---
"Oh siya, hubad na." Bumilang ako hanggang sampu bago ako humarap ulit kay Marky na laglag ang panga.
"Joke!" nakapeace sign na sabi ko sa kanya. Unti unti niyang itinikom ang kanyang bibig. Nangunot ang kanyang noo pero maya maya lamang ay ngumisi siya at binigyan niya ako ng makatindig balahibo na eye smile. Bigla akong kinabahan. Kapag ganyan kasi siya ay malamang sa malamang ay may binabalak siyang hindi maganda.
"Joke? Nah.." hindi pa rin nawawala ang ngisi niya habang dahan dahan niyang itinataas ang kanyang damit. Napalunok ako sa dahilang hindi ko sigurado. Dahil ba hindi ko gusto ang sinasabi at ginagawa niya o dahil naeexcite ako sa aking makikita?
"H-Hoy! Ano'ng ginagawa mo?! Sinabi ng joke nga lang eh!"
"I won't take that as a joke, babe."
"Baliw! Ang lamig ng panahon oh! Tapos maghuhubad ka diyan! Bal--liw" wala na nahubad na niya. Buti na lang may sando pa.
"Tss. Ang baho kaya. Ang lansa! Nangangati ako!" nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"Ah ganon?!"
"Bakit? Ikaw na din naman ang nagsabi na ang gross ko, ah?" kunwaring nagulat pa ang kumag sa naging reaksiyon ko pero parang gusto kong himatayin nang makita kong hawak niya ang laylayan ng kanyang sando.
"Don't even try to do that.." kulang sa conviction na banta ko sa kanya. Pasimple kong iginala ang aking paningin sa paligid. At tama nga ang hinala ko.. Tulad lang laging nangyayari ay agaw eksena kami ni Chinito. Halos mahimatay na ang mga babae at binabae sa paligid dahil sa anticipation sa gagawin ng singkit na 'to.
"Do what?" patay malisya niyang tanong sa'kin habang unti unti ko ng nasisilayan ang abs niya.
"Sasapukin talaga kita kapag hindi ka pa tumigil diyan! Halos maglaway na sila oh!" sabay turo sa mga nakatingin sa'min. "Kung gusto mo talagang maging tayo dapat exclusive ka lang sa'kin! Hindi dapat nila makita 'yan! Ano sila ginagaling?! Hmp!" naiinis na napairap ako sa kanya habang siya naman ay mas lumapad ang ngisi.
"So, tayo na?"
"Hindi! Sila na! Sila na! Duh?!"
"Wala ng bawian, ah?"
"Ay ang kulit! Mukhang ayaw mo naman ata eh.. 'Wag na lang kaya!"
"Ikaw naman babe.. Halika nga at makayakap sa girlfriend ko!" aangal pa sana ako kaya lang naisip ko bakit ako aangal eh gusto ko din naman. Hahaha. Ang higpit ng yakap ng Chinito ko. Ramdam ko ang abs.. Wahahaha. Pede bang dito na lang ako matulog? Pero mukhang may kontra. Hindi pa man din umaabot ng isang minuto ang aming yakapan ay may naghiwalay na sa'ming dalawa.
What the?
Ang luwag ng daan, sa gitna pa namin ni Chinito rumampa?
"Wow! Padaan nga! Sakit sa mata ng kakesohan niyo eh!" Sino pa bang kontrabida sa'min? Mira.Pero sa halip na patulan namin ni Marky ay sabay na lang kami natawa at nagkibit balikat sa ginawa ni Mira. Nang marinig niya ang pagtawa namin ay isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa'min. Masaya pa din ako dahil kahit sa ganitong special na pangyayari sa'kin ay nandito at nasaksihan ni Mira. Maaaring galit siya pero para sa'kin siya pa din ang bestfriend ko.
"Tara na.. Let's enjoy our first date as boyfriend-girlfriend. Hahaha" pinag-intertwine niya ang mga daliri namin bago kami naglakad.
"Kaya tayo nasasabihan ng keso eh..HAHAHA"
"Eh bakit ba? Sa kinikilig ako sa'ting dalawa eh." nakatawang inalis niya ang kamay niya sa'kin bago ako inakbayan.
"Lande.."
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...