Chinito XXXIII

260 4 0
                                    


---

"K-kahit naman minsan nakakairita ka love kita. Kahit lagi mo akong inaaway mahalaga ka sa akin. Kahit nakakasawa na minsan tingnan ang 5:5 mong buhok at yang weird mong kilay pagtitiisan ko na lang basta huwag ka lang mamatay. Saka.. Saka..You promised me that night di ba? I wanna see you happy. Ang bata bata mo pa. Susundan mo na kaagad si Mira. Hindi man lang kayo naawa sa akin. Pinagkakaisahan ninyo ako." Sabay palahaw ng iyak. Nakakahiya pero masakit kasi talaga na isiping mamamatay na si Yuan.

Tinapik niya ako sa balikat. Pero nang hindi ako kumilos para lingunin siya ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. He's carressing my hair gently.

"Yen, I never thought that I mean that much to you. Sobrang nakakataba ng puso. Hindi ko alam kung makakaya ba kitang iwanan kung ngayon pa nga lang nagkakaganyan ka na." Lalo akong napapalahaw ng iyak sa sinabi niya. "I don't even know how to tell you this.. Kaso lang Yen..."

"Kaso lang what?" Umiiyak pa din na bumitaw ako sa yakap niya.

"There's a fvcking misunderstanding.. And honestly.. I'm not sure if I want to wring your neck right now or not.. But since what you said earlier was really touching I'll let it slide.."

"Ha? Don't tell me you're -- you're not.."

"I'm not dying, you silly. Where did you get that idea?"

"Kasi you said mawawala ka then you said something like like basta.. Aissh! So, hindi ka nga matsutsugi? You're not sick?" He nodded while smiling. Naiinis na natatawa na sinabunutan ko siya.

"Ah thank God. I thought I'm gonna lose you na, eh. So ano palang ibig sabihin mo dun sa panghihinayang chuchu mo kanina?"

"Uhh about that--"

Pinutol ng malakas na ring ng phone ang sinasabi ni Yuan. Mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Yeah, we're on our way na po. Medyo naipit lang sa traffic. May banggaan po kasi Kuya Xerox."

"Anong bangga--?!" Tinakpan ni Yuan ang bibig ko at pinanlakihan ako ng mata.

"Yeah, she's fine. May nakita lang na ano.. na palaka sa kasabay naming sasakyan." ... "Okay po. We'll be there in ten minutes. Bye."

Pagkababa niya ng tawag ay masama niya akong tiningnan. "Next time pakizip naman ng bunganga mo kapag nasa phone ako lalong lalo na kapag si Kuya Xerox ang kausap ko. I'm saving you from his wrath."

"Tss. Oo na. Kasungit."

We arrived at the studio fifteen minutes before nine o'clock. Everyone's busy. Kuya Xerox saw us but he ignored us and just instructed everyone that we'll be starting in ten minutes.

Napamulagat ako kay Yuan.

"Ten minutes? Hindi naman ako late, ah! Ano 'yun? Hindi na ako aayusan?" He just shrugged his shoulders.

I pinched my nose bridge. Ni hindi pa nga ako tinatantanan ng pagpintig ng sentido ko tapos ganito pa ang mangyayari.

Feeling ko anytime magc-collapse ako kaya mabilis akong pumunta sa dressing room para makaupo kaagad. Hindi sumunod si Yuan. Nag lingunin ko siya ay may kausap siya sa phone at sumenyas siya na kailangan niyang umalis. Tinanguan ko siya at nagthank you sa paghatid niya sa akin.

Nakakaloko ang araw na 'to. Nai-stress na talaga ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ng tama ang instructions ni Kuya Xerox mamaya."

"Nasaan na ba si Karly? Bakit hindi pa niya ako inaayusan? Anong petsa na? Mamaya niyan pag-initan na naman ako ni Xerox machine." I dialled his number pero hindi niya sinasagot. Waaaah. I'm doomed. Lahat busy kaya wala akong mapagtanungan.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon