Chinito XII

3.1K 26 8
                                    

---

With Mira...

With Mira...

With Mira...

Ilang beses akong napakurap bago kunot noong nakipagtitigan kay Ate Aya.

"Come again?"

"Yenny, you heard me right. He was with Mira a while ago. And they looked like... lovers having a fight. Well, I'm not really sure pero base na nakita ko.. you know.. Balita ko hindi na kayo best of friends ni Mira and dahil 'yon kay Marky. Tapos nakita ko sila na magkasama kanina." binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin bago nagsalita muli. "Uhh.. Fishy."

"Imposible 'yan ate. Nakausap ko kanina si Marky. He's busy-"

"Busy with Mira! Yenny.. He's cheating on you."

"Hindi nga kasi ate-"

"I saw Marky, too." seryosong sabat ni Yuan. "Di ba Gerodd? We saw him.."

"H-Ha?" nabibiglang napaupo ng deretso si Gerodd. Hindi ako sure pero parang pinanlakihan ito ng mata ni Yuan. Napakagat labi muna ito bago alanganing sumagot. "Yeah, nakita namin siya. M-May kasama siyang babae. Hindi ko lang alam kung 'yung Mira ba yun.." tumingin ulit ito kay Yuan ng makahulugan.

"See Yenny? You don't deserve someone like him.."

"Ate naman.. Hindi ganon si Marky." Oo malaki ang tiwala ko kay Chinito pero bakit parang gusto kong umiyak. Mali na agad akong magreact at humusga sa kanya. Napayuko ako habang tumititig sa phone ko. Naiiyak na ako pero parang bumalik ang luha ko nang huminga ng malalim at magsalita si Yuan.

"Ang bestfriend mo ba Yen ay malaki ang tanda sayo., I mean, nasa early 40s na..? If yes.. Cool yun ah! Ngayon lang ako nakaencounter ng ganun."

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Ewan ko lang ah. Hindi naman malabo ang mata ko. Pero parang nanay na niya yung kasama niya eh. Yun ba yung Mira? Ipagpapalit ka ni Marky sa isang sugar mommy? Interesting."

"Hey! Hey! What parang nanay are you talking about? Alam ko kung anong nakita ko. I saw Mira with Marky.." giit ni ate.

"Ate ni Yen.. Alam ko din ang nakita ko. Siguro nagkamali ka lang. Kapag sa malayo kasi ay mukang bagets ung kasama ni Marky. Saka dalawa kami ni Gerodd ang nakakita. Ano 'yun parehong malabo mata namin?"

"I have a name. Aya. Aissh! So anong pinapalabas niyo? Sinisiraan ko lang ang Marky na manloloko na 'yun? Gosh! I'm not blind! And bakit ba kayo nakikisali?"

"Aya.. Marami kang hindi alam. If I were you hindi ako basta magsasalita ng mga bagay na wala namang magandang idudulot. You have no idea kung paano nasasaktan ang mga tao sa paligid mo. Just zip your mouth dahil tulad ng sinabi ko wala kang alam. Wala." saka patamad na tumayo si Yuan habang ako ay hindi makaimik. "Dude, let's go. Yen.. Una na kami." Tinanguan ko lang siya habang si ate naman ay parang naiinis na natameme na lang. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya si Yuan. Nakapamulsang naglakad ito habang parang naguguluhang bumubulong sa kanya si Gerodd.

"Don't tell me mas maniniwala ka sa lalaking 'yun? Yenny.. Bakit ko naman sisiraan si Marky? Kilala mo ako.."

"I know.. Pero hindi din naman siguro gagawa ng kwento si Yuan di ba?"

"So ako.. capable magsinungaling, ganon? Aishh! Fine." Padabog siyang tumayo at kinuha 'yung mga paper bags sa isang upuan pero bago siya umalis ay walang emosyon siyang nagsalita. "Maybe I'm a bitch pero hindi ako sinungaling."

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon