Chapter 31

96 5 0
                                    

YESHA'S POV

PAGKA-UWI namin ay sumalubong sa'kin ang nag-aalalang muka ni papa. Alam kong nagsumbong si Kuya Storm kanina dahil narinig ko ang pangalan ni papa na binanggit niya kanina.

Niyakap ko nam si papa at hinalikan sa pisngi. Ngumiti rin ako para ipakita na ayos lang ako kahit ang totoo ay sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Parang gusto kong lumayo muna para siguro akong hindi ko siya makita pero paano ako aalis? nahihiya na ako kay papa. At saka gusto kong makasama si papa nang matagal dahil ilang taon ang nasayang sa'min.

"How are you, baby?" ngumiti ako kay papa.

"Pa, I'm okay, don't mind me."

Bumuntong hininga naman siya at inakay ako papuntang sala. Si Kuya Storm naman ay nakasunod lang samin dala ang tatlong kilong lansones na binili namin bago umuwi. Pampaalis stress ko daw.

"I know, pero sa susunod magsabi ka sa'kin kapag kailangan mo ng kausap ah? nagtatampo na si papa dahil puro ka, Kuya Storm." sumimangot pa ito na ikinatawa ko nalang.

"Mas mahal niya kasi ako, Tito." pang aasar pa nito kay papa.

"Umalis kana nga! naninira kana naman nang araw na bata ka!" natawa nalang si Kuya Storm at napailing. Sanay na siya sa ganiyang side ni papa.

"Ayoko nga kakain pa ako dito eh." prente pang umupo ito sa sofa at nagdekwatro.

Naiinis naman si papa at masama ang tingin nito sa kaniya.

"May bahay kayo, Storm baka nakakalimutan mo? Akin na muna ang anak ko. Aba namimihasa na kayo ng tatay mong sabog ah?"

"Sinong sabog, Sandro? nahihiya naman ako sayong hilaw ka!" Napakamot nalang ako ng pisngi ko ng magsimula ng mag ingay ang bahay.
Araw-araw naman 'tong nangyayari kaya sanay na ako sa bardagulan nila papa. Wala namang pikunan at asaran lang talaga ang ginagawa nila.

Tumayo ako at kinuha ang supot na may lansones. Hindi naman nila ako napansin dahil abala sila sa pagtatalo kung ano daw ba ang magiging anak ko. Kung kanina ay asaran sila sa isat isa ngayon naman ay ang gender ng baby ko ang pinag aawayan nila. Parang mga bata talaga dahil kahit si Kuya Storm na seryosong tao ay nakikipagtalo din.

"Inumin mo ang gatas mo, anak." ngumuso ako at umiling kay papa.

"Pa, ano bang gatas 'yan? expired na ata, eh, ang pangit ng lasa." ngumiwi ngiwi pa ako na ikinailing nalang ni papa. Totoo namang lasang expired ang gatas. Kung dati ay ayos lang sa'kin ang lasa ngayon naman ay hindi na.

Bumuntong hininga siya at hindi na pinilit na ipainom sa'kin ang gatas. Nakonsensya naman ako dahil tinimpla niya ito para sa'kin tapos hindi ko iinumin. Kaya naman ay kinuha ko ito sa kamay niya at deretsong nilagok kahit sobrang sama ng lasa. Nakita kong napangiti si papa ngunit agad ring napalitan ng pag aalala ang muka ng makita niya na hindi ko talaga gusto ang lasa.

"Hindi mona sana ininom anak. Hayaan mo at sasabihin ko sa OB mo na mag recommend ng ibang gatas para mainom mo." ngumiti lang ako kay papa at niyakap siya.

"Pa, dito ka muna, please.." naglalambing na saad ko. Ganito ako lagi sa kaniya simula ng magkita kami. Gusto ko ngang matulog katabi siya ang kaso lang ay masiyado na akong matanda para doon. Alam kong nanghihinayang din si papa dahil hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko pero ramdam kong bumabawi siya kahit hindi naman kailangan dahil ang presensya niya lang ay sapat sa sa'kin.

"Naglalambing na naman ang anak kong buntis. Oh, siya at babantayan na ni papa hanggang sa makatulog ka." ngumiti naman ako at humiga na sa kama. Agad akong nakatulog dahil kinantahan niya ako habang sinusuklay ang buhok ko.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now