LUCAS POV
"PAPA stop na po HAHAHAHA!" natatawang kiniliti ko ang anak kong naglalambing sa'kin.
"Hindi, gusto mo 'to diba? eto pa!" Tawa naman siya ng tawa at sinasabing tama na raw kaya tinigilan kona at natatawa siyang tinitingnan.
Mahigit isang buwan narin ang nakalipas simula ng magkaayos kaming tatlo. Official narin kami ni Yessa at sasabihin kong sobrang saya ko. Sa lahat nang kasalanan ko ay hindi nila ako pinahirapan pa dahil mas gusto nilang bumawi nalang ako. Ayaw nilang may galit na kinikimkim sa'kin.
"Papa, natutulala kana naman ay mama? pretty siya po diba?" tumaas taas pa ang kilay nito kaya agad akong namula. Paano ba naman nahuli niya akong nakatulala sa mama niya habang nagluluto. Nag request kasi ang makulit na bata sa mama niya kaya ito ang nagluto.
"Oo, maganda ang mama mo." pagsang-ayon ko sa anak ko.
"Sa kaniya po nagmana ako diba?" nagsalubong ang kilay kong tiningnan siya.
"Ako ang kamukha mo kaya sa'kin ka nagmana." mahinang saad ko.
"Maganda si mama at pogi ako." nang-aasar na naman siya. Ito rin ang napapansin ko sa anak namin. Nagiging malambing narin siya sa'kin na gustong gusto ko. Dito narin ako natutulog at tabi kami sa isang kama. Sinabihan rin kasi ako ni Tito Sandro dahil nga kailangan ko ring bantayan ang mag-ina ko.
"At ako? hindi ako pogi, ah?" napabgungisngis naman ang anak ko kaya kiniliti ko ulit siya hanggang sa mapagod kaming dalawa at nagkwentuhan.
"Tama na kayong dalawa diyan at kakain na." agad naman kaming tumigil na dalawa at pumunta kay, Yessa na naghahanda na.
"Ma, si papa sabi niya hindi daw po ako nagmana sa 'yo." nang-aasar na saad ng anak ko na ikinanguso ko lang.
"Hindi ah! sabi ko kamukha mo ako." natatawa nalang si, Yessa na nakikinig sa'min na nagbabangayan.
"Pero mas pogi daw po ako, papa." hindi papatalong saad ng anak ko.
"Oo, na! mas pogi ka." Naiiling na saad ko at napangiti narin ng makita na humagikhik ang anak ko dahil nanalo na naman siya laban sa'kin.
"Parehas lang naman kayong guwapo." napangiti kami ng anak ko at nag high five pa.
"Baby, I love you.." malambing na saad ko at niyakap siya mula sa likuran. Naglilinis kasi kami ngayon ng kwarto nilang mag-ina.
"I love you more." hinarap ako nito at hinalikan sa labi na malawak kong ikinangiti.
"Alis tayo bukas, ah?" tumango naman siya at niyakap ako. Pupunta kami bukas sa puntod ni Stelie. Ipapakilala kona sila at hihingi narin ako ulit ng tawad sa kaniya.
"Can't wait to meet her." napangiti ako nang makitang walang kahit anong galit sa mga mata ni, Yessa. Mas gusto nga niyang makilala agad si, Stelie. Hindi rin daw siya nagseselos dahil alam niyang maiintindihan naman daw ni, Stelie ang lahat.
"Thank you dahil tinanggap mo ulit ako. Hindi na ako makapag hintay na pakasalan ka." Masayang saad ko sa kaniya.
"Ako rin, excited na ako, eh." natawa ako at pinugpug siya ng halik.
YESSA'S POV
Napangiti ako ng makita kong magkayakap na natutulog ang mag-ama ko. Simula ng magkabalikan kami ay dito na siya natutulog. Sinabi ni papa sa kaniya na ayos lang naman kung nandito siya kaya hindi rin naman siya tumanggi pa.
Hindi naman ako nagsisisi na binigyan ko agad ng nang pangalawang pagkakataon. Ayoko rin kasing patagalin pa ang pag-aaway namin. Ayoko ring masayang ng panahon pa. Bakit kopa papatagalin ang suyuan kung pwede naman siyang bumawi habang kami na diba? Ayoko kasing may galit na nararamdaman pa. Ang tagal ng panahon eh, ang daming taon ang nasayang sa'min.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...