Chapter 7

264 23 15
                                        

LUCAS POV

Matalim kong tiningnan ang apat na maganang kumain ng niluto ni, Yesha. Parang gusto ko silang kaladkarin palabas dahil todo asikaso sa kanila si Yesha na gustong gusto naman nila. Ano bang ginagawa ng mga gagong 'to dito?

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong nandito ang mga kaibigan ko. Kanina nabitin talaga ako. Oo, hahalikan ko na sana siya dahil talaga namang nakakaakit ang labi niya. Parang ayokong palampasin ang oras na 'yon hanggat hindi ko siya nahahalikan. Malapit na sana yun ang kaso lang sumakto naman ng dating ang apat na kaibigan ko. Parang gusto ko silang batukan isa isa dahil istorbo sila.

"Ikaw nagluto, Yesha?" Tanong ni Nathan habang sunod sunod ang subo nito kahit puno na ng pagkain ang bibig niya.

Natatawa namang tumango si Yesha. "Oo, bakit?"

"Wow! mas masarap ka palang nagluto kaysa kay Lucas?" Sinamaan ko naman ng si Ashter na ginantihan naman niya ng ngisi.

"I agree!" pati ba naman si, Storm?

"No offend Lucas, pero mas masarap luto ni Yesha." Singit ni Theron na maganang kumain.

Namula naman si, Yesha at ngumiti.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" Iritang tanong ko sa kanila at kinuha ang plato na may lamang adobo kay Ashter. Sinamaan lang ako nito ng tingin. Namimihasa kana ah! sapakin kita eh!

"Wag mong ubusin ang adobo," sinamaan ko rin ng tingin ang apat na nakatingin sa platong hawak ko at binabantayan kung gaano ang kukunin ko.

"Dinadalaw ka namin dito, bakit ba?" Maangas na tanong ni Nathan. "Hindi kana kasi halos pumupunta sa bar ni Theron." bahagya naman akong natigilan sa pagsubo at nag angat ng tingin.

"I'm busy." Nakita ko naman na napakunot noo si Yesha ngunit umiling din.

"Busy o ayaw lang talaga?" Pang aasar ni Nathan.

"Busy nga."

"Sabi mo eh." sabay na sabi ng apat at pinagpatuloy ang pagkain.

-----

Kanina kopa sinasamaan ng tingin ang apat dahil halos ayaw nang umuwi at mas piniling makipagkwentuhan kay, Yesha na nakikipagtawanan din sa kanila. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa patay ang apat na gagong to. Kung ano anong kini-kwento kay, Yesha.

Alam ko rin na alam ng apat na ayaw ko silang nandito dahil pangisi ngisi sila tuwing nagtatama ang paningin namin.

"Totoo 'yon! Tumae ako sa school nung elementary ako." pabibong kwento ni, Ashter. Walang hiya talaga pati pagtae kinikwento niya!

Para namang musika sa pandinig ko ang tawa ni, Yesha. Ang ganda niya talaga.

"Hindi ka talaga nahihiyang ipaglandakan ang baho mo, Ashter no?" sarkastikong tanong ni Nathan at binatukan ito. "Nakakadiri ka!"

"Wow, Ikaw nga eh nakipagsayaw sa bar tapos parehas kayong may itlog nung nag hotel kayo!" Malakas naman kaming natawa at inasar si, Nathan.

"totoo? lalaki talaga?" natatawang tanong ni, Yesha." umiling naman si Nathan.

"Hindi, wag kang maniwala sa kanila. Good boy ako noh!" umiling naman kami at natawa ulit.

Nagpatuloy ang kwentuhan at asaran namin dito sa sala. Halos mag gagabi na ng magpasiya silang umuwi pero bago 'yun ay kinausap muna nila ako sa labas ng apartment. Sinigurado rin namin na hindi kami makikita o maririnig ni, Yesha.

"Dude, what was that?" nagtataka ko namang tiningnan si Theron.

"Nakahanap na ako ng apartment pero hindi mo parin siya pinapalipat?" umiwas ako ng tingin ng napahilamos sa muka.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now