YESHA POV
Dalawang linggo na ang nakakaraan at nandun parin ang ilang ko kay, Lucas. Humingi naman siya ng sorry at nag explain naman siya kung bakit kaya tinaguan ko lang. Pero sa ngayon, diniditansiya ko ang sarili sa kaniya. Alam kong nahahalata niya 'yun pero hindi lang siya nagsasalita. Hindi naman kami magkaibigan o kung ano man. Isa lang akong babaeng pinatira at tinulungan niya kaya wala akong karapatan.
Ilang beses din niya akong sinubukan kausapin pero puro tango at iling lang ang sagot ko. Kung magtatanong naman siya ay maikli lang akong magsalita.
Mahirap man sa 'kin na hindi siya pansinin ay kailangan ko rin para sa sarili ko. Ayokong maging malapit sa kaniya, lalo na at nahuhulog na ako at ayokong masaktan sa huli. Alam ko rin naman na wala siyang pagtingin sa'kin.
Napabuga ako ng malakas na hangin bago lumabas ng kwartong tinutuluyan ko. Hahanap ako ng apartment na malilipatan ko dahil bukod sa nahihiya ako ay ayokong maging pabigat sa kaniya. Hindi porket sinabi niyang okay lang na manirahan sa kaniya ay oo lang ako ng oo. Ayokong nakadepende ako sa Isang tao.
"Saan ka pupunta?" Masamang tingin ni Lucas ang bumungad sa'kin ng buksan ko ang pinto.
Napatigil naman ako sa akmang paglabas dahil bukod sa nakaharang siya ay para naring napako ako sa kinatatayuan ko. Tumingin naman ako ng deretso sa mata niya bago sumagot.
"Sa labas." Maikling sagot ko.
"Galit ka parin ba?" naging malambing ang boses nito at tila parang may mga paru parung nagliliparan sa loob ng tiyan ko dahil doon. "pansinin mo na ako, oh... I'm sorry okay? naiinis lang ako nung mga oras na 'yun." tumango lang ako at akmang lalagpasan siya ng harangan niya ako. Napalunok naman ako at hindi alam ang sasabihin. "Yesha, please.." nagsusumamo at nagmamakaawa ako nitong tiningnan.
Nakaramdam naman ako ng ko sensya at tumikhim.
"Oo na, sorry din. Nabigla lang din ako kaya nakaramdam ako ng galit kahit wala naman akong karapatan..." agad naman nito akong hinawakan sa kamay ay bahagyang pinisil iyon.
"May karapatan kang magalit sa'kin. Alam kong masakit ang sinabi ko, but I swear. Naiinis lang talaga ako." halata sa muka nito ang kulang sa tulog. Dahil ba ito sa hindi ko pagpansin sa kaniya? umiling naman ako. Imposible, napaka- felengera mo self! Binitawan niya naman ang kamay ko.
"Hindi na ako galit." ngumiti naman ako akmang aalis sa harapan niya ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hindi kana talaga galit?" umiling ako, "you sure?" tumango naman ako.
"Yes, Lucas."
"Mukang galit kapa eh."
umiling ako.
"Galit kapa?"
Tiningnan ko naman siya at umiling. Ilang beses ba ako kailangan umiling para maniwala 'to?
"Sorry na po..."
LUCAS POV
THE FVCK?! sorry po? really, Lucas? is that me? oh hell! help me God!
Nakatingin lang siya sa'kin na parang nahihiwagaan at mukang nagulat sa sinabi ko. Agad namang namula ang pisngi ko dahil sa klase ng titig niya. shit, I'm blushing! Tinitigan ko rin siya pero hindi ko kaya ang lalim ng tingin niya. Para akong hinihigop ng mata niya, nakaka-hipnotismo. Ang ganda pa niya kaya hindi ko maiwasang titigan siya ulit, lalong lalo na ang labi niyang mapula dahil sa liptint na ginamit. Mapula naman ang natural na labi niya at makintab na maakit kang halikan, pero ngayon parang... gusto ko siyang halikan..
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...