----
Hindi pa din ako makapaniwala habang nakatitig sa mga lalaking walang pakundangang umiindak at kumakanta sa stage. Halos himatayin ako dahil sa pagsway nila ng mga puwet nila. At ang walang katapusang pagpapacute.
WHAT IN THE WORLD IS HAPPENING?
THIS IS SO CRINGEWORTHY.
CLONE
YUAN
HOONIE
DANDREB
DAVID
Ang maaangas na miyembro ng OT11. Ang mga lalaking akala mo ay nakakain ng swag at lumalaklak ng ka-cool-an ay nandon. Sinisira ang kanilang reputasyon sa pagpapacute. Buti na lang wala ang ibang members ng OT11 dito kundi tuluyan na akong mawawalan ng bait.
Napahawak ako sa noo ko nang matapos ang kanta. Unti-unti kong nadigest ang nasaksihan ko. Naka-aegyo pose pa din sila habang tahimik ang buong paligid.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Nangibabaw ang malakas kong tawa nang tuluyan ko ng marealize at maabsorb ang mga nangyari. Muntikan ng malaglag ang lima dahil sa gulat sa tawa ko. Napatingin sila, pati na ang mga audience sa second floor kung nasan ako. Nakasmirk si Clone. Nanlaki naman ang mga mata nina Yuan nang makilala ako. Halos mapahagalpak na naman ako nang makita kong halos mamutla sila. Kinuha ko ang phone ni Kuya Zico at winagayway. Pigil ang tawa na sumigaw ako.
"Binuhay ninyo ang katawang lupa ko!" Nagtawanan na din ang mga manonood. At malakas na nagpalakpakan at nagsigawan. Cheering for those dorks.
After nilang magpasalamat at magbow ay mabilis umakyat sa second floor ang lima at kinuyog ako.
"What the fck are you doing here?" Gigil na bulong ni Yuan sa tenga ko habang pasakal akong niyayakap mula sa likuran.
Mabilis din na nahablot ni David ang phone na hawak-hawak ko at kinalikot.
"Damn! You know that I don't hurt girls, right?" Gigil na tanong niya habang pinapakita ang phone na nangangailangan ng password.
"Well, as far as I can remember... You're always hurting Madison so..." Sabay kibit balikat ko habang kumakalas mula sa yakap ni Yuan at naupo sa tabi ni Kuya Zico. "I don't really care if you'll hurt me or what. And besides hindi ko naman kayo kinuhanan, eh. Promise! Tamaan man ng kidlat at mangisay ako now na! Di ba kuya Zico?" Baling ko sa nagpipigil ng ngiti na pinsan ko. Totoo naman kasi na hindi ako ang nagvideo sa kanila.
Tumango ang magaling kong pinsan. Nandon pa din ang pigil na ngiti. "Yeah. Mamatay man kaming dalawa. Hindi niya kayo kinuhanan ng video. Excuse me.." Tumayo siya at tinuro ang mga tao sa baba. "Parang nakita ko sina V at Rap Monster. I'll be back." Mabilis siyang tumayo at lumayo. Pero hindi pa siya nakakalapit sa may hagdanan ng halos maglupasay na siya. Bago pa makalapit sina P.O ay mabilis na siyang nakatayo at bumaba. Pero sa halip na bumalik sina Ryu at P.O sa table nin ay bumaba din sila.
"What's wrong with Zico?"nagtatakang tanong ni Dandreb.
"Kunwari lang nakita nun sina V pero chicks siguro ang nakita niya. Damot. Magsosolo ang mga 'yun." Hula ni Hoonie na lumalaklak ng beer.
"Hoy Yen! Tinatanong kita kanina.. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Tanong ni Yuan habang inaabot sa akin ang phone na hawak kanina ni David.
"Ay, don't ask me. Tanungin ninyo 'yang si hyung!" Turo ko kay Clone. "Nananahimik ako sa bahay ng biglang sumulpot at kinaladkad ako dito. Pero.. Thank you hyung ah. Nakakasuka ang pagpapacute ninyo. Sayang wala sina Hayi at Madison." Masama ang tingin na bumaling ang apat kay Clone at kinuyog siya.
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...