---"Pang-ilang ulit mo na bang pinapanood 'yan? Hindi ka pa ba nauumay sa mukha niyan? Aba oy! Move on move on din!" Bulong ni Madison sa aking tenga. Kahit nasa likod ko siya ay nababakas ang pagkairita sa kanyang boses.
Sapo ang dibdib na nilingon ko siya. I glared at her when I noticed the disgust in her face. It's really obvious that she's not happy with what I'm doing. She has been like this since last year. She was supportive at first but as months passed by and there was no Marky showing up, she told me to forget him. Inaaksaya ko lang daw ang oras ko para sa taong hindi naman deserving. Kung hindi ko lang siya kilala iisipin kong may HD siya kay Marky. Pero alam ko naman na concern lang talaga siya. Siya ang napapagod pa sa'kin. Siya naiinis para sa akin lalo na kapag may mga nalilink na babae kay Marky. Ayaw niyang nakikitang naa-upset ako ng dahil sa mga rumors about him.
She flicked her tongue and sat beside me. She wrapped her arms around my shoulders when I was about to move away from her.
"I wish Hayi was here para may kasama akong mantutuktok sa super tigas mong ulo." Nakasimangot pa din niyang daing.
"So sweet... Heh! Tigilan mo ako, ah! If she was here she's gonna make kunsinti this love hangover unlike you na laging nakakontra." Binelatan ko siya kaya nakangusong itinulak niya ako.
Tumatawang umayos lang ako ng upo at tinutok ulit ang mga mata ko sa screen.
Napapalatak na naman siya pero maya maya lamang ay nauubusan ng pasensya na nagsalita na ulit siya.
"You know what? I think we need to do something about that love hangover of yours."
"Ano na naman? You're gonna drag me again to those bars and music festivals para may makapagpamove on sa akin? Gahd Madison! We already tried that for a millionth time but nothing happened. Lasing pa din ako sa kanyang pagmamahal." Lalong nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"Iw talaga sa mga terms. Sorry friend but I need to say this again... You. Are. So-"
"Pathetic." Dugtong ko sasabihin niya. Paano ba naman araw araw na niyang sinasabi sa akin 'yun. "I already know that. Eh, anong magagawa ko? Nagmamahal lang."
"Kadiri ka talaga sa kakornihan. Gising na friend. Hindi ka na babalikan ng chinitong 'yun. It's been two years since your accident pero ano? Nilamon na ng Korea ang pangakong babalikan ka niya."
"Tss. Ang nega mo talaga! Wala ka namang alam sa mga ginagawa niya doon!" Nakairap na bulyaw ko sa kanya. Nakatawang binulyawan niya ako pabalik.
"Bakit ikaw ga may alam?! Puro balita laang sa mga projects niya ang napapanood mo pero behind the camera? Ni wala ka namang idea. Kuh... Tigilan mo na 'yan! Kaloka ka! Bumabalik tuloy ang batanguenia accent ko. Ini-stress mo dila ko."
Naiinis na natatawang hinila ko buhok niya.
"Aw! Masakit, ah! Tsk! Pero 'di nga friend? Wala ka talagang balak na magmove on?"
Umiling ako.
"Hindi ka pa din nauumay? Kasi ako umay na umay na!"
Nakairap na inilingan ko siya.
"Kahit parang kinalimutan kana niya?"
Umiling ulit ako.
"Talagang talaga?"
"Hindi ako magmomove on! Alam ko mga pinagdaan niya! And I know that he loves me. Di ba nga ayaw pa nga niya akong iwanan non kundi lang siya pinilit nina mommy."
"Tsk. Noon 'yun! I doubt it if he still feels the same-"
Kagat ang labi na tinapakan ko ang paa niya!
BINABASA MO ANG
Chinito: Love Hangover
RomanceMahal mo siya. Mahal ka niya. Iniwan ka niya. Hinabol mo siya. Bibitaw ka na. Magpaparamdam siya. Aasa ka. Itutulak ka niya. Isip mo'y ayaw na. Pero puso mo'y naghihintay pa. Nakakaloka di ba? Nalasing ka hindi sa serbesa kundi sa nakakalito at wala...