Chinito II

11.9K 113 26
                                    


----

"Hello? Chinito.."

"I miss you babe.." malandi at malayong sagot niya sa paghello ko.

" 'Wag kang ganyan baka bigla akong magcollapse dito sa hall way walang sasalo sa'kin." maluwang ang pagkakangiti ko. Sinisimangutan naman ako ng mga nakakasalubong ko dahil alam nilang si Chinito ang kausap ko. Mga bitter!

"Kunwari ka pa eh gustong gus-- Hall way? Where are you? Di ba sabi ko sabay tayong papasok?"

 "Ah-- kasi nagtext si Harold. Nagkaproble--"

"Harold? Who's Harold? Are you cheating on me Ms. Umandap?" Patay! Siguradong nakakunot na ang noo niya. Seloso much?

 "Ha? Ano? Of course not! Harold's my groupmate sa isang major ko. Nagkaproblema daw dun sa mga files ng project namin. Kailangang maayos 'yun kasi sa isang araw na ang submission non."

"Really huh? Make sure na 'yung files niyo ang aayusin niyo ah. Lumayo layo ka sa Harold na 'yan."

"Ewan ko sa'yo. Sa itsura kong 'to may magkakainteres pa ba? Buti ka nga hindi pa nauuntog eh."

"Babe.. Why do you keep on degrading yourself?! I won't be too paranoid here if hindi ako natatakot na may magkakainteres sa'yong ibang lalaki! Akin ka lang babe, akin." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Yen? Still there?" untag niya sa aking pananahimik.

Ano ba? Pwede bang magpagulong gulong ako sa kilig dito?

"Hey, okay ka lang ba?"

Pwede ba akong manapak ng kung sinong estudyante dito para mapigilan ang pagtalon ng puso ko?

"Babe 'pag hindi ka pa nagsalita diyan I'll go there kahit nakaboxers lang ako." Boxers? Waaaaaaaaaaaahhh.. Sige sige! Este..

"Chinito.."

"What happened? Bakit hindi ka nagsasalita kanina?" Halata ang pag-aalala sa boses niya.

"Ang puso ko.."

"Ha? Nasaang building ka ba?"

"Sa Building Ni Juan. Bakit?"

"Wait for me. I'll be there in five minutes. Huwag kang aalis."

"Ha? 'Wag na. Nagmamadali din kas--"

TOOT TOOT TOOT

Hala! Bakit niya pinutol? Baka makapunta nga siya ng nakaboxers lang dito. Magkakagulo ang sangkatauhan 'pag nagkataon. Na-misunderstood yata ni Marky 'yung sinabi ko eh. Nanghihina na napasandal na lang ako sa may pader. Napakagat ako sa kanang hinlalaki ko dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Binibigyan naman ako ng kakaibang tingin ng mga naglalapasang estudyante, 'yung iba naman ay nagparinig pa.

"Anong problema niya?"

"Baka nakipagbreak na si Marky."

"Buti nga sa kanya. Hindi naman sila bagay. Mas hamak naman na malaki ang ganda ko sa kanya."

Sinamaan ko ng tingin ang mga mahaderang nagsalita. Kung hinahambalos ko kaya ang pagmumukha nila. Akala mo naman ay maladiyosa kung makapagsalita eh para naman silang payaso sa kapal ng crayola sa mukha nila. Hmp! Break daw? Paano naman kami magbebreak eh ni hindi pa naman kami ni Chinito. Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng magkaaminan kami pero nasa courting stage pa rin kami. Medyo naiinip na nga ako eh. HAHAHA. Joke lang. Ginusto ko 'to eh. Mahirap ng mapaso sa isang padalos dalos na pakikipagrelasyon. Ineenjoy lang namin ang company ng isa't isa. Parang formality na rin lang naman ang kulang para masabing kami nga. Kasi ba naman tumataginting na BABE ang tawag niya sa'kin. Kaya nga akala nila kami na. Tapos nagkaroon din ako ng mga followers. Oh di ba? Umiinstagram at tumitwitter lang ang peg ko pero hindi dahil like nila ako kundi para mapadalhan ng kung anu-anong bitterness sa pagiging malapit ko kay Chinito. Naiinis ako dahil alam ko namang walang mali sa'kin, sa utak nila meron.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon