YESHA'S POV
"Sige na, anak, oh.." napasapo ako sa noo ko at problemadong napatingin kay papa.
Gusto niyang dito nalang kami manirahan ng anak ko, pero umayaw ako. Bukod sa may mga naiwan ako doon, ay nandito pa ang ama ng anak ko. Baka magkita ang dalawa at kunin niya sa 'kin ang anak ko.
"But, pa, paano 'yung restaurant ko do'n? Hindi naman sa ayaw ko, pero may mga naiwan kasi do'n, eh, at ang pag-aaral pa ng anak ko." mahinahon kong saad sa kaniya. Ayoko rin namang magtampo si papa, pero ayoko tala. Kahit na sabihing gusto ko siyang kasama ay nandito si Lucas at hinahanap ako.
"Bakit, anak? dahil ba sa ama ng anak mo?" gulat akong napatingin sa kaniya. Paano niya nalaman ang tungkol do'n? "narinig ko ang usapan niyo ni, Storma at 'wag kang mag-alala anak, hinding hindi ko hahayaan na makakalapit sila sa inyong mag-ina. Kung 'yon ang kinakatakot mo ay 'wag kang matakot dahil nandito si papa.."
"Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa anak ko?"
"Edi malaman niya! Pero wala siyang karapatan na lapitan kayo. Sa ginawa niya sayo, Yessa ay hinding hindi ko siya papalapitin sa inyo. I'm your father, and it's my duty to protect you." ngumiti ako at yumakap sa kaniya.
"Kakausapin kopo ang mga kaibigan ko do'n. Pagbibigyan ko kayo, papa, bahala na kung anong mangyari." parehas kaming natawa.
"REALLY?! dito na kayo titira?" masayang tanong ni, Tito Simon sa 'kin at pinanggigilan ang pisngi ng anak ko.
"Opo, Tito, si papa po kasi, eh.. ang pilit. Alam niya naman ang rason kung bakit ayaw kong tumira o bumalik dito, diba? Pero ayos narin 'to, Tito, hindi ko naman pwedeng ikulong at takasan lahat ng problema ko. Siguro ito na ang tamang oras para harapin ang problemang iniwan ko." saad ko sa at bumuntong hininga.
Tama narin siguro na dito na kami para may kasama rin si, papa rito. At totoo naman 'yun, hindi habang buhay na magtatago at tatakas ako sa problema ko. Kailangan ko itong harapin.
"Tama ka naman, iha, pero sino ba talagang ama ng anak mo?" tanong nito sa mahinang boses na tila sinisiguradong kaming dalawa lang ang makakarinig.
"Tito, ang totoo po niyan ay nakita ko siya nung na-ospital si papa. Aksedente lang po 'yon. Pero Tito, natatakot ako..paano kapag nalaman niya ang tungkol kay, Calsey? paano kapag kunin niya sa 'kin ang anak ko?" naghi-hestrikal kong tanong.
"Hindi niya makukuha ang anak mo, saka mona isipin 'yan. Ang importante ay magkakasama na tayo rito." tumango ako sa kaniya.
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis narin ito kaagad dahil gabi na habang ako naman ay nakatingin sa anak kong natutulog sa tabi ko. Gusto niyang katabi ako sa kama dahil hindi siya sanay dito. Nakayakap siya sa bewang nang mahigpit.
Ipipikit kona sana ang mata ko nang makarinig ako ng sigaw. Tila nagmamakaawa ito. Dahan dahan akong bumangon at sumilip sa bintana.
Ganun nalang ang gulat ko nang makita ang taong sumisigaw. Mukha itong lasing at pilit na kinakalampag ang gate habang ang tatlong kaibigan naman niya ay pinipigilan siya.
"Yesha! p-please..kausapin m-mo naman ako, oh..." nagsusumamong saad nito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nakikita ko siyang nagmamakaawa sa labas. Parang may kumurot sa dibdib ko. Gusto kong lumabas hindi para ipagtabuyan siya kundi ang yakapin. Agad kong pinigilan ang sarili ko. Hindi tama 'to.
"Yessa, anak.." napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng mahinang katok at ang pagtawag ni papa sa pangalan ko.
Agad akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni papa na alam kong alam niya ang nangyayari sa labas. Agad siyang naglakad pababa nang hagdan na agad ko namang sinundan.
YOU ARE READING
To Love Again (COMPLETED)
RomanceLucas Lavalle isang mapagmahal na anak at maasahang kaibigan. Masipag at higit sa lahat handang gawin ang lahat para sa kaisa isang babaeng minamahal niya na si Stelie Rose. Ngunit paano kung isang araw may malaman siyang balita na lubos na ikasisir...
