Chapter 3

77 17 2
                                    

Lucas Lavalle

NAPANGITI naman ako sa mga naalala ko, simula sa pagligaw hanggang sa sinagot niya ako. Sobrang saya ko nung nga araw na 'yon.

I know that Stelie Rose loves me and I will trust her, panghahawakan ko ang mga pangako namin sa isat isa, yung pinagsamahan namin na kahit isang taon palang, at yung katagang mahal kita.

I sighed and tried to call her again but she's out of coverage, damn! Almost 20 missed call and 50 messages but still.. no reply. Ganun na ba siya kaabala at hindi niya ako mabigyan ng kaunting oras? May iba na ba siya? Pero bakit hindi niya sinabi? Bakit pinagmuka niya akong tanga kung ganun? Naisip niya ba na napipilitan lang siya na makipagrelasyon sa'kin? Damn! OA na kung OA pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang nga bagay na'yon. What if tama ang hinala ko? Anong gagawin ko? I can't live without her. She's my everything.

"Answer the phone, please mahal." I beg even I know she wouldn't hear that.

"Damn!" Mura ko ng hindi na ma-contact ang cellphone nito. Shit! shit!

Agad kong hinagis ang cellphone ko at sinabunutan ang buhok ko. Para akong tanga na pinulot ulit ang cellphone at tinawagan ulit siya. Mabuti nalang at hindi nasira ang cellphone ko.

"Damn it, Stelie. Answer the phone!" Stress na stress na ako sa trabaho wag mo nang dagdagan please! Damn it!

Sa huli ay ako na Ang sumuko at naupo nalang, iniisip ko kung pupuntahan ko ba ang dati niyang pinagta-trabahuhan at tanungin kung saang lugar siya nilipat.

Hindi ko na kayang mawalay sa kaniya, ang hirap kasi at hindi kami araw araw, kahit hindi naman araw araw sana, kahit simpleng text lang okay na ang kaso kahit isa wala. Tang ina talaga!

Nandito ako sa labas ng pinagta-trabahuhan dati ni Stelie para maitanong ko kung saan siya nilipat, kahit sulyap lang ayos na sa'kin. Alam kong magagalit siya pero wala na akong ibang paraan pa, I know I'm selfish but I just want to make sure that she is fine. Gusto ko rin siyang makita. Kahit sulyap lang.

Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa taas, third floor. Hindi ko alam kung sino ang pagtatanungan ko, Isa lang naman ang nakikita kong kasama niya. Yun nalang siguro. Pagbukas ng elevator ay agad kong hinanap ang kaibigan ni Stelie, hindi naman ako nabigo at agad ko siyang nakita. Nagulat pa siya nung una ngunit ngumiti lang rin.

"Pwedeng magtanong?" Ngumiti naman siya sa'kin bago sumagot.

"Ah oo, may itatanong rin naman ako sayo." Kumunot ang noo ko.

"Alam mo ba kung saan nilipat si Stelie?" I ask seriously at her, I see the shock on her face and shook her head.

"Anong l-lumipat?" Takang tanong niya.

"She said nilipat siya ng ibang department pero hindi niya sinabi sa'kin ang lugar. Gusto ko siyang puntahan pero ayaw niyang sabihin kung saan siya nilipat." Nakakunot nuo kung saad.

"Yan rin ang itatanong ko sana sa'yo. Ang alam ko ay nag resign siya. Yun ang sinabi niya at hindi dahil nilipat siya sa ibang department." Umiwas ako ng tingin at napatiim bagang. W-why did you lie Stelie? Napakuyom rin ang kamao ko sa pagpipigil ng galit. Putangina!

Hindi rin ako nagtagal roon at agad na umalis. Napagpasyahan kong puntahan ang Lolo at Lola niya, bakasakaling alam nila kung saan si Stelie. Napapaisip ako kung bakit siya nagsinungaling sakin kung pwede naman niyang sabihin ang totoo, hindi ko na alam ang gagawin ko, siya ang taong malihim at kahit kailan hindi nagsabi ng problema kahit sa'kin ay malihim siya pero nirerespeto ko 'yun at hindi siya pinipilit na magsalita at magsabi kung may problema siya, gusto kong magkusa siyang magsabi sakin, mapagkakatiwalaan naman niya ako, kaya iniisip ko kung bakit niya nilihim sa'kin na hindi naman talaga siya nilipat ng ibang department, nag resign siya at anong dahilan? Bakit hindi niya sinabi sakin?

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now