Chinito XXI

1.3K 31 11
                                    


---

Dahan dahan kong ginalaw galaw ang leeg ko habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkalat sa campus. Lahat sila ay pawang masasaya dahil opisyal ng natapos ang school year na ito. Mahaba habang bakasyon din ang matatamasa ko.

Haay.

Sa wakas kahit papaano ay hindi ko na muna makikita ang pagmumukha ng OT11. Bawas stress din lalo na nga at maraming nangyari sa loob ng mga linggong lumipas mula noong University Week. Kung alam ninyo lang kung paano nagkagulo dito dahil sa pagdating ng girlfriend ni David. Baliw din pala talaga ang lalaking 'yun. May girlfriend pala sa Amerika tapos kung makaasta kay Madison ay akala mo'y pag-aari niya. Naaawa nga ako kay Madison eh kahit mukhang hindi naman siya affected.

Si Hayi naman, parang nagkakamabutihan na sila ni Dandreb though hindi naman daw "sila". Ewan ko parang ang weird lang ng feeling ko. Para bang may mali.. O malikot lang talaga ang imagination ko.

Si Yuan naman, hindi ko na masyadong nakakasama. Lagi siyang nagt-text o tumatawag pero hindi na kami nagkakasama tulad ng dati. May mahalaga daw siyang inaasikaso which is naiintindihan ko naman.

"Nandito ka lang pala."

Tumingin ako sa lalaking nakatayo mga ilang dipa ang layo mula sa'kin. Hanggang ngayon ay nalilito pa din ako kung sino ba si Xerox o Clone sa magkapatid na na Garcia. Pero dahil sa malaking boses nito ay napagtanto kong si Clone ang kasama ko ngayon. 'Wag ninyong isipin na close kami o ayos na kami. Hindi na lang namin inungkat ang nangyari dun sa bar. Hahaba lang kasi ng hahaba. Civil lang ang pakikitungo namin sa isa't isa. Tulad ngayon na for sure nautusan na naman 'to ng kuya niya na "kuhanin" ako.

Speaking of Xerox, tinutoo niya ang sinabi niyang magpapakita siya sa'kin after ten days. Though nagpakita lang talaga. Hindi siya lumapit o nakipag-usap sa'kin. Akala ko nga pinagt-tripan niya lang ako. Pero nagulat na lang ako ng araw na 'yun ng lumapit sa'kin si Clone at sinabing pinapakuha ako ng magaling niyang Kuya Xerox. Ayaw ko pa ngang sumama pero pinakausap niya sa'kin si Topher sa phone na nagpapaalala na may deal kami. Kaya ayun, labag man sa loob ko ay sumama ako dito. Pero wala naman akong ginawa noon kundi ang manood ng photoshoot sa studio niya.

Nakilala ko na din si Kuya Yuri. Mabait siya pero laging nakatopless palibhasa ay nagsusumigaw ang abs at magandang katawan nito. Ang kapintasan niya lang ay hindi siya katangkaran compare kina Clone at Xerox pero di hamak na mas mabait at approachable siya kesa mga kapatid.

"Stop staring. Busy akong tao kaya tumayo ka na diyan dahil naaaksaya ang oras ko." cold niyang sabi. Basta na lang niya akong tinalikuran. Gigil na inambaan ko ng suntok ang likod niya.

"Feel free na suntukin ako kung 'yun ang magpapaluwag ng dibdib mo." D-amn. Naramdaman niya 'yun? May mata ba siya sa likod? "Stupid." sabay tapik nito sa pintuang salamin. Ay tanga! Malamang kita ang repleksyon ko dun!

Gigil na napasunod na lang ako sa kanya. Walang imikan na tinalunton namin ang daan papunta sa parking lot kung nasaan ang bike niya. Patapon na hinagis niya sa'kin ang pink na helmet na ilang beses ko na ding nagamit. Kahit kailan talaga ay balasubas ang Clone na 'to. Sarap itapon sa Mars eh! Buti nga natutunan ko na ang art of deadma. 'Wag ng patulan kung alam mong walang patutunguhan.

Mabilis siyang nakasakay sa bike niya. Nakairap at walang pakialam na umangkas ako kahit pa nasa kalagitnaan siya ng pagpapaingay ng sasakyan niya. Hindi pa ako nakakaupo ng ayos ng bigla niyang pinaharurot ito.

"Lintek ka talaga!" gigil na bulong ko habang mahigpit na nakakapit sa likuran ng bike. Simula't sapul ay hindi ako kumakapit sa katawan ni Clone. Baka isipin pa niya na tsinatsansingan ko sya!

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon