A/N: FIRST OF ALL, I'm sorry sa supppppeeeerrrrr late update. Honestly, matagal ng nakasave 'tong chapter na 'to pero hindi ko magawang i-publish. Gusto ko kasi sana sunod sunod na ang update kapag pinost ko 'to. Pero.. Ewan.. Haha Sana magsilbi itong motivation para sipagin ako at ang utak ko. Haha.Teka...
May nagbabasa pa naman siguro ng istoryang 'to, no? Hehe
---
Nakatulala lamang ako sa kanya habang kumakanta siya. Maaaring hindi siya kasinggaling ng ibang mga aktor na pumapasok sa larangan ng pagkanta pero may kakaibang kilabot ang hatid ng kanyang boses. Nandon ang emosyon. Nandon ang koneksyon.
Malakas ang kalabog ng aking dibdib habang nakatitig ako sa mga mata niyang nakatingin sa'kin ngayon. I smiled at him but he diverted his gaze as if he was not looking at me seconds ago. Ramdam ko ang sakit na parang kinurot ang puso ko sa ginawa niya.
"Yen, we need to leave. Matatapos na ang performance niya at aalis kaagad siya pagkatapos. 'Yung mga bagong MC na ang magpapatuloy ng program ngayon." Bulong sa akin ni Matilda.
"H-Ha?"
"I just heard from these girls beside me that they already recorded the intro and the interviews earlier. This stage is pre-recorded too. They will broadcast his performance on the second half of the program. Marky's leaving immediately. Kaya kailangan na nating abangan siya sa parking lot bago pa matapos ang kanta niya. Baka magkasalisi na naman kayo."
Isang sulyap ang ibinigay kong muli sa stage bago ako tumango kay Matilda at sumunod na palabas.
Mabilis niyang itunuro kung saan nakapark ang van ni Marky. At tulad nga ng sinabi ni Matilda, natanawan ko agad ang grupo ng mga staff ni Marky na nakaalalay sa kanya makalipas ang mahigit kumulang kinse minutos. Mukhang humirit ng joke ay manager niya dahil nagtatawanan sila maliban kay Marky.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong lumapit sa kanila.
"Marky..."
Gulat na napatingin siya sa akin habang natigil sa pagkukulitan ang mga staff niya.
"Can we talk?"
Humarang ang manager niya sa daraanan ko pero mabilis na umaksyon si Matilda at mahinahon na nakipag-usap dito. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para mas makalapit kay Marky na pasakay na ng van. Mabilis kong hinawakan ang kanang kamay niya at hinila siya.
"Kahit sandali lang, please?"
He looked around. Pasimple din niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. Patay malisya naman ang mga staff niya sa loob ng van na itinuloy lang ang pagkukuwentuhan. Matiim niya akong tiningnan bago siya huminga ng malalim.
"What do you want?" Walang lambing pero hindi rin malamig ang pagkakatanong niya sa akin. Kaswal. Kaswal lang.
"I want us to talk."
"Okay, talk." Naninikip ang dibdib ko sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin pero kailangan kong balewalain 'to. Mas mahalaga ko siyang makausap ngayon.
"K-Kung pwede sana mag-usap tayo privately?" Tiningnan niya ang relong pambisig niya at tamad na tumunghay sa akin.
"I'm sorry but I can't. If you have something to tell me just tell it now."
"Bakit ganyan ka?"
"What?" Kunot ang noong tanong niya.
"Why are you acting like that? Kilala mo pa naman ako hindi ba?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Of course I still know you. Teka nga, para saan ba talaga 'tong pag-uusap na 'to? Gusto mo ba ng autograph? Free merchadis-"
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...