YESHA POV
NAPAIGTAD ako ng may maramdaman akong kamay na humaplos sa pisngi ko. Agad ko namang tiningnan 'yon at nakita ko si, Lucas na nag aalalang nakatingin sa'kin.
"Are you okay, baby?" nag aalala niyang sinapo ang muka ko.
Agad kong pinunasan ang muka ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko na namalayan na masiyadong malalim ang iniisip ko. Para akong maiiyak ulit ng maalala ang araw na 'yon hanggang sa makatakas ako. Ang sakit lang na ang akala mong totoong kadugo ay hindi pala. Ang akala kong ama ay hindi ko pala totoong ama at plinano lang talaga nila. Mga hayop sila!
Anong karapatan nilang gawin 'yun samin ni mama? Dahil lang sa yaman kaya nagawa nila ang bagay na yon. Mabuti nalang at nakatakas ako sa puder nila.
"Baby..."
Hindi ko lubos maisip na magagawa nila sa'min, sa'kin 'yun. Pati si tita na nakakatandang kapatid ni mama ay niloko siya. Mga hayop sila!
"Yesha." napaigtad ako ng may biglang sumapo sa muka ko at pinunasan ang naglalaglagan kong luha na hindi ko alam na bumuhos pala ulit..
"Are you okay? kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero nakatulala kalang at umiiyak," napatingin naman ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "Baby,
may problema ba?"
Umiling ako, "W-wala may naalala lang ako.." saad ko at pilit na ngumiti. Napatingin naman ako sa labas at nagulat ako ng makitang nasa labas na kami ng mall. Hindi ko manlang namalayan na nakarating na kami sa lalim ng iniisip ko.
"Almost ten minutes na tayong nandito at ganun karin katagal na nakatulala. Ano bang iniisip mo, hmm?"
Tiningnan ko siya ng matagal at bumuntong hininga. Hindi kopa kayang sabihin ang nakaraan ko na matagal na panahon ko nang tinatakasan at tatakasan ko hanggang ngayon. Tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa'kin noon ay bigla nalang ako nakakaramdam ng samut-saring emosyon. Poot, galit, lungkot, pagkasuklam, at pagkamuhi sa kanila.
Kaya pala may lakas ng loob na saktan nila ako kahit nabubuhay pa si mama dahil lahat ng nakapaligid samin ay kakampi lang nila. Sina Lolo at Lola lang ang kakampi namin ngunit pinatay rin sila at hanggang ngayon ay hindi parin siya nabibigyan ng hustisya.. pati si mama.
"It's okay, I won't force you. Take your time, baby." niyakap niya ako at hinalikan sa sentido ko na ikinapikit ko. "If you're ready, tell me. Makikinig ako." tumango ako at niyakap siya pabalik kasabay nang pag agos ng masaganang luha ko..
PAGKATAPOS kong umiyak ay inaya niya akong umuwi at sa susunod nalang daw kami mamasyal dahil hindi daw maganda ang pakiramdam ko. Hindi naman ako pumayag at nagpumilit na ituloy ang date namin. Magiging busy na kasi kami pagdating ng ilang araw kaya susulitin ko na.
Puno ng tawanan at parehas kaming masaya nang umuwi ng araw na 'yon at masasabi kong sana ay ganito nalang kami palagi. Yung masaya lang at walang iniisip kundi ang isat isa.
Napangiti ako habang tinitingnan ang larawan namin na nakalagay sa picture frame dito sa kwarto ko. Kuha ito nang namasyal kami sa Park. Halos linggo linggo kaming namamasyal dahil 'yon lang ang araw ng day off namin. Apat na buwan narin kaming magkarelasyon at masasabi kong hindi nga ito perpekto. Nag aaway din kami kung minsan ngunit naayos naman agad.
"And girl sa loob ng apat na buwan, wala pang nangyayari sa inyo?" tanong ni Reycarl na katabi si, Gracie na kumakain ng mangga. Ngumiti naman siya sa'kin at kumindat.
"Ang hina pala ng boyfriend mo, kung ako baka ginapang na kita." Namula naman ako sa sinabi ni, Gracie. Sa loob ng apat na buwan kasi ay wala pang nangyayari sa'min. At kung meron man ay hindi ko ito sasabihin kahit kanino dahil masiyado itong pribado.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
