---
Karly was right. After twenty minutes ay personal na pumunta si Xerox sa dressing room para sunduin ako.
Nakasimangot na tumayo ako at pinameywangan siya.
"Oh? Don't tell me, may nagawa na naman akong hindi mo nagustuhan.." taas ang mga kamay na tanong niya.
Sarcastic ko siyang nginisian.
"Ehe~ Who's Mr. Kpop?"
"Oh, that. Well, actually surprise dapat 'yun. Pero mukhang Karlito was too excited to tell you about Jae Hyun. Right Karlito?" seryoso niyang baling kay Karly na mukhang guilty at biglang nagexcuse para lumabas ng kwarto. Huminga si Xerox ng malalim saka sumandal sa pader.
"So.. Why do I have to be paired with this Jae Hyun guy? Hindi naman sa nagpapakafeeling ako but I thought ako lang ang model mo. And I don't think I'll be comfortable workin--"
"You'll meet him later and I doubt kung magiging uncomfortable nga ang shoot ninyo.."
"Xerox.. I can't do it. I'm telling you--"
"Aissh! Don't you dare tell me that you're quitting.. I'm sorry if I didn't tell you about him. I was really busy these past few weeks and hindi ko naman naisip na big deal pala para sa'yo na may makakasama ka sa project na 'to."
"Of course it's a big deal! As I've said I won't be comfortable working with that Jae Hyun guy.."
"Yen, don't be like that. Ni hindi mo pa nga nakakaharap 'yung tao tapos jinujudge mo na."
"I'm not judging him!" naiinis na sagot ko sa kanya nang mapansin ko na suot ko pa din ang sneakers ko sa halip na 'yung sandals na inabot ni Karly sa'kin kanina. Patamad na nagsquat ako para magpalit.
"Yes you are! Paano mo nasabing hindi ka magiging komportable dun sa tao eh hindi pa nga kayo nagkakaharap? I'm telling you, he's a great guy and you'll enjoy his company."
"Fine, sabihin na nating tama ka dun.. but napakalaking BUT, paano ako makikipagcommunicate dun sa tao? Sign language? Interpreter? Or do I have to download a korean-english dictionary again? Jeez. Ansakit sa utak ah." at ang baliw na Xerox machine ay tinatawanan lang ako. "Huwag mo akong tawanan." saglit na inangat ko ang ulo ko para tingnan siya ng masama saka ko tinuloy ang pagpapalit ng sapatos.
"Alam mo, ikaw lang naman ang nagpapasakit sa utak mo. Don't worry hindi ka duduguin dun. Magaling siyang mag-english and fluent na fluent siyang magtagalog. I heard that he grew up here but because of personal reasons he decided to live in Korea and boom! Now, we will be working with the most in demand model actor Lee Jae Hyun."
Lee Jae Hyun...
Lee Jae Hyun...
Lee Jae Hyun...
San ko ba narinig ang pangalang 'yun?
OH SH-T! NO! THIS CAN'T BE!
"Oh, he's here. Jae Hyun-ah! Kumusta? Papakilala kita sa partner mo.."
"I'm good. Where's she?" Daig ko pa ang ibinaon sa kumpol ng yelo ng marinig ko ang boses na 'yun. Hindi ko na magawang iayos ang pagkakabit ng sandals ko dahil sa sobrang panginginig ng mga kamay ko. Gusto kong maglaho na parang bula. I don't think I'm ready to face him now. Yes, I still love him pero iba na ang sitwasyon at mahirap kalimutan ang mga nangyari sa Korea.
"Hey baby Yenny.." untag ni Xerox sa'kin.
"Baby Yenny?" bakas ang pagtataka sa boses nito.
"Ah~~ehe~ Ganyan lang talaga ako maglambing.. Sweet ko 'no?" Parang tangang sagot ni Xerox. Hindi ko mawari kung anong gusto niyang palabasin.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...