---
Matapos ang nangyari sa Ruhan Cafe ay balik ulit kami sa dati ni Marky. Pero tuluyan ng lumayo sa'kin si Mira. Nasasaktan at nanghihinayang ako sa mga taon na nasayang dahil sa mga nangyari. Magpaparaya naman ako kung sila naman talagang dalawa ang nagkakagustuhan eh. Tatanggapin ko 'yun pero hindi ganon eh. Nasira ang lahat dahil sa kagustuhan niyang mapasakanya si Marky. Pero minsan napapaisip ako kung ako ba ang naging selfish. Na dahil lang sa isang lalaki ay nawala ang pagkakaibigan namin ni Mira. Masakit na kada makikita niya ako ay matalim niya akong titingnan o kaya naman ay makikipagtawanan siya sa mga new friends niya. I missed her a lot. I missed my bestfriend. Pero anong gagawin ko? Ilang beses ko na ding sinubukan na lapitan siya at makipag-ayos pero she never gave me a chance.
Naagaw ang pansin ko mula sa pagtanaw kay Mira ng tumunog ang phone ko. Kunot noong inopen ko ang message.
From: 0923*******
Minsan akala natin tayo lang ang nasasaktan. Ang hindi natin alam mas nasasaktan sila.
Huh? Sino 'to? Eto din ang nagtext sa'kin nung nakaraan. Wala akong balak patulan ang message niya pero napapaisip ako. Imposibleng wrong sent siya dahil pangalawang beses na niyang nagtetext.
To: 0923*******
What do you mean? and who are you?
---
From: 0923*******
Kung anong inaakala niyang tama ay mali para sa'yo.
---
To: 0923*******
Sino ka ba? At ano ang mga pinagsasabi mo? Pwede bang 'wag ka ng magtext ng nonsense. ISTORBO.
Alam kong harsh ang pagkakatext ko pero nakakainis lang kasi. Haay! Kasalanan ko din naman dahil nagreply pa ako.
From: 0923*******
Magulo kasi ang mundo. Darating ang panahon, maiintindihan mo ang pang-iistorbo ko. :)
Haaay ewan. Hindi na lang ako nagreply kasi wala naman akong nakukuhang matinong sagot. Maaasar lang lalo ako. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at sa amoy pa lang niya ay alam kong si Marky 'yun. Agad akong ngumiti ng maluwang ng lingunin ko siya. Ang gwapo talaga niya lalo na't naka-civilian. Hindi kasi kami nag-uuniform kapag Wednesday. Kaya heto 1000x ang kagwapuhan ni Chinito.
"Sino'ng katext mo?" curious niyang tanong habang nakatingin sa phone na hawak ko. Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya.
"Maaari bang hindi mo alam, eh katext mo nga?"
"Hindi ko nga alam. Basta na lang nagtetext ng kung ano ano. Hindi na nga ako nagreply dahil naiinis lang ako sa mga texts niya." Tumango tango siya pero waring hindi naman naniniwala kaya inamba kong ibibigay sa kanya ang phone ko pero umiling siya at nakangiting ginulo ang buhok ko.
"Haist! Hindi nga sabi ako aso! Bakit ba favorite mong guluhin ang buhok ko?!"
"Oh? Asar ka na kaagad? Ang cute mo naman kasi, lalo na kapag umiirap ka."
"Ewan ko sa'yo. Feeling mo naman kikiligin ako." naiinis pa din na umirap ako sa kanya.
"Uy! Inulit! Gustong masabihan ulit na cute siya! HAHAHAHAHA"
"HA-HA-HA. Walang nakakatawa! Alis nga diyan!" Badtrip na tinabig ko siya para makadaan ako paalis sa bleacher. Pero lalo naman niyang pinag-igi ang pagharang sa'kin.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...