Chapter 38

202 8 0
                                        

LUCAS POV

"Mama.."

Sabay kaming lahat na napatigil at napatingin sa batang pumasok sa kusina. Kinukusot kusot pa nito ang mga mata at halatang inaantok pa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa bata na ngayon ay naglalambing na nakayakap kay, Yesha.

"Mama, I love you po.. you're so pretty.."

Nang tingnan ko si, Yesha ay kita ko ang paglunok nito at halata ang kaba sa kaniyang mukha, gano'n rin si, Storm na parang hindi mapakali sa kinauupuan niya habang si Tito Sandro naman seryoso lang na nakatingin sa'kin.

Nang bumalik ang tingin ko kay, Yesha ay nakatingin din pala siya sa 'kin ngunit agad ring nag-iwas ng tingin.

"Let's go, baby, sa room mo nalang tayo mag breakfast." akmang hihilahin niya ang bata ng bigla nalang itong napalingon sa dereksyon ko at napatigil. Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang kamukhang-kamukha ko ang bata. Hindi ako makapagsalita, ni makagalaw ay hindi. Tila ako'y napako sa kinauupuan ko, parang naumid ang dila ko at hindi makapagsalita.

"Who are you?" napalunok ako at dinaga nang kaba sa dibdib sa klase ng tingin niya sa'kin. "You look like me." seryoso parin ang boses nito na mas lalong nagpakaba sa'kin.

Napatingin ako kay, Yesha at nakita kong walang emosyon ang mukha nito. May ideyang pumapasok sa isip ko at alam kong posibleng mangyari 'yun. Tangina, kailangan ko ng paliwanag.

"H-hi.." nauutal kong bati sa kaniya at nagpilit ng ngiti o sabihing ang ngiting iyon ay nauwi sa ngiwi.

"Papalo, who is he?" hindi ako pinansin nito at pumunta kay Tito Sandro. Tila may kumurot sa puso ko ng ngitian rin niya si Storm. Parang may parte sa'kin na nagseselos.

"B-bakit kamukha ko ang b-bata?" nauutal na tanong ko at tiningnan si, Yesha na hindi makatingin ng deretso sa'kin. "Is he mine?" deretso kong tanong.

"Mag-usap kayo nang masinsinan mamaya, patapusin niyo munang kumain ang apo ko."

Wala akong nagawa kundi ang kumain. Alam kong posibleng anak ko ang batang 'yon. Kamukhang kamukha ko siya. Pero kung nabuntis ko si, Yesha ay bakit hindi niya sinabi? bakit kailangan niyang itago? papanagutan ko naman siya.

Alam kong may mali ako. Oo, niloko ko siya. Pinagsabay ko sila ni, Stelie pero pinagsisihan kona ang bagay na 'yon. Si, Yesha ang mahal ko. Minahal ko si, Stelie pero simula ng dumating si, Yesha sa buhay ko ay nagbago ang lahat. Parang ayokong mawalay siya sa'kin. Gusto kong siya ang una kong makita pagkagising ko.

Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko habang hindi inaalis ang tingin sa bata na seryoso lang akong tinitingnan tuwing nagtatama ang paningin namin pero kapag sa mga kaibigan ko ay ngumiti siya. Parang may humaplos sa puso ko tuwing nakikita ko ang mukha niya. Walang duda. Anak ko siya. Tinawag niyang mama si, Yesha.

Nandito kaming dalawa sa sala at parehas kaming walang imik. Nakaupo lang siya at seryosong nakatingin sa'kin samantalang ako ay nanginginig pa sa hindi malamang dahilan.

"Kung wala kang sasabihin ay aalis ako." seryosong saad niya at akmang tatayo ng pigilan ko ito.

" Anak ko ba siya?" agad na tanong ko. Ayoko nang patagalin 'to.

"Anak?" pagak siyang natawa at mapait na ngumiti. "Wala kang anak, Lucas.." galit niyang saad sa'kin.

"Wag mo nang ikaila, Yesha. Sabihin mo ang totoo, anak koba siya? Oo o hindi lang ang kailangan kong sagot." saad ko at akmang lalapit sa kaniya nang umatras ito. " Ang tagal kitang hinanap, Yesha, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Sana hayaan mo akong bumawi sayo. Sa inyo."

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now