.

Tumayo ako at hinanap ang mga damit namin kagabi, napailing pa ako nang makitang sobrang kalat ng kwarto at nakita kopang punit ang damit niya. Hindi ko manlang namalayan na napunit ko pala 'yun kagabi dahil sa pagmamadali.

Pinulot ko ang mga damit namin habang ako ay sinuot ang suot ko kagabi. Dibale uuwi naman ako at babalik rin kaagad, maliligo lang naman ako. Magdadala rin ako nang damit siguro.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kusina niya at nagtimpla nang kape. Hinugasan korin ang tasa na ginamit namin kagabi at nagsangag nang kanin at nag prito ng itlog, hotdog, at bacon. Mabuti nalang din at kumpleto sa gamit ang kusina niya at halata mo talagang maalaga siya.

Habang nagluluto ako ay tinawagan ko naman si, Nathan para makibalita sa pinapagawa ko sa kaniya. Bilib din talaga ako sa kakilala nito na hindi ko alam kung sino dahil ayaw niyang sabihin.    Baka ngayong araw o bukas daw ay maibibigay na daw niya ang hinihingi ko. Lahat daw nang importante kay, Arman ay madali lang daw nitong mahahanap. Bukod sa magaling ito ay marami rin daw koneksyon sa batas at sa matataas na politiko kaya hindi na kataka taka na madali niyang malaman ang tinatago nang isang tao.

"Ang aga aga, Lucas." humikab pa ito at minura ako na ikinailing ko. Sanay na kaming magmurahan kaya wala namang kaso samin iyon.

"Kamusta na ang pinai-imbestigahan ko?" tanong ko at nilagay ang lutong bacon sa plato. Inayos kona rin ang lamesa at tinimplahan ng kape si, Yesha.

"Mamaya sa apartment mo ay dadalhin ko, inaayos pa niya ang iba. Siya nga pala, ang bobo daw nang step dad mo dahil gumagawa nang krimen na madaling hulihin." natawa pa ito at pinatay ang tawag.

Muli na namang napakuyom ang kamao ko nang matandaan ang nangyari kagabi. Lalong lalo na walang hiyang, Arman na 'yun. Ginagamit lang niya si mama para sa pera at hindi ako papayag na gamitin lang niya si mama.

"PUTANG INAMO TALAGA LUCAS!" Agad akong napatayo at tumakbo sa kwarto ni, Yesha at naabutan ko siyang nakangiwi at pilit na tumatayo.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at inalalayan siya. Binatukan pa niya ako na ikinanguso ko nalang.

Tinulungan korin siyang maligo at ako na ang nagbihis sa kaniya. Todo naman ang pigil ko sa sarili dahil alam kong masakit ang pagitan nang hita niya. hihirit nga talaga sana ako nang isa kanina sa cr kaso lang ay mainit ang ulo niya kaya tumahimik nalang ako naging sunod sunuran sa kaniya.

Habang kumakain kami ay sobrang sama nang tingin niya sa'kin na ikinalunok ko naman nang laway. Hindi rin ako makakain nang maayos dahil kinakabahan ako sa klase ng tingin niya sa'kin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot nang ganito. Tapos kay, Yesha pa.

"Good morning?" patanong kong saad ngunit mas sumama lang ang tingin nito sa'kin.

"Ano bang kasalanan ko?"

"Sabi mo sa una lang masakit? bakit masakit ngayon hah?!" Singhal niya sa'kin pilit akong inaabot ng kurot na iniiwasan ko naman. Dragon talaga ang babaeng 'to.

"Sorry na.."

"Sorry mo muka mo, di kana makakaulit." napalaki naman ang mata ko at umiling.

"Wag namang ganiyan, baby, maawa ka naman sa little Lucas ko.." nakangusong saad ko sa kaniya at tinuro pa ang pagitan nang hita ko.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now