Chinito IX

4.9K 60 10
                                    

---

After umalis ni Yuan ay isang oras pa akong nag-stay sa may bleachers. Kahit nagtext na si Chinito na hindi siya makakarating ay umasa pa rin ako na matutuloy kami. Pero dahil mag-aala singko na ay malungkot na tumayo ako at patamad na umalis sa lugar na ‘yun.

First monthsary namin tapos nga-nga! He promised pa naman na super maeenjoy naming ang araw na ‘to. Ipokrita din naman ako kung sasabihin kong hindi mabigat ang loob ko. But I can’t blame him din naman kasi mukhang importante naman ‘yung biglaan niyang commitment.

Haay.

Bawi na lang kami. Dapat siyang bumawi! Hehe.

Medyo magaan na ang loob ko habang patalon talon na naglalakad papunta sa Building Ni Gabriella kung nasaan ang locker ko. Kukuhanin ko kasi ang mga librong gagamitin ko sa pagrereview para sa exams next week.

Malapit na ako sa Building Ni Gabriella ng mapatingin ako sa babaeng mga dalawang metro ang layo sa’kin. Siya ‘yung maliit na cute na babae na kausap ni Madison nung makipag-away siya kina David. Napangiwi ako ng mapagmasdan ko ang itsura niya. Basang basa ang damit niya. At kahit hindi ko siya hawakan ay masasabi kong nanlalagkit siya. Waring natapunan siya ng kung ano. Hindi man halata ay hindi talaga ako pakialamera pero this time I can’t help but to ask her what happened. Papalampas na siya sa tapat ko ng harangan ko siya. Kinakabahang napalunok ako nang masama niya akong tingnan.

“U-Uhm.. What happened?”

“Tabi.” Malamig na sabi niya.

“Uy.. Concern lang ako.  May extra shirt ako sa locker. Bigay ko sa’yo..”

“I don’t give a d-amn kung concern ka! Pwede bang umalis ka sa daraanan ko!”

“N-No. Gusto ko lang naman makatulong. Ano bang nangyari?”

Inirapan niya ako bago sarcastic na nagsalita.

“Naglangoy ako sa isang pool ng orange juice. Oh ayan sinagot ko na! Layas na sa harapan ko dahil pinakaayaw ko sa lahat ay ‘yung pinapakialaman ako!”

“Gusto ko lang naman—“

“Leave me alone kung gusto mong makatulong! Lagkit na lagkit na ako dito at hindi nakakatulong ang pagdakdak mo diyan!” saka niya ako nilampasan. Naramdaman ko pa ang pagbangga ng balikat niya sa braso ko.

“Darn. Ang lagkit nga!” mahina kong bulong. Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang braso ko pero natigilan ako ng makarinig ako ng mahinang pagtawa. Kunot noong napalingon ako. Lalong nangunot ang noo ko nang wala namang akong makita na kahit sino sa paligid.

"Naykupo.. Wala namang ganyanan.." Nanlalamig na dahan dahan akong humakbang. "Waaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" napakaripas ako nang may tumawa na naman.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa locker area. Nakatuon ang dalawa kong mga kamay sa mga tuhod ko nang biglang may kumalabit sa'kin.

"Uwaaaaahhhhhh! Masamang espiritu lumayas ka! Mabait akong tao! Waaaaaahhh!" Nakaub-ob sa tuhod na panay ang sigaw ko.

"F*ck! What's wrong with you Manang?!"

"Waaaaahhh! Mumu nagmumura! Waaaaahhh! Lord! Help!"

"Manang! Hey!" naramdaman ko na lang ang pagsubsob ko. Two inches na lang at hahalik na ako sa semento. Walangyang multo 'to ah! Namimisikal! Teka... May multo bang ganun?

Dahan dahan akong lumingon at lalong napasigaw.

"Waaaaaaaaaaahhh! You?!" parang luka lukang itinuro ko pa ang pagmumukha ng taong nasa harapan ko. Inis na hinablot niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon