LUCAS POV
Agad kong tinawagan ang numero ni, Nathan ngunit hindi ito sumasagot kung kayat hindi ko siya tinigilan.
"What?!" Inis na sagot nito sa kabilang linya.
Bumuntong hininga naman ako. Galit parin sila sa'kin at kasalanan ko naman 'yun.
"Can I have a favor. I want you to investigate this person named, Arman Madrigal."
"Is that your step dad?" napa asik naman ako. Kahit kailan hinding hindi ko siya tatanggapin.
"No. Please, Nathan. I really need your help. You said may kakilala kang magaling na imbestigador. Gusto kong malaman kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni daddy." narinig ko ang mura niya sa kabilang linya at tunog na tila nagtitipa sa laptop.
" Already done. Na email ko na siya. Just wait for my update." Agad nitong pinatay ang tawag kahit hindi pa ako nakapagpasalamat sa kaniya.
Agad akong lumabas nang apartment ko at tinext si, Yesha na pupuntahan ko si mama. Hindi sana siya papayag dahil gabi na ngunit hindi kona siya nireplyan. Tumawag pa siya kaya't pinatay ko ang cellphone ko.
Nang malapit na ako sa subdivision ay may madadaanan muna akong restaurant na paborito naming kainan nila mama and daddy. Agad kong pinark ang kotse ko at pumasok ngunit natigilan ako nang may makita akong Isang pamilyar na tao.
Nasa tago sila nang pwesto at mukang hindi nila napansin ang pagpasok ko dahil abala sila sa pag-uusap. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at agad umupo sa likod ng babae nang makita kong yumuko si, Arman at tila may kinukuha sa wallet niya.
"Arman, kamusta naman ang pakikipag relasyon mo sa babaeng 'yun. Wala kapa bang nakukuhang pera sa kaniya?" tila inis na saad nang babae at parang naiinip na. Napabuntong hininga naman ito.
"Pwede bang konting hintay pa, Arina. Kinukuha ko pa ang loob nang mag ina lalo na si, Lucas. Ang tigas rin nang batang 'yun." mahina namang napaasik ang babae at nagmura. Mabuti nalang ay medyo malayo ang lamesa namin sa iba kaya't hindi naririnig ang usapan nila.
"Galingan mo kasi sa pag arte para makuha mo ang loob nang mag ina, lalo na 'yang Lucas na yan."
"Akala mo ba madali? kailangan kopa nang panahon para makakuha nang pera sa kanila. Kailangan kong kunin ang tiwala nang dalawa. At ang sabi ni, Lucy ay hindi pa raw handa si, Lucas na patakbuhin ang restaurant nang papa niya." mahinang saad naman ni Arman.
Napakuyom ako nang kamao nang marinig ang usapan nila. Parang gusto kong tumayo at sugurin silang dalawa ngunit may pumipigil sa'kin. Kailangan kong gumawa nang paraan para hindi matuloy ang binabalak nila.
"Eh, anong balak mo ngayon? malapit nang matapos ang binigay na palugit nang mag ama. Tangina naman kasi nang anak mo."
"Hindi pa ba siya nahahanap?" tila problemadong tanong ni, Arman, "Nababaon tayo sa utang dahil sa kaniya. Sa oras na makita ko siya ay wala talaga siyang takas sa'kin."
"Tsk! Bwisit, naiinip na kami ni, Andrea, Arman. Kahit si Andrea ay tumutulong na sa paghahanap sa kaniya."
"Tatawagan ko ang iba ko pang mga kakilala para humingi nang tulong. Kailangan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon." tumigil siya sandali, "tatawagan ko ang mga dati kong kaibigan sa presinto. Hindi ako pwedeng basta basta nalang kikilos."
"Marami ka namang koneksyon, pwede karing humingi nang tulong kay, Lucy." narinig ko naman ang mahinang tawa nang dalawa na tila nakahanap nang sagot sa tanong,
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
