---
Bang! Bang! Bang!
Bang! Bang! Bang!
Ppangya ppangya ppangya
Bang! Bang! Bang!
Bang! Bang! Bang!
Ppangya ppangya ppangyaDa kkomjjak mara da kkomjjak ma
Da kkomjjak mara da kkomjjak ma
Oneul bam kkeutjang boja da kkeutjang bwa
Oneul bam kkeutjang boja
Ppangya ppangya ppangyaFull blast ang tugtog dito sa kwarto ko habang nakikipagtitigan ako sa kisame, as if mabibigyan ako ng sagot o solution nito sa mga nangyayari.
I've been here for three or four days? I'm not sure. Basta mula ng huli kaming magkausap ni Marky ay hindi na ako lumabas ng kwarto. I know na nag-aalala na sina Manang though kinakain ko naman 'yung mga pagkain na dinadala nila dito. Kahit si Mommy ay ilang beses ng tumawag pero pinapatayan ko lang siya ng phone.
Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong ilet go si Marky. Di ba kung mahal ninyo ang isa't isa dapat nandiyan ka sa tabi niya lalo sa mga panahon na nag-i-struggle siya? Pero this is what he asked for. Sabi niya ito ang tanging maitutulong ko sa kanya. He doesn't want me to get involved with his so called fvcked up life.
Naiintindihan ko siya pero at the same time hindi.
Tss.
Mababaliw na talaga ako. Bakit ba kasi nangyayari sa akin 'to? I should stop thinking about him, about us. Kasi kapag nagkataon sa mental na ang bagsak ko.
Ugh.
Naiinis na nagpagulong gulong ako sa kama. Muntikan pa akong mahulog buti na lang mabilis kong naituon ang kamay ko sa sahig. Pero sa halip na umayos ng higa ay nanatili lang ako sa ganong pwesto, nakalaylay ang kalahating katawan habang parang tangang naghahanap pa din ng sagot sa natatanga kong buhay, buhay pag-ibig.
Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng lagabog ng pinto. Ganunpaman ay hindi ako natinag para tingnan kung sino man ang pumasok.
"Oh my God!" Napairap ako dahil kahit sobrang lakas ng tugtog ay rinig ko pa din ang boses ni Madison. I should've known, sila lang naman ni Hayi ang makakaisip at may lakas ng loob na guluhin ako.
"What is this mess?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses ni Hayi.
Someone turned off the music player kaya patamad akong naupo sa kama. Napaangat ang isang sulok ng labi ko dahil sa reaction nila.
"Good morning girls!" Sarcastic kong bati sa kanila.
"Mag-i-evening na ho, Miss Umandap. Ano ga hong nangyari sa'yo? Ilang araw ka naming hindi makontak, ah. Tapos ganire ang maabutan namin dine. Aba, mukhang mabigat 'yan." Sabi ni Madison habang pinupulot ang mga kalat ko sa sahig.
"Pabayaan mo na ang mga 'yan.. Ako na ang bahalang maglinis niyan. Bumaba na kayo. Sunod ako." Pagtataboy ko sa kanila.
Umiling si Hayi habang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa noo.
"Medyo maputla ka pero mukhang wala ka namang sakit. Good. Maligo ka na para makaalis na kaagad tayo. Kami na ang bahalang mag-ayos dito."
"Ha? Bakit? San tayo punta?"
"Nauuhaw daw iyang si Hayi kaya lalabas tayo."
"Asus! Teka, papakuha ako kina Ate Isay ng juice."
"Tss. Tanga lang. Iba ang gusto ko. Dali na..."
"San nga kasi tayo pupunta?"
"Bar? Club? Mall? Doon sa may karendirya malapit sa uni? Anywhere."
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...