---
Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ako ng text galing kay Ate Xandee. Nakuha daw siya doon sa audition at ang good news daw ay ibang direktor na ang hahawak sa project na 'yun. Actually alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yun dahil ayon kay Xerox ay sisimulan na namin 'yung special project niya kasama ako pero hindi naman niya nabanggit kung kelan mismo 'yun. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong klaseng project ba 'yun basta tuwing nagtatanong ako sa kanya ay isang malaking break daw para sa'kin 'yun.
Ewan ko sa kanya. Ang gusto ko lang namang mangyari ay matapos na ang lahat ng 'to para balik normal na ulit ang buhay ko.
"Tulala sa isang tabi at hindi mapakali~~ating nakaraan minumuni-muni~~" kanta ni Yuan habang nag-s-sway ang mga katawan niya. Actually kanina pa kaming magkasama kaso hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kung ano sa ipad niya. Ngayon lang kami nagkasama ng matino tas deadma pa ako tapos ngayon naman ay kakantahan niya ang ganoon.
"Tss. 'Wag kang magulo diyan. Tapusin mo na lang kung ano mang ginagawa mo. 'Wag mo na akong pansinin." kunwang nagtatampo na nagpout ako.
"Asus! 'Wag na tampo.. Pasensya na, eto kasi.." sabay angat ng ipad niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano bang meron diyan?"
"Ah~ehe~ isang talented na actress." Lalo naman akong nacurious sa sinabi niya. Magtatanong sana ako kung ano 'yung sinasabi niya nang ilagay niya sa tenga ko ang earphone niya at pinakita sa'kin ang video na kanina pa niya pinapanood. Nanlaki ang ulo ko sa napapanood ko.
"Whatthe--"
"Kung hindi pa sinend ni Kuya Xerox ang video na 'yan hindi ko pa malalaman na magaling ka pa lang umarte.."
"Tss. Believe me, konting konti na lang mabubura ko na sa mundo ang Xerox machine na 'yan!" gigil na sabi ko sabay tanggal ng earphone sa'king tenga.
"Chill. You know what? You should be proud Yen. Kayang kaya mong mapataob ang mga actress wannabe na nagkalat ngayon sa tv."
"Shut up." Madiin kong utos sa kanya habang mabilis na pinindot ang delete tab pero bago ko pa mapindot ang YES ay naagaw na sa'kin ni Yuan ang ipad niya.
"Opps! Bawal mangi-alam ng ipad ng may ipad!"
"Pero mukha ko ang nandiyan kaya may karapatan akong burahin ang lintik na video na 'yan!" Nakangiting hinawakan niya ang mga balikat ko at tinitigan sa mga mata.
"Yen, I said chill.. It's just a video and an impressive one. Your acting was great kaya maging proud ka na lang.."
"You don't understand naman kasi.." nahihirapang sabi ko sa kanya.
"Anong hindi ko naiintindihan?" Inalis ko ang pagkahawak niya sa mga balikat ko bago ako tumayo.
"Hindi acting 'yun.. Didn't Xerox tell you na hindi naman ganon ang nasa script? I.. I.. "
"Eh ano naman kung hindi ganon ang nasa script? Eh di mas magaling ka kasi galing sa pus-- wait! Don't tell me.."
Tumango ako bago tumingala para pigilan ang pagpatak na naman ng mga luha ko.
"H-He was there.. I s-saw him.. He was looking at me.. Pero napapikit lang ako saglit, pagmulat ko wala na siya don sa pwesto niya.."
"Hindi kaya imagination mo lang 'yun? O kaya kamukha lang niya?"
"Hindi ako maaaring magkamali Yuan eh! I saw him that day.."
"Are you sure? Kuya Xerox told me that Xandee The Stalker--"
"Ate Xandee is not a stalker!"
"Yes, she is. I've witnessed how she threw herself to Kuya Xerox. She's crazy and scary. Avoid her kasi magugulo lang ang buhay mo ng dahil sa kanya." seryoso niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...