Chinito XLIX

169 5 4
                                    


---

Pahinga muna kami ni Matilda sa pagsunod kay Marky. He's in Japan to support and attend the special screening of his friend's movie. I heard that he'll stay there for a week.

I decided to just stay here in Korea. Masasayang lang naman ang pamasahe at effort ko dahil siguradong bantay sarado siya ng kanyang manager. At mainit pa ang ulo sa akin non kaya lalayo muna ako kahit ilang araw lang.

Tamang tama naman na nag-aya si Yuan na pumunta kami sa Daegu. May vacation house sila doon. Gusto niyang makapag-unwind kaming lahat bago muling sumabak sa pagiging abala. Na-excite kami ni Madison lalo nang malaman namin na tren ang sasakyan namin papunta doon. Saka kami-kami lang talagang magkakaibigan ang pupunta. No bodyguards. No butler. No helpers. Pinilit ko si Matilda na sumama pero mas mapilit siya na magstay sa Seoul. May inuutos daw sa kanya ang superior niya and at the same time importanteng makontak at makausap daw niya ang pinsan niyang si Kiko na nasa Pilipinas ngayon. Hindi ko na siya kinulit. Baka tarayan lang ako ng bonggang bongga ng malditang 'yun eh.

Sa loob nang ilang araw na nasa Daegu kami wala kaming ginawa kundi maglibot, kumain, magkatuwaan, magswimming at magmovie marathon. Sinubukan din namin magbusking. Naggigitara si David, keyboard kay Yuan tapos si Dandreb ang kakanta. Tapos nagb-beatbox si Clone habang nagpi-freestyle dancing naman si Hoony. Kami ni Madison? Tagatili saka tagakuha ng videos at pictures.

Infairness naman, andaming nanood sa kanila at nagbigay ng pera. Dinagdagan namin ang nalikom naming halaga mula sa pagba-busking para makabili ng munting mga regalo para sa mga batang nasa isang children's hospital.

Ang sarap sa feeling na makita ang mga ngiti ng mga bata. Alam naming hindi biro ang pinagdadaanan nila kaya naman kahit ang isang simpleng ngiti ay napakalaking bagay na sa amin. Hanga din kami sa tatag at pagiging positive nila. They're really inspiring. And I'm really thankful that we got to meet them.

Masyado kaming nag-enjoy kaya naman ang dapat na apat na araw na bakasyon ay umabot nang sampu. But I got a call from Matilda. Nagtatanong siya kung may balak pa daw ba ako na bumalik. Si Marky kasi ay nakauwi na three days ago. Ayaw ko pa nga sanang bumalik pero sinabi niyang nagawan niya ng paraan para maka-extra kami sa movie na ginagawa ni Marky kahit bilang parte ng crowd lang. Dapat daw bukas nang maagang maaga ay nasa location na kami. Nag-ayos kaagad kami ng gamit para makabalik na kami sa Seoul kahit alanganin na sa oras.

Kaya naman heto kami ngayon ni Matilda. Daig pa namin ang nakikipagkarera sa bilis ng kanyang pagmamaneho. She's saying something but I'm not paying attention bacause I'm still sleepy. Anong oras na kami nakauwi kagabi. Pagod at puyat ang kalaban ko ngayon.

Napamulagat ako nang iaabot niya sa'kin ang isang maliit na bote. Parang ganito 'yung pinainom sa'kin nang magkahang over ako noon. Kaso hindi naman ako uminom kagabi. Pero sa halip na magtanong at magreklamo ay walang tanong tanong na nilagok ko kaagad ang binigay niya. Hindi naman niya siguro ako lalasunin kaya tiwala na lang.

"Thanks." Mahina kong pasasalamat sa kanya.

"You can take a nap. We still have an hour before we reach the location. I'll just wake you up later."

"Thanks ulit." Mahina kong anas bago hinayaan ang sariling lamunin ng antok.

"Matilda naman.. May balak ka pang magkape?! It's already eight thirty! We're gonna be late to his shooting! Akala ko ba eextra tayo don?! Anong petsa na, oh! Baka hindi tayo mapasali don!" Naghihimutok na angal ko nang lumiko siya papunta sa isang café. Iritable niya akong nilingon.

"Nakailang ulit ako sa'yo kanina ng mga infos about the shoot. Hindi ka pala nakikinig."

"Alam mong puyat ako! Huwag mo akong masisi-sisi dyan, ah. Ikaw 'tong nakipaghuntahan pa kanina don sa nadaanan nating tent sa halip na magmadali tayo papunta sa location tapos may kumaway lang sa'yo gusto mo nang magkape?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon