Chinito XXXVII

240 5 0
                                    


---

Nagulat na lang kami ng muntikan ng matumba si Madison. Nanginginig siya at nangingilid ang mga luha.

"Uy! Ano'ng nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni David habang nakakaalalay dito.

Nabitiwan ni Madison ang phone niya kaya pahapyaw na nakita namin ang nakabukas niyang fb account. Habang naguguluhan ang lahat ay pasimple pala siyang nag-open at pinatulan ang mga sinabi ni Hayi.

"H-How could you? B-Bakit, Hayi?" iyak ni Madison.

"Ano ka ba naman kasi! Bakit nag-open ka ng fb? Bakit nagpadala ka sa mga sinabi ni Hayi?" inis na sermon ni David dito.

Kinuha ni Clone ang phone at binasa ang nakalagay doon. "Tss. Don't worry ako na ang bahala para mawala ang kasinungalingang ito."

"P-Pero.."

"David iuwi mo na kaya muna si Madison? Sabay mo na din si Sanja. Masyado na silang nai-stress dito eh. Kami na muna ang bahala dito." mungkahi ni Yuan. Mabilis na sumang-ayon si David.

"Mabuti pa nga. Baka lalo lang maburyong ang utak namin dito kung may idadagdag pang kalokohan 'yang si Hayi. Baka naman paggising niyan, matino na 'yan. Sanja sumama ka muna sa amin for now. Don't worry, they'll call you if ever may balita na. Ikaw naman Madison, tahan na. Para 'yun lang eh. It's just a baseless rumor. Cheer up!"

"H-Hindi niyo kasi naiintindihan."

"Girl, amazona ka.. Matapang! Kaya 'wag kang mag-aalala dahil hindi kami maniniwala don." pag-aalo ko sa kanya. Nawala kasi ang palaban na amazona na kilala ko ng dahil lang sa kung ano mang rumor na 'yon. Actually si Madison at Clone pa lang ang nakakabasa dahil alam naming nonsense kung papatulan pa.

"P-Paano.."

"Paano pala kung totoo lahat ng nakalagay don? Na si Madison ay parang ako na isang balat kayo? Ka-si-nu-nga-li-ngan lang? Matatanggap ninyo ba siya? Hahawakan ng walang pandidiri? Hindi huhusgahan?" matamis ang ngiti na sabat ni Hayi.

"Fvck. Gising ka pa?" - Clone

"Sarap makinig sa kadramahan ninyo eh. Sige nga bigyan ninyo ako ng mala miss universe na sagot sa mga tanong ko? Kunwari si Madison ang nagtanong. Nahihirapan kasi siyang magtanong eh."

"Damn it Hayi! Tumahimik ka na! Itulog mo na 'yan bago ka tuluyang mabaliw! Sinasabi mong pumatay ka tapos ngayon sasabihin mong nakakadiring babae si Madison! Wake up! Hindi ka na bata! Tama na ang laro! Hindi tayo naglalaro. Hindi tayo nababahay- bahayan! Totoong nasa kulungan ka! Nakakulong ka! May taong nag-aagaw ang buhay at tanging ikaw lang ang makakatulong para maituro ang gumawa non! Kaya please... We are your friends.. Trust us. We will protect you. 'Wag kang matakot.. Hayi.." hindi ko na napigilang sumabog. Pero ang nakuha kong sagot?

"Bravo! Bravo! Magnifico! Mag-artista ka na lang Yen.. Hahahaha." parang batang palakpak ni Hayi.

"Magseryoso ka naman. Please. Magkakaibigan tayo di ba? Kailangan nating magtulungan. 'Yung abogado mo parating na. Kaya umayos ka naman.."

"Gusto ninyo seryoso? Okay. Makinig kayong mabuti kasi hindi ko na 'to uulitin. Una, ako ang bumaril kay Dandreb at sa tatay niya and I hope they're dead now-."

"Pvtangina mo! Tumigil ka na dahil baka ako pa ang makapatay sa'yo!"

"Aw. I'm scared." Nakangising sabi ni Hayi kay Yuan.

"Hayi, please..." Pakiusap ni Sanja. Sinulyapan lang siya ni Hayi bago nagsalita ulit.

"Pangalawa, ako ang nagpakalat ng katotohanan tungkol kay Madison. And so far, I'm enjoying her reaction.. Pangatlo..." ikiniling niya ang ulo niya ay ngumisi sa'kin. "...actually Yen, meron akong alam na hindi mo alam na hindi mo na malalaman kung hindi niya sa'yo papaalam pero feeling ko may konti ka ng alam. Hahahahaa."

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon