---
Dinala niya ako sa isang overlooking na lugar sa Rizal. Madilim na at walang kahit isang poste man lang kaya binuhay nalang ni Yuan ang headlights ng kotse niya para magkaroon ng liwanag. Saka ko lang napagmasdan mabuti ang lugar kung saan kami naroroon. Nanlaki ang aking mga mata at nanlamig ako bigla nang marealize kung nasaan kami.
"Y-Yuan.."
"Oh?" sagot niya habang may kinukuha sa compartment ng kotse niya.
"A-alis tayo d-dito. Ayaw ko dito."
Nagtataka namang sinulyapan niya ako. Lumapit siya sa'kin na may dala dalang jacket. Inabot niya sa'kin 'yun.
"Suotin mo. Gabi na. Malamig." hindi ko tinanggap 'yun at umaktong sasakay sa kotse niya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.
"Hey, what's wrong?"
"Ayoko dito. Kahit saan na lang."
"Ano bang problema? This is my sacred place. I'm always here whenever I feel down. We're safe here. Walang rebelde dito."
"I-It's not that.."
"Oh? Eh ano ang pinagkakaganyan mo?"
"Eh- Kasi di ba dito nagsuicide 'yung anak ng isang business tycoon? B-Baka magmulto 'yun dito.." nawala ang pagkakunot ng noo niya at malakas na tumawa.
"Yen, matakot ka sa buhay. Saka pinablessing ng tatay nung nagsuicide ang place na 'to. Kaya 'wag kang matakot. Madalas ako dito at wala pa namang nagpapakita o nagpaparamdam na multo sa'kin." Nakapout na tumango na lang ako at naglakad palapit sa isang bench na nakalagay dun. Naramdaman kong pinatong niya sa mga balikat ko 'yung jacket bago naupo din sa bench, mga tatlong dangkal ang layo sa'kin.
"Ako ang nagdala nito dito." tinapik tapik pa niya ang aming inuupuan. "Suki na kasi ako dito kaya I decided to bring this here. Comfortable at makakapagrelax pa ako ng mabuti di ba?"
"Kanina, sabi mo ito ang lugar na pinupuntahan mo kapag down ka..tas suki ka dito.. meaning lagi kang problemado?"
"Uhh--yeah. Family, friends and heart problems." nakatitig sa maliwanag na city na sagot niya sa'kin.
"Ah.." wala akong ibang maisip na sabihin.
"Eugene Bryan Nam." bigla niya sinabi habang hindi pa din tumitingin sa'kin. Kunot noong humarap ako sa kanya.
"Ha? Sino 'yun?" Inalis niya ang tingin sa city at humarap din siya sa'kin. Ngumiti siya ng sincere saka naglahad ng kamay.
"Ako."
"Oh-- Nam? You're not using Perey.."
"Simply because bastardo ako."
"Hey! Don't say that!"
"Why not? Totoo naman eh.. Anak ako sa labas. Bali-baligtarin man ang mundo isa pa din akong bastardo." binaba na niya ang nakalahad niyang kamay nang hindi ko inabot 'yun dahil nagulat ako sa sinabi niya. Mapait niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Napansin ko din na umigting ang kanyang panga. Hinawakan ko ang mga kamay niya para mapakalma siya.
"Tanggap ko naman eh. My mom was my father's fiancee.. but for some reasons they didn't end up with each other. He married Tita Alyanna instead. Mom decided to go back to Korea kung saan talaga ang lugar niya. Doon niya nalaman na buntis pala siya. She wanted to tell my father about it but she hesitated. She didn't want to ruin his new family kaya ayun.. Pinalaki niya akong mag-isa. Noong bata pa ako, I kept on asking her about my father but she never said anything until one day, that day na nawala ako sa isang amusement park sa Seoul.." Huminga muna siya ng malalim. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magkwento.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...