----
Tatlong magkakasunod na araw na pinupuntahan ako ni Karly dito sa bahay para makita ang laman ng closet ko. Lagi din siyang may dalang paper bags na naglalaman ng mga "mas napapanahon" daw na mga damit ayon kay Xerox machine. Pinagbubukod bukod niya ang mga pwedeng i-mix and match sa mga dala niyang damit at ang mga pwedeng i-donate.
Busy kami sa paglalagay ng mga idodonate na mga damit sa isang malaking bag ng kumatok si Ate Isay. Nasa baba daw si Clone. Iiwan ko sana si Karly sa room ko pero umayaw siya dahil hindi daw siya comfortable na magstay sa kwarto ng may kwarto ng mag-isa. Makikipagtsikahan na lang muna daw siya kina manang sa kitchen habang lumalafang.
Speaking of Clone, mula noong malaman kong siya ay si I-hate-fvckin-ants rapper ay nag-iba na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi naman 'yung masasabing sanggang dikit kami or super close na kami pero malaking malaki na ang improvement namin though minsan nakakatikim pa din ang ng panunupla niya. Kapag magkakasama kami ng OT11 at amazona duo ay may mga pagkakataon na bigla na lang irarap ni Clone 'yung favorite ko tapos wala na akong magagawa kundi mapapa-facepalm habang malutong na mapapatawa na pinagtataka naman nila. Dahil alam naman nila na allergic kami sa isa't isa dati tapos wala namang punchline na binibitawan si Clone para mautas ako kakatawa. Naku, kung alam lang nila. Hahaha.
Pagbaba namin ay malanding kumaway si Karly kay Clone bago dumeretso sa kitchen. Nakangusong lumapit ako sa seryosong binata.
"Hyung!!!" Yes, I'm calling him hyung. Di ba nga fan niya ako. Once kasi inasar asar ko siya sa pagtawag ng oppa. Nakatikim lang naman ako ng pitik sa noo at sermon kesyo tigil-tigilan ko daw sa kaka-oppa kung ayaw kong ma-OPPA-kan. Kaya ayun.. Hyung na lang daw since I'm one of the boys naman daw. Sa arte kong 'to? Pero okay na din kesa mapurga ako kakatawag ng Clone sa kanya. "What brought you here? Pinapakuha ako ni Xerox machine?"
Umiling siya. "You have to go with me." At walang pakundangan niya akong hinila papunta sa kotse niya.
"Hala! Paano si Karly? Nag-aayos pa kam--"
"Malaki na si Karlito. Text mo na lang mas mahalaga 'to kesa sa closet mo." Tamo mo 'tong taong 'to manang mana kay Xerox kung maka-Karlito. Mga walang galang sa damdamin ng isang Karly.
"Pero--"
"No buts. Sumunod ka na lang sa sinasabi ko." walang ngiting pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Walang choice na sumakay ako at nagseatbelt habang hinihintay siyang makasakay at paandarin ang sasakyan niya.
"Don't tell me ide-date mo ako.." biro ko sa kanya. Nakakakaba naman kasi ang pagiging seryoso ng mukha niya.
"Tsk. Iba talaga takbo ng utak mo. Usong kilabutan." supalpal niya sa'kin.
"Tsk ka din. Para nagj-joke lang, eh. Masyadong seryoso." Kinunutan lang niya ako ng noo. "Tss. Laging nakakunot-noo, salubong ang kilay, di marunong mag-smile. Tss. Malas ng magiging girlfriend mo. Ma-e-stress sa'yo." Asar na inirapan ko siya.
"Is that so?" Saglit niya akong nilingon na parang nagtataka. Medyo nanunulis ang nguso at salubong ang mga kilay. Nagpapacute ba 'tong lalaking 'to? Narinig ko ang ngisi niya. "But my girlfriend's really happy and always giddy everytime we're together."
"Say what? You have a girlfriend?!"
"Bakit parang gulat na gulat ka? Is it impossible for me to have a girlfriend?"
"May jowaer ka talaga? Seryoso? Talagang talaga?"
"Yen, nakakainsulto ka na, ah. Isa pang tanong at bubungian kita."
Napatikom naman kagad ako ng bibig ko. Ayoko ko ngang mabungal ng di oras.
"Err-- okay, eh di may girlfriend ka nga. Hindi naman kita iniinsulto eh. Nagulat lang talaga ako."
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...