Chinito XLIII

321 1 0
                                    

---

Medyo lutang pa din ako kahit lulan na kami ng private plane nina David. Katabi ko ang tulog na si Madison. Napagod ata dahil sa maya't maya niyang pag-irap sa akin kanina. Nahihiya ako at natatawa sa mga nangyari kaya maya't maya ko din siyang niyayakap.

Bago kami umalis ng Amazons' Territory, ang cafe na pinagsikapan naming itayo ni Madison, ay tinawagan ko muna sina Kuya Xerox para makiusap na sila muna ang bahalang magmanage ng cafe. Buti na lang malakas ako sa kanila kaya napapayag ko. Bukas pa nga lang sila luluwas pa-Tagaytay since may tinatapos pa silang trabaho sa Manila. Panay nga ang talak ni Kuya Sean. Bakit daw ba kasi sa Tagaytay pa namin naisipang magnegosyo? Tinawanan ko na lang ang reklamo niya.

Nainlove kasi agad ako sa lugar ng minsang madaanan namin ng barkada noong nagpunta kami sa Tagaytay para maggolf. Tanaw kasi ang Taal lake at ang ilang maliliit na isla na katabi ng bulkan. Unang tingin ko pa lang ay alam kong papatok ang isang cafe sa lugar na 'yun. Kahit hindi turista ay siguradong mahihikayat para uminom ng kape at chill lang na nakatanaw sa malapainting na view. Hinikayat ko si Madison na magsosyo kami since hindi naman nalalayo sa mga kursong tinapos namin ang naturang negosyo.

"Yen..." Untag sa'kin ni David.

"Oh?" Mukhang kanina pa siyang nasa tabi ko pero dahil lutang nga ako ay hindi ko man lang namalayan.

"Sabi ko pwedeng palit muna tayo ng upuan? I have something to discuss with Madison."

"Ha?" Nilingon ko ang katabi ko. Her eyes are closed habang nakasandal sa may bintana. "Can't you see? She's sleeping. Mamaya mo na lang sabihin ang sasabihin mo kapag nagising na siya."

"Tss." He grabbed my wrist. He was about to pull me up when Madison suddenly stopped him.

"David, please. Not now." Nanghihinang pakiusap ng kaibigan ko.

"No." Inis na napahilamos si David. "We need to talk about it now. I'm sure na as soon as makarating tayo ng Seoul hindi na kita makakausap ng matino and we both know na we need to-"

"Fine. Fine. Tss." Naiiritang umayos ng upo si Madison bago pinagkrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

Nakakaintindi na kusa na akong tumayo at lumipat ng pwesto. Hindi na ako nagtanong kung anong pinag-uusapan nila. Issue nila 'yun. Saka nalang ako makikialam kapag handa na si Madison pag-usapan kung ano mang meron sa kanila ni David though naiintriga talaga ako sa kanila.

Dahan dahan akong naupo sa tabi ni Clone na busy sa kanyang ballpen at maliit na notebook. I'm pretty sure that he's writing a new song.

I leaned on his shoulder then snatched his pen.

"Fvck!" Gulat na mura niya. Mukhang ready na siyang manuntok ng lumingon siya sa'kin. Pero dahil ako ang mapangahas na umistorbo sa kanya tanging marahas na pagbuntong hininga na lang ang nagawa niya.

"Peace." Nakangising nagpeace sign pa ako. Inabot ko ulit sa kanya ang pen. Sinulyapan ko ang notebook niya pero mabilis niyang naisarado. "What's that? New song?"

He shrugged his shoulders. He closed his eyes for a while then siya naman ang humilig sa balikat ko. I know, he's trying his best to look okay. Kung tahimik siya noon at masungit mas dumoble ata nitong nakaraan mga linggo though kapag ako ang kasama niya nakikita ko na sinusubukan niyang maging makulit.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at ilang beses na mahinang tinapik.

"You can tell me whatever's bothering you, hyung."

"Masakit lang ulo ko." Mahinang rason niya.

"Kuh.."

"Oo nga. I've been writing and composing this new song for weeks but heck! Hindi ko matapos tapos. May kulang." Mabagal na sagot niya.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon