---
Napakurap ako ng ilang beses bago masama ang tinging sumulyap sa taong pumitik sa noo ko.
Tsk.
"Ano? Itatagay na ba natin 'yan?" hindi ko malaman kung seryoso o nang-aasar si Yuan habang nakatitig sa'kin.
"Ha?" Sasagot sana si Yuan pero sumingit si Madison na inabutan ako ng isang box ng tissue.
"Masyado gang nakakaiyak ang kanta ni Hayi? O may naalala ka laang dahil sa kanta niya?"
"Ha? Ano ang sinasabi mo?" Sa halip na sagutin ako ng dalawa ay tinuro nila ang pisngi ko. Parang tanga naman na sinalat ko ang aking mukha. Napakunot ang noo ko nang maramdaman na basa ito. Umiyak pala ako ng hindi ko namamalayan.
Aisssh! Nakakahiya!
"Oh 'wag kang magpanic diyan! Siguro naman this is the right time para maihinga mo lahat ng bigat diyan sa dibdib mo.. May alam akong bar.. "
Aangal sana ako pero mabilis na lumabas si Hayi galing sa stage ay hinablot ang box ng tissue na nasa kandungan ko.
"Watta great idea! I think lahat tayo ay kailangang makapagrelax from all the bullsh*ts na nangyari.." may iritasyon sa boses ni Hayi habang panay ang kuskos sa mukha upang matanggal ang make-up na nasa mukha nito.
"Teka.. Hindi ba masyado pang maaga para magbar tayo. Ni hindi pa nga nagdidilim oh!" kontra ko sa kanila.
"So what? Mas maganda nga 'yon. Mukhang mahaba habangkwentuhan ang magaganap kaya huwag ka ng kumontra diyan." salag naman ni Yuan.
"So.. Tara na bago pa makaisip ng bagong kalokohan ang baliw na Margaux na 'yon!" excited at nagmamadali na yaya ni Madison. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanila. 1 vs 3 ba naman. Talong talo ako.
Umalis na kami sa backstage at mabilis na tinungo ang parking lot kung nasaan nakaparada ang kotse ni Yuan.
Malapit na kami doon nang bigla namang lumutang si David kasama ang mga alipores nito.
"Ugh! Kamalas!" mahinang anas ni Madison.
"Seems like hindi masaya si Madison the Amazon na makita ako ah! Tsk! Huwag namang ganon! Nakakahurt ka naman ng feelings.." Sapo ang dibdib na umarteng nasasaktan na saad ni David na sinabayan naman ng tawanan ng mga kasama nitong feeling gangster.
Inirapan lang naman ang mga ito ni Madison saka bumaling kay Yuan.
"Hoy ikaw! Di ga isa ka sa kanila? Sabihan mo ngang umalis sa harapan ko at naalibadbaran ako sa pagmumukha nila lalo na diyan kay Gu Jun Pyo wannabe!"
Natatawang pinagcross ni Yuan ang kanyang mga braso at sasagot sana nang magsalita si David.
"Yuan pakisabi sa amazonang 'yan na ano ang karapatan niyang maalibadbaran sa mukha kong 'to? Dito?!" sabay turo sa mukha niya. "Sa napakagwapo kong mukhang ito?! Aba'y masyado na atang below the belt 'yan! Wala pang babae ang nagsasabi ng ganyan sa'kin.."
"Yuan pakisabi diyan sa feeling na 'yan na pwes ngayon alam na niya na nakakabadtrip ang mukha niya!" Mataray na sagot ni Madison.
'Yung totoo?! Bakit hindi nalang sila mag-usap dalawa hindi 'yung lahat kami nakatunganga sa kanila. Pasimple kaming nagkatinginan ni Hayi. Parehong pigil mapatawa at baka kami ang pagbalingan ng amazona. Biglang naglaho ang pagkaaliw sa itsura nito nang may dumating na panibagong grupo ng mga lalaki.
Sina Dandreb. Masayang nagbatian ang mga lalaki sa aming harapan.
Mabilis ko silang binilang at nagtaka ako ng kulang ng dalawa. Para namang sagot sa tanong ng may humintong Ducati at mayabang na bumaba si Bobby na angkas noon habang patamad naman na hinubad ni Clone ang helmet niya. Kunot noong tinanguan niya ang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...