Chinito XLV

260 2 2
                                    


---

"Is it really necessary?" Bakas ang inis at pagtitimpi na tanong ni Matilda.

"Uh?" Naguguluhang nilingon ko siya. Matalim ang mga matang ininguso niya ang dress na suot niya. "Oh." Napakagat labi ako para mapigilang mapangisi. Binalik ko na lang ang tingin ko sa daan para hindi niya mapansin ang reactio ko.

"You know what? It's not funny." Mataray na saad niya.

"Wala naman akong sinabing funny, ah."

"Wala nga but that annoying smile says otherwise." Sinasabi na eh. Nakita pa din niya ang ngiti ko. Kagaling.

"Ay naku. We've talked about it already, di ba? I even called your chief to ask for his permission. He gladly told me that it's okay. Walang nalabag na rules, policy or whatever. Kaya please tigilan mo na ang pagrereklamo. Saka sabi ko naman di ba na ang awkward na may kasa-kasama akong lady in black na halata na binabantayan ako."

"That's my job."

"Pareho nating alam 'yun pero ayaw kong makaagaw ng pansin. Saka ano bang masama sa suot mo? It suits you. You're really pretty kaya."

"That's bullsht. Pwede namang mag-jeans at tshirt na lang pero talagang ganito pa ang pinasuot mo. Yen, sa klase ng trabaho ko malaking sagabal lang ang damit na ganito."

Inirapan ko siya. "Kaarte naman. There's nothing wrong with what you're wearing. Damit lang 'yan. Hindi ka maiinfect or magkakavirus, no. You can still protect me."

"Please understand that I'm not comfortable with it. Parang hinahangin ako. Grade school pa ata ako noong huli akong magsuot ng ganito."

"At least hindi naman pala ito ang first time." Balewalang balik ko sa kanya.

"Damn it. I wonder kung paano napagtitiisan nina Young Master 'yang kakulitan mo. Ang tigas ng ulo mo. Ansarap mong pilipitin sa leeg."

"Aw, sweet. Ako dapat ang tinatanong mo kung paano ko ba sila natitiis. I'm an angel kaya."

"Kilabutan ka naman. Angel my as$."

"Alam mo.. Kung hindi lang kita like kanina ko pang tinawagan ang chief mo dahil sa pagsagot sagot mo sa akin. Bargas ka din, eh."

"Tss. I'm not scared of him. Go on, call him. I'd rather be suspended than deal with this sht."

"Gahd. What's with you, Matilda? Mas stubborn ka pa kesa'kin. Damit lang 'yan. You're already wearing it. Just deal with it. Please."

"Kasi nga sinira mo ang uniform ko. Pilit mong ipinasuot ang lintik na sayang 'to dahil sa lintik na trip mo."

"Konti na lang talaga ma-ooffend na ako. Kapag ako talaga nainis I'm gonna ask Yuan for Chairman Nam's number. I'm gonna tell him that you are being rude. You are very impolite and you are hurting my feelings."

"Do it. As if naman na masasabi mo talaga 'yun kay Chairman Nam."

"Wow. Ako pa talaga hinamon mo. Okay, let's see then." Taas ang kilay na kinuha ko ang phone ko sa bag at dinial ang number ni Yuan. Ni loud speaker ko pa para alam ni Matilda na hindi ako nagbibiro. Sa pangatlong ring ay sinagot ni Yuan ang tawag.

"Yenny baby! What's up?"

"Hello Young Masterrrrrrr!" Pakanta kong kutya sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang mura niya. Purgang purga na siguro siya sa pagtawag sa kanya ng ganon.

"Tss. May problema ba?"

"Problema? Wala naman.. Pero may hihingin sana akong pabor.." Nakangising tiningnan ko si Matilda.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon