---
Tumatalon at kumakaway na pilit kong kinukuha ang pansin ng production staff sa may stage. Nangangailangan kasi ng tatlong fans ni Marky para makasama niya sa isang game.
Nasa isang taping kami ngayon ni Matilda ng isa sa pinakasikat na panggabing programa kada linggo. It is hosted by Mr. Lee Jin Hyung, a very well known and respected artist-producer in Korea. May pagkatalk show ang theme ng programa pero para kaming nasa isang party na ang lahat ay pwedeng uminom ng iba't ibang klaseng alak habang nasa taping. May participation din ang audience tulad namin. Sabi ng nakausap namin kanina sa pila may iba't ibang pakulo daw ang programa. Noong nakaraang mga linggo ay may nakajamming na fans ang guest. Mayroon din daw na nakasabayan sa hatawan ng sayawan. At ngayon naman ay parang dating game. Nakatago ang tatlong mapipiling fans habang nagtatanong si Marky. Parang katulad lang din ng mga dating game sa Pilipinas tuwing Valentines.
Kaya heto ako ngayon, ginagawa ang lahat para mapansin ng production staff at mapili para sa 'dating game'. Pero mukhang hindi kami bati ni tadhana ngayon kasi ni hindi man lang ako natapunan ng tingin nung babae. Napili na niya ang tatlong makakasama ni Marky. Ang sakit sa puso. Nanunulis ang nguso ko habang nagingilid na ang luha sa aking mga mata.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Matilda sa tabi ko. I don't really care if I look stupid right now. Magandang opportunity na sana kasi 'to tapos hindi ko pa nagawan ng paraan. Dapat ba nilakasan ko pa ang hiyaw ko? O dapat pa nagmala-macho dancer ako habang kumakanta mapansin lang ng staff na 'yun?
"Ay naku.." Narinig ko pang bulong niya bago siya umalis sa tabi ko. Naartehan na yata talaga sa inaasal ko. Bahala siya. Siya kaya ang tumayo sa lugar ko nang malaman niya ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis talaga ako.
Muntikan na akong magwala ng biglang may humila sa kamay ko. Hahambalusin ko na sana ng light stick na hawak ko pero inunahan na ako ng masamang tingin ni Matilda. May sinuot siya sa aking parang I.D. Nagtatakang tiningnan ko siya. Inirapan niya ako.
"Pinakiusapan ko 'yung isang participant. I asked her nicely to give you her slot. I told her that you flew all the way from the Philippines.."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pumayag siya ng ganon-ganon lang?"
Kibit balikat siyang sumagot sa akin. "I told her that you're a big fan of Marky and you're dying."
"What the fck Matilda! Why did you tell her that?" Nanggigil na bulong ko sa kanya.
"That's true though. You're the biggest fan of Marky. And yeah, you're dying.."
Binigyan ko siya ng masamang tingin saka ako naghanap ng kahoy sa paligid. Nang mapansing gawa sa kahoy ang inuupuan namin ay dali dali akong kumatok ng tatlong beses.
"Grabe. Totoo naman, ah. You are dying to talk to him. Kaya nga tayo nandito di ba? Ilang recordings at filmings na ba ang nilusob natin at umasang makakatyempo ka na makausap siya? Ilan, Yenny?"
Yeah, right. Ilan na nga ba? Mahigit sampu na ata. Pang-ilang araw na ba 'to? Bawat schedule ni Marky ay nandon kami ni Matilda. Sumusungkit ng pagkakataon pero laging hindi ubra. Napanis na kasi 'yung sinabi niyang kokontakin niya si master Yuan. Paasa talaga.
"Kung ako sa'yo mamaya na ako magmumuni-muni. Ms. Hannah is already looking for you. I told her the same thing so be a good girl and stop asking questions. And since you can't speak and understand korean that well I'll be the one who will translate everything." Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat. "And one more thing.. Ibahin mo timbre ng boses mo kapag sasagot ka mamaya sa game."
"Bakit na naman? Dami pang arte, oh."
"You have to be careful, madame. Kailangan malinis ang lahat. Kasi kung nakakalimutan mo po lahat ng efforts natin ay nauuwi lang sa wala tuwing nad-detect kaagad ni Marky ang presensya mo. Ang lakas ng radar pagdating sa'yo. May sa palos 'yang jowa mo. Ang hirap macorner. Kaya kung gusto mo talagang makasama at makausap ang chinito mo maging masunurin ka na lang, ha? Baka kapag nabosesan ka non malamang hindi ikaw ang pipiliin sa special date." Nginisian niya ako pagkatapos tapikin ng mahina ang aking mga pisngi. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa backstage habang ako naman ay wala ng nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...