Chinito XVIII

1.8K 31 11
                                    

A/N: I'm sorry if it took so long bago ako makapag-update.. Actually medyo asar ako kasi I've already started this chapter weeks ago.. But unfortunately sa hinaba-haba ng nagawa ko hindi pala nasave.. Engot lang.. :) Kaya eto.... Anyway.. Baka maguluhan kayo dito.. Eh kasi naman hindi ako fluent sa Korean or should I say hindi naman talaga ako marunong magKorean kaya English na lang ang ginamit ko sa convo ng mga Koreans dito.. So ayun.. Again I'm sorry and pakiclick na lang ang video para mapanood niyo si Haying kumanta.. THANKS!

---

Matapos naming mag-usap ni Yuan ay hinatid niya ako sa bahay para makapag-impake ako ng mga gamit ko. Babalikan na lang daw niya ako after an hour para maihatid sa airport.

Pinaghalo-halong excitement, takot, saya, kaba at pag-aalinlangan ang nararamdaman ko. Ngayon lang ulit kami magkakaharap ni Marky after we broke up. Sana lang maging maganda ang kalalabasan ng pagpunta ko dun. Dinaig pa ang nagkakarerahang milyon milyong mga daga ang tambol ng aking dibdib. Pero I need to be brave enough para harapin si Marky. It's now or never.

Tulad ng sinabi ni Yuan, dumating siya saktong isang oras. Habang nasa biyahe kami ay panay ang bilin at pagpapalakas niya ng loob ko.

"Yen, baka naman pagbalik mo dito hindi na ako makakalapit sa'yo dahil gwardyado ka na ng Chinito mo.. Wag ganon! Pag-uumpugin ko kayo at sasabihan ko si Mira na multuhin ka!"

"Huwag kang kabahan! Fighting!"

"Ibili mo ako pasalubong ah!"

"Baka naman hindi ka bumalik dito.. At magpakasal ka na kay Marky don.. Ambata mo pa! Nag-aaral ka pa! Hindi pa ako ready na maging ninong!"

BLAH BLAH BLAH

Naririnig ko ang mga sinasabi niya pero hindi ko magawang patulan at tawanan ang mga pinagsasabi niya. Lutang na ang utak ko sa sobrang kaba. Ni hindi na nga ako nakapagpasalamat at nakapagpaalam ng maayos sa kanya sa airport. Namalayan ko na lang na nasa Incheon International Airport na ako.

Oh Korea!

----

Pagkarating sa hotel ay dinaig ko pa ang isang VIP na pinaghandaan ng mga staff ang pagdating ko. Sumalubong ang general manager at mainit akong winelcome. Napapakamot na lang sa ulo na nginitian ko sila at pinasalamatan. Masyado naman atang bongga ang pinabook ni Yuan. Malaki siguro ang baya--. Napatigil ako sa paglalakad ng bumungad sa'kin ang malaking portrait ng pamilya ng sa tingin ko'y may-ari ng hotel.

Darn it!

Paano ko nga ba nakalimutan?

NAM ROYAL HOTEL

NAM TAEYUN.

YUAN.

Napapailing na lang na nakipagtitigan ako partikular na mukha na may pilyong ngiti sa labi. Nakangiting pinukaw ako ng GM para sabihing ihahatid na niya ako sa magiging room ko.

Dahil gabi na din ay nagdesisyon akong bukas na lang simulan ang pakikipagharap kay Marky. Pagod na din kasi talaga ako at may jet lag pa. Kailangan kong magrecharge ng energy para bukas.

---

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pupungat pungat na naupo ako mula sa pagkakahiga at biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansing wala ako sa kwarto ko sa bahay namin. Mabilis na tinakbo ko ang veranda. Natanaw ko ang maganda at malawak na siyudad. Napabuga ako ng hangin ng tuluyan ng mag-sink in sa akin na nasa Seoul, Korea nga pala ako. At automatic na napabalik ako sa loob ng suite para alamin kung anong oras na at ganun na lang ang panlulumo ko nang makitang alas 11:30 na ng umaga. Napasarap pala ako ng tulog palibhasa pagal na pagal ang katawan ko sa byahe.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon