Chapter 11

236 19 5
                                        

LUCAS POV

Natatawang nakikinig ang apat kay, Yesha na nagkwe-wento tungkol sa kanina. Tiningnan naman ako ng apat at ngumisi sila at tiningnan ako.

"Eh, paano ba naman, Kuya Nathan, nagsusuklay ako ng buhok sa sala tapos bigla niyang ginulo ang  buhok ko ng paulit ulit. Tapos sa huli siya rin nagsuklay kasi nagalit ako." nakangusong sumbong siya kay Nathan na tatawa tawa at all ears na nakikinig sa kwento ni, Yesha.

"Tapos ano nang nangyari?" si, Ashter naman ang nagtanong.

"Ayun nga po, siya ang nagsuklay. Tapos kumain po ako ng cake, bigla nalang din po niya akong pinahiran ng cake tapos tatawa tawa siya." tumigil muna siya sa pagkwe-kwento at uminom ng juice. "Tapos alam niyo po ba? Bigla siyang natulala habang nakatingin sa'kin. Nagandahan siguro." sabi niya at bumungisngis silang Lima habang ako ay namumula.

Agad naman akong umiwas ng tingin dahil sa mga pang aasar nila. Natigilan rin ako ng sabihin niyang natulala ako kanina. Sinong hindi maganda siya at nakakatulala talaga.

"Natulala pala ah.." Natatawang saad ni, Nathan at binuntunan pa ng nang aasar na tawa. Samantalang ang tatlo naman ay ngingisi ngisi.

"Tapos po, ilang beses kopong pinahiran siya ng cake hindi man lang gumalaw kaya dinamihan kopo at napansin naman niya. Magmumura pa nga sana siya kung hindi ko lang siya sinabihan eh." Halata ang inis sa muka nito dahil hindi pa siya nakaka move on. Naligo siya ulit dahil ang lagkit daw ng icing.

"Anong sinabi mo?" takang tanong ni, Storm na himalang nagtanong.

"Sabi kopo 'Sige magmura ka, isasampal ko sayo 'tong buong cake!'" at ginaya pa niya boses niya kanina na galit. "Gagantihan pa nga niya sana ako kaso nagalit na ako at sinabi ko ulit na 'Sige, gumanti ka. Isasampal ko talaga sayo hindi lang itong cake kundi pati ang plato!' kaya ayun hinayaan niya akong lagyan siya ng icing sa buong muka at 'yun ang naabutan mo, Kuya Ashter."

Humagalpak naman ng tawa ang apat na pinangungunahan ni Ashter at Nathan. Maluha luha pa silang dalawa habang tinuturo ako. Hindi narin sila makapag salita dahil kapag sinusubukan nila ay natatawa ulit.

"Really? sinabi mo 'yun sa kaniya?" Tanong ni Theron na natatawa rin.

Tumango naman si Yesha, "Minsan nga po binabatukan ko 'yan eh."

Natawa ulit ang apat. Ang saya niyo ah.

"Ginawang skin care yung icing," nakangising tiningnan ako ng apat.

"Natakot kay, Yesha."

"Wala ka pala eh."

"Natanggal ang angas ni, Architect."

At nagsitawanan ulit sila habang ako ay namumula na sa hiya at inis. Tiningnan ko naman si, Yesha ng masama ngunit benelatan lang ako at tumawa. Nakita naman yun ng apat kaya mas lalo silang natawa.

-----

Two months, at bukas ay lilipat si, Yesha sa apartment na nahanap ni, Theron. Gusto ko mang pigilan ay wala akong magawa dahil disesyon niya iyon.

Kasalukuyan kong hinihintay si, Yesha dahil mamamasyal kami. Inaya ko siya dahil hindi pa siya nakakapasyal sa buong lugar dito.

"Let's go, Lucas!" excited siyang lumabas sa kwarto niya at natigilan naman ako ng makita ang ayos niya. She's wearing a simple croptop, and a loose high waist pants, terno din nito ang puting sapatos niya. Naka-bun ang buhok at baka light make up siya. Para siyang ibang tao ngayon. Ang ganda niya. "Lucas, natulala ka na naman sa beauty ko." nabalik ako sa sarili ko ng tinapik niya ang pisngi ko.

Tumikhim ako at umiling. "Let's go."

Inalalayan ko naman siya pagpasok sa kotse ko bago ako sumakay sa driver seat. Habang nagmamaneho ako ay nakatingin ako sa kaniya na nagce-cellphone at tatawa tawa.

To Love Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now