Chinito XXXIV

256 6 0
                                    

---

"Nice!" Masiglang sigaw ni Kuya Xerox.

Pang-ilang set na namin 'to. Tapos na rin ang solo photo session kanina. Nakailang palit na din ako dress. At ilang props na din ang nagamit namin tulad ng couch, dining table at isang malambot at makapal na carpet.

Ngayon ay magkatalikuran kami ni Marky at parehong nakaupo sa isang king size bed. Medyo magulo ang set. Nagkalat ang unan, comforter at ilang bote ng alak sa sahig. May nakasabit sa wall na dalawang painting na kung pagdidikitin ng maayos ay may mabubuong puso. Nasa kandungan ko ang isang bowl ng chips and fish crackers habang si Marky ay nakalaylay ang kamay na may hawak na isang bote ng beer. Pareho kaming nakayuko habang panay ang click at flash ng camera ni Kuya Xerox.

"Okay, magholding hands kayo habang ganyan pa din ang pwesto ninyo pero umisod kayo ng konte at sandalan ninyo ang likod ng isa't isa. Marky ibaba mo na 'yang bote na yan sa sahig. Hayaan mong matapon ang laman. Tapos abutin mo ang kamay ni babe." Marahas akong lumingon kay Kuya Xerox at sinamaan siya ng tingin. At kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para kuhanan kami ng sunod sunod na litrato. "Great! I love that glare! Go na! Maghawakan na kayo ng kamay at yumuko ka ulit Yen busangot. Hindi tayo matatapos ng maaga niyan." Naiinis na ako na ang umabot sa kamay ni Marky. Matapos ang ilang sandali ay inutusan niya kami na tumingala ng konti. Magkasandalan ang mga ulo namin at naiinis na napapikit ako.

"Okay, ngayon naman ay magharapan kayo. Lumuhod ka Yen paharap sa kanya 'tas ikaw naman Marky ay tumayo, itukod mo ang kanang tuhod mo sa kama at magbend ka ng konti para sakto lang ang taas niyo ni Yen. Put your right hand sa bewang niya! Much better if hahapitin mo siya ng konti palapit sa'yo." Lumingon ulit ako sa mahaderong machine na 'yon. Sinamaan ko siya ng tingin at isang ngisi ang isinukli niya. Kanina ko pa kasing napapansin na nananadya siya.

Tulad na lang kanina. Hindi ako pumayag na magsimula hangga't hindi ako naaayusan. Pero ang hudyong Xerox machine ay nantitrip lang pala kanina. Inutusan niya ang walang malay na si Leighkoh na sabihin sa akin na hindi na ako aayusan. At meron talagang make-up artist na nakastand by lang at nag-aantay ng signal from him. Tuwang tuwa lang talaga siya na nakikitang napipikon ako.

"Marky ilagay mo na!" Alanganing tumingin sa'kin si Marky na humihingi ng permiso sa pinapagawa sa kanya. Pero nakabusangot lang ako.

"C'mon Marky! Don't mind her deathly glare and just do what I say! We're all professionals here! Nasa kanya na 'yon kung puro lukot na mukha niya ang makuhanan ko!"

Nang hindi pa din kumilos si Marky ay naiinis na napabuntong hininga ako.

"Fine. Let's do this." Mukhang hindi niya inaaasahan ang sinabi ko pero agad din niya akong hinapit palapit sa kanyang dibdib. Hindi na ako nagtaka nang sunod sunod na nagflash ang camera.

"I'm sorry..." Bulong niya sa aking buhok. Medyo nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Simula kasi kanina ay hindi siya umiimik. Sinusunod niya lang ang lahat ng sinasabi ni Kuya Xerox.

"Let's just do all of his instructions para maaga tayong matapos." Nakairap na sagot ko sa kanya habang nakahilig pa din ang mukha ko sa dibdib niya.

"I'm sorry..." Ulit niya.

"Kulit mo. Yaan mo na nga sabi."

Naramdaman kong na-tensed ang katawan niya. Ramdam ko din ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

He was about to say something ng lumapit si Kuya Xerox. Humiwalay kaagad ako sa kanya.

"I love your facial expressions. Isang.. sa mata pa lang malalaman mong there are thousand of words na gustong sabihin at 'yung isa naman ay may inis pero may pagkalito. I like that but please pay attention, kahit konti lang. Halit na ang lalamunan ko kakasigaw na maglayo kayo pero hindi kayo kumikilos. Labag man sa loob ko ay kailangan muna nating putulin ang magic at ilabas kayong dalawa sa mundong ginawa ninyo. Priority muna ngayon ang shoot. Pwede pa din naman kayong mag-usap habang kinukuhanan ko kayo pero mamaya na. Kailangan kasing medyo ibahin ang pagkakaayos sa set kaya we'll be taking a break for 10 minutes. And I want you to sit sa magkabilang edge ng kama pagbalik ninyo! Then lay down para matantya ninyo ang layo ng mga ulo niyo sa isa't isa. It's up to you if gusto ninyong ilapag sa sahig ang mga paa ninyo or nakataas lang sa kama. Bahala na kayo kung saan kayo komportable basta ang gusto ko sa paghiga niyo magkatapat ang mukha niyo. So okay na? 10 minutes break lang." Then he left.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon