Chapter 37

40 6 0
                                    

A/N: POINT OF VIEW NA NI, LUCAS HAHAHAHA! HINDI KONA MASIYADONG LAGYAN NG EME EME 'TO. AYOKO NANG MARAMING SCENE NA HABULAN SO EXPECT NA KAYO NA MABILIS LANG ANG SUYUAN SA INA. PERO SA ANAK, EWAN KO NALANG.

LUCAS POV

AGAD akong naligo pagkagising ko. Naalala ko ang kagabi. Napangiti ako at tila naramdaman na may pag-asa pa. Sana. Nung nagkita kami sa harap ng restaurant ay sinundan ko siya hanggang pag-uwi at lubos ang galit ko ng makitang hinahatid sundo siya ni, Storm. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero nagseselos ako kahit walang karapatan.

Pitong taon. Pitong taon kaming hindi nagkaayos ng kaibigan ko dahil sa nangyari, ang tatlo ay nananatili sa tabi ko ngunit alam kong hanggang ngayon ay dismayado sila sa ginawa ko. Kahit ako rin naman ay dismayado at galit sa sarili ko. Kung may pagkakataon man ay itatama ko ang mga mali ko. Babawi ako kay, Yessa.

Mas lumala ang away namin ni, Storm ng malaman kong alam niya kung nasaan si, Yesha. Alam niyang hinahanap ko ang tao pero tahimik lang siya kahit alam niya. Nagsuntukan pa kaming dalawa habang ako ay pinipilit siyang magsalita kung nasaan ang babaeng mahal ko ngunit ngumingisi lang siya at sinasabing deserve ko ang nangyari at wala akong karapatang malaman. Ramdam kong iba ang galit niya sa'kin nung mga panahong 'yon. Para bang may mas malalim pa siyang dahilan.

Ang sakit din ng mga panahon na 'yon, ang dami kong nagawang mali. Nakagawa ako ng kasalanan na habang buhay kong pagsisisihan.

Namatay si, Stelie at masakit 'yon. Pero hindi ko alam na mas may ikakasakit pa pala ang nararamdaman ko nang malaman kong iniwan ako ni, Yesha.

Aaminin kong kasalanan ko naman ang lahat. Ako ang nagsimula ng gulong ito. Sana nakinig nalang ako sa mga kaibigan ko. Pero kapag nakinig ba ako ay mararanasan ko ang sayang naramdaman ko nang maikling panahon?  Ang saya ko nang mga panahong kami pa ni, Yesha. At sasabihin kong mahal ko siya. Mahal na mahal.

Simula noon ay pinapasundan kona siya, pina-imbestigahan ngunit wala parin akong nakalap na impormasyon tungkol kay, Yesha.

Ang mas ikinakataka ko lang ay kung bakit sinabing anak siya nang lalaking sa pagkakaalam ko ay Tito ni Storm, at tinatawag nilang Yessa si Yesha.

Sa loob ng pitong taon ay hindi ko naramdaman ang sayang 'yon. Nakakulong narin si, Arman, Arina, at ang anak nilang si, Andrea. Nagulat nalang rin kami nang malaman 'yon. Puro mga iligal ang ginagawa nila. May ilang kaso pa sila ngunit hindi namin alam dahil masiyadong pribado ito. Hanggang ngayon ay nakakulong parin sila habang si, mama naman ngayon ay mataas parin ang pride niya. Ni hindi niya ako pinapansin o hindi kaya ay kinakamusta. Ang totoo nga ay dinadalaw pa niya si, Arman sa kulungan kahit nandiyan 'yung asawa nitong si, Arina. Hindi narin pa ako nag-abalang humingi ng tawad sa kaniya. Itinakwil na niya ako bilang anak at mas pinili niya si, Arman sa 'kin kahit alam niyang siya ang pumatay kay, papa.

Agad akong tumayo at napagpasyahang pumunta sa bahay na tinutuluyan ni, Yesha. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya. Tatanggapin ko ang galit niya sa'kin dahil kasalanan ko naman ang lahat.

Habang nagmamaneho ako ay napansin kong tila may sumusunod sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako ng makilala ang tatlong kotseng 'yun. Ang mga kaibigan ko. Siguradong makiki-tsismis lang ang mga ito.

Pagkarating namin ay bumungad samin ang nakangising si, Storm. Ang sarap niyang suntukin sa totoo lang. Binuksan niya ng malawak ang gate at pinapasok kami habang nakangisi parin ito sa'kin.

"Sa loob." maiking saad niya at nauna nang maglakad na tila sanay na sanay na dito at parang alam ang dereksyon.

"Nandito kana pala." napalunok ako ng makita ang sinasabing 'ama' ni Yesha. "maupo kayo." umupo naman ang mga walang hiya kong kaibigan habang ako ay hindi nakagalaw sa kinauupuan ko.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now