---
Nagising ako sa lakas ng tunog ng phone ko. Mabigat ang ulo na pilit ko itong kinakapa sa bedside table. Napamura ako ng makita kung sino ang caller.
Xerox.
Sapo ang ulo na sumulyap ako sa kulay blue na wall clock. Six thirty palang naman ng umaga, ah.
Bwisit na sinagot ko ang tawag ng machine na yon.
"What?" Masungit na bungad ko sa kanya.
"Remind ko lang na alas nueve dapat nandito ka na, miss. Bawal malate. Bawal hindi umattend. Wala akong pakialam kung may hang over ka o wala. Ang mahalaga lang sa akin ay matapos na 'tong project na 'to para lahat tayo ay mahakahinga na ng maluwag. 'Kay? Basta nine am sharp! Inuulit ko, bawal malate." Kunot ang noong napatitig ako sa phone ko. Was that Kuya Xerox? Bakit ang sungit? Basta na lang pinutol ang linya ni hindi man lang nagbabye. I mean, yeah, I know may kasalanan ako kasi nagtatago ako these past few days but he's not like that. Kahit gaano ako kapasaway ay nakuha ko na din naman ang kiliti niya. Ngayon na lang ulit niya ako nasungitan. Aburido siya at parang badtrip na badtrip siya. Hindi ko lang sigurado kung sa akin o sa mundo.
Ugh.
Inis na dumapa ako at pumikit. Gusto ko pa sanang tumulog ulit pero mukhang hindi na ulit ako makakatulog. Lutang pa man din ang pakiramdam ko. Bwisit na Xerox 'yun. Epal talaga.
Teka paano niya nalaman na nakainom ako kagabi?
Iinot inot na umupo ako para sumandal sa headboard. Napakunot ang noo ko kasi parang may mali.
"Ayayay!" Sapo ang dibdib na hiyaw ko. "Lintik ka naman Yuan! Kailan ka pa dito? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok dito?" I asked him hysterically. Lalong sumakit ulo ko. Nanatili siyang nakasandal sa pader sa kaliwang bahagi ng kwarto. He just rolled his eyes at me. "I'm asking you mister!!!"
He closed his eyes while shaking his head. "Matapos mong pagsamantalahan ang kabaitan ko.. Sasabihin mong wala kang maalala?" Madramang sinapo niya ang kanyang dibdib. "Ang sakit." Inis na binato ko siya ng unan pero nailagan niya.
"Yuan naman kasi, eh! Ano nga?! Bakit ka nandito?"
"So, you don't really remember anything, huh? Tsk! Tsk! Tsk! Too bad, last night was really... incredible. Thanks to you and those amazons!"
"W-what? What happened?"
He just smirked. Nagngingitngit ang loob na tinakbo ko ang distansya naming dalawa at kinuwelyuhan ko siya.
"Yuan ka! Sagutin mo ako ng ayos! What happened last night?! Sumagot ka!" He covered his nose at ngiwi ang mukha na umiwas ng tingin sa'kin.
"Uhh--Yenny.. No offense pero mukhang mas mabuting magshower ka muna.. I'll tell you everything later."
"Bakit hindi pa ngayon? I want to know everything right NOW!" Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at inayos ang nagusot na damit niya. Lukot ang mukha na tinapunan niya ako ng tingin.
"Alam mo..." Saglit pa siyang nag-isip kung itutuloy ang sasabihin niya pero sa huli ay tinuloy din niya. "...ang baho mo. Kagabi pa 'yang amoy mo, eh. Maligo ka muna. Pwede?" Malumay pero may diin na sabi niya sakin. Wow ha. Ang hard! Kunot ang noo ko na inamoy ang sarili ko. Pati hininga ko inamoy ko.
Opps.
"See? Bakit kasi pinaligo mo ang suka mo kagabi?"
"Ha?! I did that?! Seriously?! Eew!!" Nakangiwing tili ko. Lalong nagtibukan ang sentido ko dahil sa pagsigaw ko.
Tiningnan ako ni Yuan na parang hindi niya alam kung maaasar o maaawa siya sa'kin.
"Sht. No offense ulit, ha? Pero ang tanga mo. Pati ba common sense naisuka mo? Tss. Maligo ka na nga dun. Umaasngaw ka na, eh. Seryoso." Umayos siya ng upo at pumikit. Pero pinitik ko siya sa ilong.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...